💦 Episode 20💦

27K 654 50
                                    


“Huwag ka ng mag-dalawang isip Yssa for Pete’s sake! Kaya ako pumupunta dito ay dahil gusto kong ilayo kayo ni Raz sa mga mapanakit na tao! They are all the same believe me huwag ka ng magpaalam pa”

Hindi mapakali niyang sabi. Alam ko naman na sa tindi ng hirap at sakit na dinanas ko ay dapat na akong magpakalayu-layo dahil ito naman ang hinahangad ko noon pa. Pero Trez is a good person and a good uncle for Raz.

Alam kong mali ang gagawin ko dahil ilalayo ko si Raz sa ama niya pero pakiramdam ko ito ang dapat kong gawin.

“What are you staring at? Mag-ayos kana bilisan mo!”
Bakit ba natataranta siya?

Nilingon ko si Raz na naglalaro ng binigay niyang mga toys at wala sa sarili akong napatayo papunta ng kuwarto namin.

“I’m back!”

Napalingon ako ng marinig ang boses ni Trez kaya napabalik ako sa puwesto ko. Akala ko gagabihin siya?

“Uncle! Ano ‘yan? Is that for me?”

Napatigtig ako sa kanilang dalawa ni Rome kasi kapwa silang naestatwa.

“R-Rose?”

Nagulat ako dahil ako lang naman ang nakakilala kay Rome sa totoong pangalan niya. Magkakilala ba sila? At ang mukha niya ay punong-puno ng galit.

“I’m n-not Rose!” Agad siyang tumalikod at nagmartsa patungong pinto.

Nakakunot noo si Trez at nang matauhan ay mabilis niya itong hinabol. Ano ba ang nangyayari ngayon? Magkakilala ba sila? Nakita na siya ni Trez sa mansion but mukha itong lalaki at si Rome ito ng sumugod siya doon. Anong hindi ko nalalaman sa past ni Rome as Rose?

Kaya ba nagtatago siya bilang isang Rome dahil ayaw niyang may makaalam kung sino siya?

At kaano-ano niya si Trez? Are they ex-friends? Or ex-boyfriend? Dali dali akong lumabas at nakita ko silang nag-aaway habang pinipigilan niya itong umalis.

“Let me go!”

“No! Not this time Rose! We need to talk do you understand? Almost seven years Rose seven years! We are still married for fucking sake!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Trez.what? They are married?

“No! That marriage is fake! Wala na tayong dapat pag-usapan pa dahil bayad na ang pamilya ko sa pamilya niyo! Let me go!”

“Diyan ka nagkakamali! At kailangan nating mag-usap!”

“Ano ba! Bitawan mo ako sabi!”
Naghihilahan silang dalawa at kapwa silang natigilan ng makita nila ako.

Napatitig lang ako sa kanila at hinila na siya ni Trez papasok ng bahay. Hinayaan ko muna silang mag-usap at nahahati ang atensyon ko habang binabantayan ko si Raz.

“Ma, where’s dad? I miss him”
Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.

“Babalik ba si dad? Hindi ba kayo bati Ma?”

Hinila ko nalang siya at hinalikan sa noo. Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong niya. At ayokong pag-usapan ang ama niya. Buti nalang hindi niya na ako kinulit pa.

Paglabas ko ng room ay tahimik na silang dalawa sa sala at nakaiwas ng tingin si Rome habang nakatitig ng masama si Trez sa kaniya. Malakas ang ulan sa labas at wala nang may umiimik pa kahit isa sa kanila.

“May cr kayo sa room niyo?” biglang tanong ni Rome sakin na tila ako ang may ari ng bahay. Napatango ako ng wala sa oras at mabilis siyang naglakad nung tinuro ko sa kaniya ang room namin ni Raz.

“Trez what’s wrong? Magkakilala ba kayo ni Rome?” napatingin siya sakin at hindi ko maipaliwanag ang mukha niya.

