Chapter 67

309 12 0
                                    

"Tita doll! Tita doll!"

Nakangiting bungad ni Sofie sa akin pagka pasok palang namin sa bahay nila.

"Hi Sofie" nakangiti kong bati sa kanya at sinalubong siya ng yakap.

"Tita doll, namiss po kita hihi" bungisngis niya habang nakayakap sa akin.

"Miss ka rin ni tita" Sabi ko at kumalas sa yakap.

"Batiin mo din si Tito Xian mo" Sabi ko kay sofie.

Agad naman itong tumakbo sa likod ko para salubungin si Calixian na nakatayo lang malapit sa pintuan.

"Tito Xian! Hihi" salubong niya kay Calixian at nagpa karga.

Kinarga naman ito ni Calixian at hinalikan sa pisnge.

"How are you Sofie?" Calixian.

"Okay lang po, happy po ako na nandito kayo ni tita doll hihi"

Napangiti ako habang tinitignan ang cute na cute na si Sofie.

Pano ba magkaroon ng ganyan ka cute na anak? She's so adorable!

"Nandito na pala kayo. Buti naka dalaw kayo dito" nakangiting bungad sa amin nang mommy ni Sofie.

"Gusto po namin bisitahin si Sofie. Nakakatuwa kasi pag may bata eh. Nakakawala nang stress" nakangiti kong sabi sa mommy ni Sofie.

"Mahilig ka sa kids?"

"Hindi po gaano pero natutuwa ako pag nakikita ko si Sofie." Sagot ko naman.

"Then, dapat pala pagkatapos ng kasal ninyo ni Calixian ay makabuo na agad kayo  HAHAHA"

"Ate naman eh" naka pout kong sambit.

"Hahaha. Nga pala, tamang tama at nandito kayo. May lakad kasi kami ng asawa ko ngayon. Pwede bang pakibantayan muna si Sofie?"

"Sure ate, walang problema" sagot ko.

"Tita doll!"

"Yes baby?"

"I wanna go out po, pwede po ba tayo punta sa park later?" Sofie

"May malapit na park ba dito?" Tanong ko kay Calixian.

"Hindi ganun ka lapit." Aniya.

Pumunta ako sa may gawi ng bintana at tinignan kung ayos lang ba ang panahon.

"Pag hindi uulan pupunta tayo sa park okay" Sabi ko sa bata.

"Yeheyy!" Natutuwang sambit ni Sofie at tumatakbo papunta sa taas habang pakanta kanta.

Natawa nalang ako sa reaction niya. Binalingan ko ng tingin si calixian na tulala.

Masakit parin pala talaga para sa kanya yung nangyari

"Tulala ka? Wag ka ngang tulala diyan. Naninibago ako sayo eh" Sabi ko rito.

Natauhan naman to mula sa pagkakatulala.

"Sorry I was just thinking something" mahinang sagot niya.

"Kung ano man yan, wag mo masyado isipin. Sira na nga ang gabi at panaginip mo pati ba naman araw mo masisira? Smile ka nga diyan. Nakakapanibago ka kapag ganyan eh"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon