Chapter 6( Battle Field)

5.2K 238 72
                                    

When I returned in my condo unit, nakatanggap agad ako ng tawag mula kay mommy.

Sumalampak ako sa kama. Ang sakit ng buong katawan ko. Ugh! Pag si Thanos ang kasama ko buong gabi uuwi talaga akong masakit ang katawan!

"Mom."

"Daughter," ang boses ni mommy ay tila ba nagpipigil. "Where are you? What have you done again?"

I rolled my eyes. What? Lagi nalang ba alam ni daddy mga ginagawa ko? I'm with my age!

Nasstress ang sexlife ko dahil kay dad! Di ko kasalanan na si Thanos itong pangangailangan ko. Ugh!

"Nagbar lang ako kagabi-"

"Shut up, my bitch daughter! I told you last night that someone's hunting you! Ginawa lahat ng dad mo para matugis ang lalaking iyon and now he knew na sumama ka kagabi sa isang kaaway niya? Hindi mo talaga alam ang mundong ginagalawan mo."

Natikom ko ang bibig at hindi nagsalita.

"Noren, listen. I do not care about how do you feel for Thanos. I care for you! Kaya mas pabor ako na si Delailah ang ipain nila sa lalaking iyon kaysa naman ikaw."

Napalunok ako. Bawat araw ay lalong nagiging makitid ang mundo at daan ko. Bawat araw tila ba ka daming nagbabago at dapat kong iwasan. Bata pa ako at maraming gustong gawin ngunit maraming bawal.

Nasasakal ako sa maraming bagay. Gusto ko lang naman magkatrabaho at maging masaya pero bakit tila ba ka'y hirap?

Natahimik rin si mommy sa kabilang linya. Pinunasan ko ang luhang namalisbis sa aking pisngi.

"Gusto kang makita ng ama mo. Noren, sa ngayon palang natatakot na ako sa mga gagawin sayo!"

Mom cut the call. Dumapa agad ako at pumikit ng mariin.

Bago ako umalis ay kumain ako at nakitang walang laman ang fridge ko. Bread nalang ang meron at iilang soda.

Ugh! Nakakainis! Wala na akong pera. Gusto ko nalang maiyak sa tuwing maiisip ko na college graduate naman ako pero ang hirap mag apply pala.

Kung sa kompanya ni daddy puwede but he wont let me. Ngayon palang nga galit na si daddy sakin.

Nagsuot ako ng pormal na damit at ginamit ang sasakyan ko na secondhand papunta sa mansyon ni daddy at mommy.

Kung ano man ang sasabihin ni dad ay memorize ko na iyong lahat. Sesermunan na naman ako tungkol sa paglalapit ko kay Thanos pero si Thanos naman ang nagligtas sakin.

Walang pinag bago ang mansyon. Napapaligiran parin ng mga tauhan at hindi ka basta bastang makakapasok dahil sa bakod palang makukurente ka na.

"Good morning ma'am."

"Good morning, madam!"

Ngumiti ako sa mga bumati sa akin.

"Hija! Kumain ka na ba?" si mommy na agad bumungad sakin pagpasok ko.

"Kumain na mom. Masarap naman ang cheese and bread palagi." sabay parinig ko kay mommy.

"Goodness, bakit iyan lang ang kinakain mo? Talk to your dad first at kumain ka na dito. "

I rolled my eyes again. Tamad na ako mag explain at tinungo na agad ang office ni dad dito sa mansyon.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako bago ko kinatok ang office ni dad at binuksan iyon.

Nasa labas rin ng pintuan ang kanyang mga tauhan.

Nagbabasa ng diyaryo si daddy at tinanggal ang kanyang reading glasses ng pumasok ako.

THANOS (Montediajo Series 1)Where stories live. Discover now