“Yung Rome na akala ko ay isang lalake, siya si Rose na asawa ko Yssa”

“P-Paano nangyari ‘yon Trez?”

“Malaki ang utang ng pamilya nila sa daddy ko. Siya ang ginawang pambayad kapalit ng isang kasal. We are married almost seven years ago, sabi ni Mom it was a fake but it’s not!”

“Kaya nga halos hindi ako makahanap ng mapapangasawa dahil hindi kami annulled noong umalis siya. She’s mad at me and I don’t know what’s the reason why she’d left!”

“Alamin mo” napahilamos siya sa mukha niya at ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Nagshare ng room si Rome sa amin or much better tatawagin ko siyang Rose dahil may asawa na pala siya. And I can’t believe it, ayaw niya magsalita kaya hinayaan ko muna siya alam kong hindi rin siya makakatiis.

Tulog pa si Raz and ganon din si Rose nang magising ako. Lumabas ako ng room at naghanap ng lulutuin. Napatitig ako sa labas at umuulan parin.

Pumasok sa isip ko ang namamagitan kina Trez and Rose. That woman! May tinatago pala siya sakin. That day when Trez asked me to be his girlfriend, plano lang namin ‘yon para lang maprotektahan niya ako mula sa halimaw niyang kapatid at sa ina niya.

Pero ngayon hindi na yata matutuloy ang pagpapanggap namin dahil sa sitwasyon nila. Napailing ako nang maalalang sumisinghot si Rose kagabi. Si Trez ba ang dahilan kaya mas pinili niyang maging isang lesbian?

Pero agad kong nabitawan ang bitbit kong sandok ng makitang may tao pala sa likod ko. Nag init agad ang dibdib ko at unti-unting bumalik ang galit ko ng makita ko siya. Paano siya nakapasok ng ganun-ganon nalang?

“One”

Mahinang sabi niya at basang-basa siya ng ulan habang nakatitig sakin.

Agad kong pinulot ang sandok at mabilis na tumalikod sa kaniya. I just take a footsteps away when he suddenly held my arm.

“Y-Yssa please, mag-usap tayo” He said using his  lower voice na animoy isang anghel ‘yon pala nag-uumapaw ang sungay niya!

Hindi ako sumagot at pumiksi ako sa pagkakahawak niya sakin, pero hindi niya parin ako tinantanan.

“Bitaw!” I glared at him. Kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya.

“Let’s talk first…Please”

Napaatras siya ng pinalo ko siya ng sandok sa ulo, sunod ay sa dibdib niya dahil sobrang nainis ako at ayokong makita ang pagmumukha niya.

“Umalis ka dito ayaw kitang makita! Hindi kaba nakakaintindi? Ayoko sayo!”

He froze as I said that, nakita ko pa kung paano gumalaw ang panga niya. Kulang pa ‘yang palo ko sa lahat ng pananakit at pambababoy niya sakin! Ang dapat nga sa kaniya ay pinapakuluan habang buhay pa!

“Yssa, ano bang gusto mong gawin ko, huh? Just tell me! Pinagsisihan ko na lahat ng nagawa ko but please don’t hurt me l-like this. Please One, kahit itaboy mo ako nang paulit-ulit magpupumilit parin ako”

“Alam kong likas na ‘yan sayo! Ang pagiging makapal ang mukha! Pinagsisihan mo man o wala, wala na akong pakialam, pwede mo namang makita si Raz at makausap pero huwag mo akong guluhin, Tapos ang usapan!”

Imbes na magluto ay hindi ko natuloy dahil sa pambubulabog na ginagawa niya! Parang sasabog ako sa tindi ng inis! Makita ko lang ang pagmumukha niya o kahit dumampi lang ang balat niya sa balat ko ay tila gusto kong magwala.

I hate his look, I hate his walk, I hate the way he talked and I hate everything on him! God knows how I hate him.

Naabutan ko si Rose na pupunas-punas ng mata at napatitig siya sakin. Nahihilo ako at paulit-ulit kong hinimas ang dibdib ko dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko. Halo-halong sakit at inis na hindi ko maipaliwanag. Napapikit ako dahil tila yumanig ang buong kuwarto.

“Hey Yssa, are you okay? You look so pale” nag aalalang tanong niya at agad na lumapit sakin.

“N-Nahihilo ako, tinakbo ko kasi y-yung hagdan”

“Bakit mo kasi tinakbo baliw karin eh!” Gusto ko sanang barahin siya at mag-open ng topic about sa kung anong meron sila ni Trez pero agad nalang akong napatakbo ng banyo.

Napaubo ako at napaduwal, napahigpit ang paghawak ko sa bowl at muling dumuwal.

“God! What happened to you?” Nag-aalalang sabi niya habang hinihimas ang likod ko. Nang wala na akong mailabas ay nanghina nalang ako bigla.

“Hey, napano ka?” Bigla ko nalang naalala yung kinain kong pinya pagkagising na pagkagising ko.

Natakam kasi ako nang makita ko sa fruit tray at naparami yung kain ko which is mali dahil maraming acid ito.

“N-Nasobrahan yata ako sa pagkain ng pinya pagkagising ko kasi ‘yon kaagad ang kinain ko”

“Gosh, hindi ka ba nag-iisip na kapag napasobra na ang pagkain mo ng pinya ay maaari ka ring magkaLBM? Ilang pinya ba nakain mo?”

“Apat” napakunot noo siya sakin at napatitig.

“Seriously? Hindi mo naman paborito ‘yon ah? Daig mo pa ang buntis tumayo ka na nga diyan!”

Napakabog naman bigla ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. No! Hindi na ako papayag pa na magbubunga na naman ulit ang kahayupang ginawa ng Tauruz na iyon! Oh god, hindi ko kakayanin! Please huwag naman sana.

Imbis na bumuti ang pakiramdam ay bigla nalang nag-iba ang modo ko, nainis ako sa isiping baka buntis ako. But no, hindi ganito ang pakiramdam ko nang ipinagbubuntis ko si Taraz. No! Alam kong dahil talaga sa kinain kong pinya kaya ako nagsusuka kanina.

Paglabas ko ng banyo ay wala na si Raz sa kama, at dahil bukas ang pinto ay narinig ko ang boses niya sa labas, hindi naman kataasan yung hagdan ngunit natatakot parin ako para sa kaligtasan ng anak ko.

Anim na baitang lang ‘yon pero baka naman kung mapano siya.

“Raz, magdahan-dahan ka” mabilis kong saway sa kaniya at hinabol siya pero natigilan ako ng tumili nalang siya bigla.

“Daddy! Oh, why are you so wet?”

“Nothing…I just want to visit you.” Sabay titig niya sakin kaya agad akong tumalikod. Bakit hindi pa siya umalis?

“No, sabi ni mama magkakasakit ka kapag basa ka. Come here, bihis ka muna daddy”
Rinig kong sa usapan nilang dalawa mula sa baba dahil malapit lang ang kuwarto sa hagdan.

“Bakit ka pumasok dito ng ganyan Ruz? May pahintulot ka mula sa may-ari ng bahay na ito?” Narinig kong sita ni Trez sa kaniya.

“Hindi ikaw ang pinunta ko dito! Just shut up!” Galit na angil niya at talaga bang nagbabangayan sila sa harap ni Raz?

“Tsk! Bago ka umalis pakituyo ng dinaanan mo wala akong maid dito!”

“It’s not my problem!” Napairap nalang ako dahil sa kagaspangan ng ugali niya. Magkaibang magkaiba talaga sila ni Trez.



SBTBS> jayewel

KEEP READING AND ENJOY EVERYONE PERO MAGVOTE NARIN KAYO PURO KAYO ENJOY 🤣

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon