Chapter Two

30K 493 111
                                    

Feeling myself at home, I rested my back on the bed while my feet are still on the floor. I closed my eyes and a smile rose from my lips.

Kaaalis lang nila Mommy at hinatid na ako ni Tita Meryll sa magiging kuwarto ko. Kinikilig ako sa tuwing maiisip na katabi lang ng kuwarto ko ang kuwarto ni Cairus, marahil ay sinadya rin ng mga nakatatanda.

Nararamdaman kong sinusuportahan nila ako sa kalandian ko. Sila na kasi mismo ang nagsabi na nasa tamang edad na kami, walang mga partner kaya bakit hindi na lang kaming dalawa? Heto nga at pinipilit nila.

Hindi ko alam kung may malay ba si Cai tungkol dito o wala lang talaga siyang pakialam. Pero at least hindi siya tumanggi.

Sino ba namang makatatanggi sa ganda ko?

Bago pa ako tuluyang makatulog dahil nakakaramdam na ako ng antok ay tumayo na ako mula sa kama at pumasok sa banyo para maligo. Ramdam ko na kasi ang lagkit ng katawan ko.

Pinagmasdan ko ang loob, may bathtub at shower room. Kumpleto rin ang mga gamit panligo at may mga towels na nakahanda sa cabinet.

Sobrang yaman na ng mga Villaverde, kahit yata hindi na sila magtrabaho, mabubuhay sila. 'Yon nga lang, they can't do that especially if they want their family to grow. They need to work hard so that their future sons and daughters' future will be ensured.

Mali ako nang inakala kong makakatulog agad ako pagkatapos kong maligo. Nakatulala pa rin ako sa ceiling hanggang ngayon. Ilang beses na 'kong pumikit ngunit nabibigo akong makatulog. Ilang ikot na rin ang ginagawa ko sa kama. Komportable naman pero ayaw talaga akong hilahin ng antok.

May bumabagabag kasi sa isip ko. Gusto kong makita si Cai. Nandito kaya siya o umalis? It's Sunday, I bet wala siyang pasok but I know he's busy because he's the CEO of their company.

Silipin ko kaya siya sa kuwarto niya? Silip lang naman.

Alam ko ring may office siya rito dahil iyon ang sabi ni Tita Meryll. So kung wala siya sa kuwarto niya, baka naroon siya sa office niya.

Mabilis akong tumayo at sinipat ang sarili sa salamin. Naka-spaghetti strap akong sando saka dolphin short. Pinag-iisipan ko kung papalitan ko pa ang short ko pero sa huli ay tinamad na.

Wala akong kolorete sa mukha pero maganda pa rin naman ako. Maayos ang pagkakabagsak ng buhok kong hanggang ilalim ng dede ang haba. Nakuntento na ako sa itsura ko kaya't lumabas na ako ng kuwarto saka lumingon sa kaliwa't kanan upang tingnan kung may tao ba ngunit wala.

Sinara ko nang dahan-dahan ang pinto at humakbang ng ilang beses bago tuluyang huminto sa tapat ng kuwarto niya. Tinitigan ko ang pinto at nag-isip nang mabuti kung itutuloy ba ang plano.

Huminga ako nang malalim at lumapit dito saka hinawakan ang door knob. Napahawak ako sa dibdib gamit ang kaliwa kong kamay dahil sa kabang nararamdaman. Napapikit ako ng ilang sandali sa pag-aakalang makakakuha ako ng lakas ng loob.

"Wala siya riyan."

Pipihitin ko na sana ang door knob nang biglang magsalita si Zairus mula sa likuran ko. Napapitlag ako at kung kanina'y isang kamay lang ang nakahawak sa dibdib ko, ngayon ay dalawa na dahil sa labis na gulat.

"Ano ba, Zai? Nakakagulat ka naman. Bigla kang sumusulpot!" singhal ko.

"Tsk. Cai left because he doesn't want to see you around," he said. "He knows you will mess with him."

I pouted. "I won't bother him if he's busy! Bakit kailangan niya pang umalis?"

"Sentido kumon," nawawalan ng pasensya niyang sabi. "Ayaw ka nga niyang makita."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon