41. Naive

220 26 0
                                    


Farrah

Natapos ang araw nang pagod kami ni Liam dahil tinulungan ko s'ya sa mga parusa na iginawad ng hari sa kanya. Ayaw n'ya pa nga na tumulong ako pero wala s'yang nagawa.

Mag-linis ng kalat sa bartolina ang inutos sa kanya at walisin ang nakakalat na mga bulaklak sa hardin. Madali lang? Haha, sobrang lapad ng hardin at bartolina.

Halos buong araw ko ring hindi nakatagpo ang tatlo...

Bakit ba naman hindi ko sila matiis...

Makikita ko naman siguro sila sa hapag-kainan mamaya.

"Akin na ang walis, maligo ka na roon." Sabi ni Liam.

Umiling ako, "hindi pa nga tayo nangangalahati sa pag-linis ng hardin."

"Ipabukas na natin 'to, tara na." Anito.

"Sige na nga." Iniabot ko na ang walis sa kanya upang ligpitin n'ya.

Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya mas maiging mag-pahinga muna kami. Sana nga ay may pahinga na ako. Bwesit naman kasi! Nananakit pa rin pulsuhan ko dahil sa pagkakagapos.

Nagmuni-muni muna ako sa hardin habang inaantay si Liam na bumalik. Sa dami ba naman ng mga bulaklak na nagsisiglaglagan ay mahihirapan kami, may mga dahon pa mula sa mga puno.

'Sa bukal na lang kaya kami maligo? Naririndi ako sa init ng tubig sa liguan ni Liam, wala naman akong sakit pero parang magkakaroon dahil sa init ng tubig n'ya.'

Tiningnan ko ang aking palad. Nangangati ang palad ko at gustong mag-ensayo ng pana. Inunat ko ang kamay ko na tila'y umakto na titira ng pana, "Hay! Ka-miss." Buntong hininga ko.

Bumalik na si Liam na tumatakbo pa palapit sa'kin, "sa bukal tayo, Liam." Aya ko.

"Hindi." Mabilis n'yang pag-tanggi.

"E? Bakit hindi?" Takako.

"Alam mo naman ang nangyari noong huli tayong naligo sa bukal kaya hindi na mauulit iyon, tara na sa palasyo." Hila n'ya sa braso ko.

Nagpumiglas ako, "t-teka, ayaw ko kasi ang tubig sa liguan mong pagka-init-init." Aniko.

"Iyon lang pala ang problema mo, maaari namang baguhin ang temperatura ng tubig doon, tara na." Marahan pa itong tumawa at hinawakan ang aking palad.

"Kailan mo ibabalita kay ina ang relasyon natin?" Tanong ko.

"Maaari tayong umalis bukas o kaya naman sa susunod na araw kung magkakasundo na kayo ng kapatid mo." Anito.

"Hindi naman kami nag-away, nagkasagutan lang..." Sabi ko.

"Kahit na, hindi naman kayo ganyan nitong mga nakaraang araw." Pag-irap nito na para bang babae.

Napatawa ako at pinulupot ang kamay ko sa kanyang braso, "wag kang mag-alala, mag-kakaayos din kami. Magkakamatayan kami kung hindi nila gustong ayusin."

At dapat lamang na magbati-bati kami, pinag-alala ko pa sila masyado.

Napatigil si Liam sa paglalakad na ipinagtaka ko, "anong meron?" Tanong ko.

"Narito ang prinsesa ng kanluran, at bakit?" Kausap n'ya sa kanyang sarili. Grabe naman sense ng lalaking 'to, buong palasyo.

Nang makapasok kami sa palasyo mula sa hardin ay nauna s'yang maglakad at mabilis ding nilingon ako.

"Patawad, akala ko'y mag-isa ko lamang haharapin ang prinsesa." Anito at marahan akong inakbayan.

Tumingin ako sa kabuuan ng kanyang mukha, "mas maganda kung may kasama ka diba?" Marahan kong pagtawa.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon