Chapter 66

293 15 0
                                    

"Do you really want to know the real Calixian Bancroft?"

Tanong ni Nathan na naka pag pagulo sa sistema ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"What...what do you mean by 'The real Calixian Bancroft?' Nag aalanganin kong tanong kay Nathan.

"Do you really wanna know?" Tanong niya ulit.

Napalunok ako dahil sa kaseryosohan niya ngayon.

"H... Hindi naman mamamatay tao si Calixian di ba?"

Nang sabihin ko yun ay agad nawala ang kaseryosohan sa mukha niya at napalitan ng malakas na pagtawa.

Napailing nalang ako.

Bakit ko ba kinakausap to? Baka mamaya pag tripan lang ako nito eh.

Nang mapansin niyang masama na ang tingin ko sa kanya ay agad naman siyang tumahimik at nagseryoso ulit.

"Ehem! Hehe" Nathan

"Ano na nga! Nagseseryoso tapos tatawa, pag ako mapikon sayo babalik ako sa loob" pagbabanta ko sa kanya.

"Okay, okay heto na" seryoso niyang sabi.

"As what I said earlier, hindi ang totoong Calixian Bancroft ang nakikita mo." Panimula niya.

"Hmm"

"Calixian and I, were not that close. Pero nandun ako nung nangyari ang isang pangyayari na bumago sa kanya." Panimula niya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"July 15, **** namatay ang kaisa isang babaeng minahal niya."

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"May babaeng minahal si Calixian, yun ang kaisa isang babaeng sineryoso niya buong buhay niya"

Natigilan ako sa narinig.

"Ibig mo bang sabihin na may nakarelasyon si Calixian noon?" Tanong ko.

Tumango naman ito ng dahan dahan.

"What? Akala ko wala siyang sineryoso? Ang gago niya kaya!"

Natawa naman siya sa reaction ko.

"Well, yun ang pilit na pinaniwala namin sa sarili namin at sa pamilya niya" Nathan

"Teka nga lang Nathan! Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo eh. Anong pilit pinaniwala sa mga sarili ninyo? Ang gulo ha promise!" Reklamo ko.

Ano bang klase ng buhay meron ang lalaking yun at ang gulo?

"Ganito kasi yun, around 17 or 18 years old nagkaroon ng Girlfriend si Calixian, hindi naman siya talaga gago noon, mapagmahal siyang lalaki at masasabi kong tapat siya kay Yeri."

"Yeri ang pangalan ng babae?" Tanong ko.

"Oo. Masaya naman silang dalawa at alam rin both sides ng pamilya nila yung relationship nila kaya walang problema. Their relationship lasts for 2 years ata yun sa pagkaka alala ko. Hanggang sa dumating yung araw na nakapagpabago ng lahat."

Tahimik lang ako habang nag ku kwento si Nathan. Di ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasabi niya dahil di ko talaga maisip na isang mapagmahal at faithful na lalaki yung bruho na yun eh.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon