🖊🐸Grade Seven 🛍🥼

363 20 26
                                    




CHAPTER THREE

"y/n pahiram nga ballpen, ayaw gumana nung akin" sabi ni Nahoya na nasa tabi mo. Magsstart na kasi yung quiz niyo in 5 minutes.

"Saglit, wala pa kong extra. Sa iba ka manghingi" sabi mo tsaka nagsulat ng numbers 1 to 15 pababa sa papel mo.

"Eh ayaw ko, sayo nalang bilis na magsstart na oh" sabi niya tsaka niyugyog yung balikat mo.

"Lintek! bahala ka diyan! wag ako kinukulit mo! ang hirap mo ka-seatmate!" sigaw mo sa kanya. Hindi naman gaanong malakas at hindi rin rinig ng teacher niyo dahil nasa likod kayo pareho. And yes, seatmate na kayo ngayon. Kaya mas napapadalas na ang pang aasar ni Nahoya sayo. Gaano ka dalas? Araw araw, kasi araw araw kayo magkatabi deba.

"Damot mo naman y/n, parang ballpen lang eh. Pangit pangit mo na nga ang damot mo p-"

Nainis ka na ng tuluyan kaya yung hawak mong ballpen ay nginudngod mo na sa mukha niya.

"Oh! Ayan oh! Kainin mo! Laklakin mo! mukha kang ballpen! Baka iyakan mo pa ko diyan! bwiset ka talaga!" sabi mo tapos kinuha mo yung bag mo para maghalungkat.

"Yey nice! Hahahaha" ngumiti siya habang hawak hawak yung ballpen na pinahiram mo sa kanya. Hindi man lang nagthank you pero hindi mo narin inisip yon kasi demonyo siya di naman marunong magpasalamat yan, pwera nalang nung... basta.

"Okay start na tayo class, number 1..."

Na zone out ka saglit kaya hindi mo na namalayan na nagstart na pala yung quiz. Wala ka paring nakikitang ballpen sa bag mo kaya nagmamadali ka na. Hindi mo naman maawat ang teacher dahil nahihiya ka.

"tsk... bat wala na.." napapabulong ka nalang habang hinagod yung mga notebook at ibang pouch sa bag mo.

"number 2..."

Napa angat ka naman ng ulo sa teacher nung narinig mo na number two na agad. Napabuntong hininga ka naman habang binabalik ang tingin sa bag mo. Wala ka na talagang dalang ballpen.

Naramdaman mong may tumusok sa siko mo kaya napalingon ka kay Nahoya.

"Oh, salitan tayo. Kawawa ka naman" sabi niya habang naka pangalumbaba gamit ang kaliwa niyang kamay. Napatingin ka naman sa kanang kamay niya na may ballpen na nakalahad sayo.

Hindi ka na nagsalita at agad mo itong kinuha para sagutan yung papel mo. Pinaulit mo sa teacher yung numbers 1 and 2 para may mailagaw ka.

Nung number 3 na ay agad mong sinagutan ang papel mo tsaka pinasa kay Nahoya ang ballpen. Kinuha niya yon at sinagutan rin ang papel niya tsaka binigay ulit sayo nung number 4 na.

"9/10 ka lang, weak mo naman y/n HAHAHAHAHAH" tawa ni Nahoya nung chineck niya yung papel mo. Nainis ka naman kaya binawi mo agad yung papel mo sa kanya.

"Pareho lang tayo, wag kang pabibo Nahoya" sabi mo tsaka hinampas sa mukha yung papel niya na chineckan mo.

"Lah, baka minali mo yung isa! madaya ka" sabi ni Nahoya habang iniiscan pa yung buong papel niya.

"Hoy ang kapal mo talaga kahit kailan! kasalanan ko bang bobo ka? spelling na ngalang eh kung di ka lang bobo ede sana perfect ka!" sabi mo sa kanya habang nilalakihan mo pa ng mata.

"Minali mo ata to eh" sabi niya tsaka tumawa nung nakita yung mukha mo na naiinis.

Susubukan mo sana na sabunutan ulit siya kaso napigilan ka nanaman niya.

"Nasan ballpen ko?" tanong mo habang nagmamasid sa desk niya.

"Akin nalang, bili ka bago" sabi niya tsaka pinamulsa yung ballpen mo na nakatago pala sa kamay niya.

𝗖𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗢𝗨𝗣𝗘 (Extended Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon