📔👝Greyd Siks🐒🎓

367 30 14
                                    




CHAPTER TWO


"Sabi nila mahirap raw mag grade seven!"

"weh?"

"woaaah"

Nakatingin ka lang sa dinadrawing mo sa notebook mo habang nakikinig sa usapan ng mga babae mong kaklase na nag uusap about highschool. Hindi ka naman gaanong kabado para sa next school year kahit alam mong maraming magbabago. Gagraduate ka lang naman ng elem at wala ka naman gaanong iintindihin dahil maayos naman ang pag aaral mo-

"Oi ano yang dinodrawing mo? Ako ba yan? bat orange?" biglang sumulpot si Nahoya sa tabi mo.

joke lang sa maayos na pag aaral. Hindi yon mangyayari hanggat may nakadikit sayong kupal na dimonyong bwisit sa buhay mo.

"Yuck! bat kita idadrawing? kapal mo naman. Cantaloupe to! favorite fruit ko" sabi mo sa kanya tsaka umirap.

"Ano? kantolut.. hahahahahah bobo melon yan" sabi niya tsaka inagaw yung notebook mo.

"Hoy!! akin na yan! ang aga aga ah! layuan mo ko masasapok kita" tumayo ka para abutin yung notebook.

Nagtinginan naman yung mga kaklase na nasa tabi ninyo ng marinig ang ingay niyo.

"Hindi naman to prutas! di naman bilog eh parang kulot kulot pareho ng buhok ko. Crush mo ko no? Hahahaha yuck panget mo hahaha" sabi niya tsaka nilalayo sayo yung notebook habang nakatingin sa notebook. Yung isang kamay niya nakahawak sa dalawang kamay mo. Pinagsaklob niya ito at hindi ka agad makawala sa pagkakahawak niya.

Napansin mo na medyo lumalakas siya kahit bata palang siya dahil sa higpit ng pagkakahawak sa dalawa mong kamay.

"Ulol! bat ako magkakagusto sayo? mangarap ka. Mas pangit ka! Bat ko idadrawing buhok mo? magpakalbo ka pa! feelingero amp" sigaw mo sa kanya.

Nagtatawanan lang yung iba niyong kaklase sainyo. Yung iba naman ay may sariling mundo at nag uusap usap lang.

Nung dumating na yung teacher ay naagaw mo sa kanya agad yung notebook mo. Umayos ang lahat ng estudyante at binati ang teacher.

"Ok so malapit na graduation niyo, malapit narin matapos ang school year" sabi ng teacher.

Narinig mo ang iilang mga nalungkot na magkakaklase.

"Alam ko yung iba sainyong magkakaibigan ay mag tatranser na next school year, at mga highschool narin kayo next year..." nagpatuloy pa sa pagdaldal ang teacher niyo kaya di ka na nakinig.

Binuksan mo ang notebook mo at itutuloy mo na sana yung idadrawing mo kaso napangiwi ka ng pumasok sa isip mo yung buhok ni Nahoya. Sinarado mo nalang yung notebook dahil na-awkwardan ka na ituloy.

"Bat? ayaw mo na ituloy kasi crush mo ko no?" sabi ng nasa tabi mo. Lumingon ka at nakita mo si Nahoya na nakangiti sayo.

"Hoy bat ikaw nasa tabi ko?! nasan yung nakaupo diyan?" naiinis mong tanong.

Hinanap mo yung totoo mong seatmate at nakita mo siya na nakaupo sa upuan ni Nahoya sa bandang likod. Nakatingin siya sa inyo ng may takot sa mukha, nginisian naman ito ni Nahoya. Binatukan mo siya sa ulo dahil sa sobrang bully nito.

"Ikaw lumayo layo ka nga saken!" sigaw mo sa kanya.

Humawak siya sa ulo niya, "Magtatransfer ka ba next school year?" tanong niya.

"Bat ko sasabihin sayo? para magkaklase ulit tayo? ayoko nga! eww" nandidiring sabi mo sa kanya.

"Luh parang timang, wag kang feelingera, ayaw kitang kaklase no, tinatanong ko lang" sabi niya.

𝗖𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗢𝗨𝗣𝗘 (Extended Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon