Kabanata 31

71.9K 4K 8.8K
                                    

Kabanata 31

"Sorry, I was late." hinihingal kong saad bago sumalampak sa passenger's seat.

"You're just in time," sabi ni Caer bago paandarin ang makina ng kotse. "Nakatulog naman si Leice habang hinihintay ka namin kaya okay lang."

I laughed. "Mabait ka pa rin hanggang ngayon."

I fixed my pearl earrings while looking in the rear mirror. Nakita ko ang nanglalaking mata ni Leice habang nakatingin siya sa akin. She was drooling and her tiny frame made me smile.

"Okay lang ba na ma-late tayo? Medyo naninibago pa kasi ako sa hospital kaya pinipilit ko rin na makisalamuha sa iba," sabi ko.

It's not like the other doctors and nurses are bad, pero siyempre bago lang ako roon kaya naman kailangan ko silang kilalanin kahit papaano. It is the first time that my surname doesn't scare anyone. Wala na rin rason upang di ako pansinin ng mga tao dahil sa takot.

"Dadaan lang naman tayo," Caer said. Napalingon siya kay Leice na mukhang iiyak dahil mag-isa lang sa likod. My eyebrows furrowed and I immediately volunteered.

"Puntahan ko lang si Leice sa likod ha?" paalam ko kay Caer. Lumipat ako sa likuran upang samahan ang bunso namin.

Kinandong ko si Leice upang i-hele. She draped her arms around me and lightly nibbled on my shoulders. Akala yata ay pacifier ako.

"Love you, sweetcheeks." bulong ko kay Leice.

"Mamah," Leice giggled. "Mamah! Mamah!"

Leice was turning two this year. Hindi pa namin siya maiwan ni Caer sa iba dahil masyadong maselan si Leice sa mga kasama n'ya.

Nagulat ako dahil pilit akong hinuhubaran ni Leice. She probably wanted to drink milk. Agad akong nagkulay kamatis dahil hindi rin makatingin sa direksyon namin si CL. He's obviously shy too.

"Sa bottle ka muna, sweetcheeks." Pinisil ko nang bahagya ang pisngi ni Leice.

Umiyak si Leice kaya medyo nag-panic ako. I looked at her bag and saw that the formula milk was there. Agad ko naman siyang tinimplahan. I gave her the milk to pacify her hunger. Muli ko siyang kinarga habang palalim nang palalim ang gabi.

"Is this the first time that they'll see Leice?" tanong ko kay Caer. "Di mo ba pinakita sa kanila nang wala ako?"

CL bobbed his head. "Yes, ayoko rin talagang masyadong makiusisa ang iba pagdating kay Leice. She's still young and you know how they can be so cruel at times."

Hindi ko masisisi si CL sa naging desisyon n'ya. Leice is precious and she has the same features as her father. Mas malambing nga lang tingnan si Leice. Sa buong biyahe ay pinanood ko itong matulog sa aking mga bisig. Humihilik pa nga ito kaya naman napapansin ko ang pagngiti ni CL sa harapan.

I unconsciously smiled.

He's a good father. I never knew CL could be like this when it comes to Leice. Noon ay sanay akong sobrang bait ni CL pero pakiramdam ko ay mawawala ang kabaitan n'ya kapag may nangyaring masama kay Leice.

Nakarating na kami sa may parking lot. Cl helped me unbuckle my seatbelt and proceeded to get Leice's bag. Napalingon pa ako sa likuran ko dahil napansin ko ang mga naliligaw na titig sa aming dalawa.

"Don't mind them," Caer whispered in my ears. "Matagal na rin kasi no'ng huli ka nilang nakita."

I nodded because that makes sense. It was almost seven years ago when Etienne and I broke up. Mula noon ay hindi na ako uma-attend ng mga party ng mga Soteiros. I even avoided some socialite parties even if I was a Reverio. Hindi ko alam kung bakit big deal na nandito ulit ako. I'm sure the news about me and Caer has already got into them.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon