🧚🏻‍♀️🎉Freshman .2👟🤝

810 38 60
                                    




CHAPTER SIX

"Ako na magdadala ng gamit mo, hihintayin nalang kita maayusan tapos pumunta na tayo sa bayan" bilin sayo ng mama mo habang nasa gate kayo.

"Sure ka ayaw mo pumasok?" tanong mo sa kanya.

Tumanggi naman ang siya kaya pumasok ka na agad. Walang klase ngayon ang lahat ng studyante sa eskwelahan niyo para masuportahan ang dance showdown na gaganapin sa bayan kaya wala kang nakikitang tao kahit na isa sa mga room na nadadaanan mo.

Pagdating mo sa covered court ng eskwelahan ay abala na ang lahat na nagmamake up at ang iba ay nakacostume na. Agad mong hinanap sila Nahoya at nagulat ka ng may dumaang naghahabulan sa harapan mo.

"Kawata! isuot mo na!" sabi nung babaeng teacher ninyo na tumutulong sa paglalagay ng costume. Nagtatakbuhan lang sila paikot sa court dahil hinahabol niya si Nahoya.

"Ayoko nga! Bat ako lang? bat wala si Souya niyan? madayaaa di ko susuot yan hahahaha" natatawang sigaw niya. Hiningal na yung teacher kaya huminto siya. Si Nahoya naman ay nagtago kung saan.

"Oh y/n punta ka na don sa harap ng stage, doon yung side ng mga babae" sabi naman ni Chifuyu nung bigla siyang nagsalita sa tabi mo.

Napatingin ka sa kanya, nakacostume na siya, pero iba iba talaga ang costume kaya naiiba ang sa kanya at sa suot nila Nahoya. Pinuri mo siya dahil sa porma niya, "Ang gwapo mo naman" sabi mo sa kanya.

"Talaga? hehe gusto mo mamaya mag-"

"At ang landi" putol mo sa sinasabi niya tsaka naglakad papunta sa harap ng stage kung saan nagkukumpulan na doon ang mga babaeng mananayaw at iba pang mga teacher pati choreo.

Nang makita ka ng mga teacher ay nagsigawan sila at nag pasalamat sa diyos dahil nag aalala na raw sila dahil ikaw nalang ang wala. Napakamot ka nalang sa batok at nagsorry.

Habang nakaupo ka na sa isa sa mga upuan doon at minimake upan ay inilalabas ng choreo at ni Mitsuya yung costume mo na nasa kahon.

"Woaaaahhh!!"

Pipikit ka na sana dahil laagyan ka ng foundation kaso narinig mong magsalita ang lahat ng babae na nasa paligid mo. Lumingon ka sa tinitignan nila at nakita mo ang costume mo na color violet. Maingat itong itinaas ni Mitsuya at ang choreo naman ay marahan itong pinapagpagan.

"Momshie! Ga-bundok na patong ng tela niyan! pagtayo natalo pa ewan ko nalang!" sigaw ng babae na nagmamakeup sayo sa choreo.

"Oh diba pak! Si pogi nag tahi niyan! Bongga!" natutuwang sabi naman ng choreo.

Pinahawak ni Mitsuya sa choreo yung costume mo at lumapit siya sayo. Speechless ka naman kasi hindi mo alam kung matutuwa ka ba sa ganda or magbaback out ka kasi wala kang balak magsuot ng ganon.

"Suot mo agad mamaya ah? bagay sayo yan promise" sabi ni Mitsuya sayo habang nakatayo sa tabi mo. Napalunok ka nalang sa kaba.

Palit palit naman ang tinginan ng ibang mga sasayaw sainyo ni Mitsuya at sa costume. Ang mga teachers ay naghahagikgikan rin at pinag uusapan kung kasya ba sa kanila yon o hindi.

"Ikaw reyna namen" sabi nung katabi mo na hindi mo kilala pero mananayaw rin. Sa tancha mo ay mas matanda siya sayo ng konti at baka grade 10 ito. Napalingon ka sa kanya at nakita mong nakasuot na siya ng costume. Violet rin iyon ngunit iba lang kagaya ng sayo.

Nahihiya ka namang ngumiti, "Ay hehe... ewan ko" sabi mo nalang.

Napatingin naman siya kay Mitsuya, "Oy Takla gawa mo rin ako ganong dress sa bday ko!" pabirong sabi niya.

𝗖𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗢𝗨𝗣𝗘 (Extended Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon