chapter twelve

2 0 0
                                    

Nakakadismaya. Nabisita lang namin ang aming anak pero hindi sya hinayaang maisama namin sa bahay. Pinaparusahan kami..

Nakita ko man ang anak ko ay hindi ko magawang mangiti man lang nang makauwi kami ng bahay. Ang lungkot na dadalawa lamang kami sa bahay. Nakakabagot kaya naman pagdating namin ay nahiga na lamang kami pareho kahit na maaga pa para matulog.

"Gusto mong makita ulit si Yukan, your baby?"

"Oo.." walang gana kong sagot atsaka ko sya tinignan. "Itanong mo naman kay Madam kung pwedeng sunduin ko sya sa school bukas?"

"Okay, I will talk to her tomorrow."

"Gawin mo ha..wag mong kakalimutan"

"Of course I will! Baka lang kasi nagpapahinga na sila ngayon kaya bukas nalang...sa company ay kakausapin ko sya ng personal"

"Gawin mo..." Yumakap ako sa kanya. "Namimiss ko na ang anak natin..." Hindi ko mayakap ang anak ko kaya ang malaking version na lamang ni Yukan. Namimiss ko na talaga ang baby ko. Pero iba parin kapag si Yukan ang kayakap ko. Namimiss ko narin ang maliit na kamay ng baby ko na ang sarap yumakap. Kahit na maliit ang anak ko ay parang ang laking tao kung makayakap ng pagkahigpit-higpit. "Baby Yukan.."

"You want a big family?" Biglang pagtatanong ni Sean sa pagdadrama ko. Napatingala na lamang ako sa kanya sa pagkakaunan ko sa kanyang balikat. "Do you want...a big family?" Pag-aalangan nyang pag-uulit ng kanyang tanong. Tinawanan ko lang naman sya at pinitik sya sa kanyang dulo ng ilong.

"Ikaw, gusto mong lakihan natin ang pamilya natin?.." hindi sya makasagot kaagad at mukhang nag-isip pa muna. "Keri ko naman...nakeri ko namang mag-alaga ng anim kong maliliit na kapatid noong nagsasaka sina Mama at Papa..."

"Matagal ko na kasi tong iniisip...nahi..hiya lang ako sa ideyang yon.."

"Hm?..bakit naman?"

"Lumaki kami ni Ash na mga yaya lang ang nakasama namin. Malaki pa ang agwat namin kaya naman may sari-sarili kaming company. I dont know if okay naman sayo ang malaking family...pero kung ayaw mo naman..."

"Ika nga..the more is the merrier"pagpuputol ko sa kanya. At sa sandaling magtama ang mga mata namin ay para bang nagkaunawaan kami pareho.

Inilapit ko ang mukha ko sa ibabaw ng kanya. Ngayon ay mas naiintindihan ko na. Nahihirapan syang magsalita ng kanyang nasa isip dahil sa kinalakihan nya, ganun nadin sa kanyang nararamdaman. "Sean,..asawa mo ko. Pwede kang magsalita ng kahit ano sa akin. Naaalala mong nagsumpaan tayo sa harap ng maraming tao?.."

"O yeah..i can clearly remember that.."

"I...Charie Santos take you Sean Fourth Del Gar to be my husband.." pagsasadula ko. "I promise to be true to you.." unti-unti ay naglabas sya ng luha. Ningitian ko sya tinawanan habang tuloy ako sa aking sinasabi. "In good times and in bad, in sickness and in health. I will love " sinabayan na nya ako sa mga huling linya na umiiyak. "And honor you all the days of my life" hinawakan nya ang aking kamay na may suot sa wedding ring namin at sa aking mukha. Umiiyak sya ng walang tigil na nagpaluha din sa akin. "I am sorry.. i am really, really sorry..."

"Sean..I love you..kahit ilang beses kang magkulang ay ikaw parin ang asawa ko...ikaw ang ama ng anak ko at mamahalin ko..."

"I am.. really... Sorry..." We exchange kisses that we never ever had then hugged

----

-Sean

Bago ako umikot paharap sa aking kotse ay hinalikan nya ko. It is her. A true sweet side of her, my wife na sa kabila ng pagkukulang ko..at pagkakamali ko ay tinatanggap nya ko ulit at mas higit pa sa tulad ng dating samahan namin na parang naglalaro lang na magkabarkada. Ganun na nga, ganun ang pakiramdam ko pamula nang maikasal kami pero nagbago yon pagkatapos ng mga napagdaanan namin. Una ay ang pagkawala ng una naming baby, then nagkamali akong magpadala sa tukso pero pasalamat narin nang dahil sa trials na yon ay nalaman ko ang totoo sa aking sarili. Totoo na...mahal ko ang asawa ko...and I learned to myself too na...hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko. Ang higit sa lahat ay nalaman ko kung gaano akong kamahal din ng aking asawa na hindi nya ko kayang hindi patawarin sa kabila ng sakit na ibinigay ko sa kanya. Hays. Pinagsisisihan ko talaga ang lahat ng nagawa ko. Lalo na ang pagnasaan sya matindi na nakuha ko pa syang piliting makipagsex. Taena. Ano yon?. Di ko rin maintindihan kung bakit ko nagawa yon. Parang hindi ako yon, di ko ugaling manakit ng babae lalo na kunin ng sapilitan ang gusto ko?..maling-mali.

"Very wrong.." sa isip ko ay narinig ko ang boses ni Charie na pinagsabihan ako sa nakakatuwa nyang pananalita. Nangiti rin ako na maalala ang boses nya. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko sya...kaya sobra akong nagsisisi na pinagagalitan ko rin ang sarili ko sa mga ginawa ko. Tinatanong ko rin ang sarili ko sa pagchecheat ko.

Every time, before and after ay tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang gagawin ko. At kahit hindi ang parating sagot ng sarili ko sa akin ay ginagawa ko parin para lang palipasin ang araw ko at kalimutan ang mga pagkukulang ko. Ginawa ko yon para makatakas sandali sa mga pananagutan kong di ko nagagawa ng maayos na hindi talaga tama. Sobrang hindi ako yon. Sobrang mali. Gagu. Niloko ko ang asawa ko, nilagay ko pa sa kahihiyan ang parents ko at kamuntikan pang masira ang pamilya ko. Gagu!.di ako nag-iisip ng mabuti bago kumilos.

Buti nalang talaga ay mabait ang aking asawa. Buti nalang may Charie ako na uunawa sa akin...pamula noon at magpahanggang ngayon. Di sya nagbabago. Sya lang talaga...kaisa-isang taong nakakagawa noon bukod kay Ulyses. Ulyses na kapatid ni Tin na bestfriend ni Charie. What a coincidence. Destined talaga.

What a perfect time she entered my life...

Napapansin ko na noon palang ang pagtitinginan nina Greg at ni Tin. Malakas ang radar ko sa mga babaeng nagugustuhan ni Greg. Bagaman kakaiba si Tian na probinsyanang-probinsyana ay hindi naman maikukubli ang kagandahan nito sa suot nito parating mahabang palda, t-shirt at nakalugay parating kulot nitong buhok na parang sa telephone wire pero palaging nakaayos. Ang buhok nitong kingking-kingki man ay parati namang nakaayos sa kanyang likuran na kung minsan ay nakahalf-pony. Maganda ang kanyang mukha, nakuha nya ang mukha ng Mommy nya na kinalakihang ina ni Ulyses.

Sa simple man nitong ayos ay nangingibabaw parin sya. Tahimik, simple, at tila di nauubusan ng enerhiya. Kasabay ng kanyang pag-aaral ay ang kanyang pagtatrabaho ng part-time. Mga katangiang nagustuhan ko sa kanya ganun din sa asawa ko ngayon.

Nangiti akong alalahanin lahat. Kung hindi kasi dahil kay Tiane ay hindi ko makikilala ang asawa ko ngayon. Walang Charito na makakaintindi sa akin.

Naaalala ko nung una kaming magkita. Ang angas nyang pumorma bagaman payatin, maliit ang katawan pero matapang.

"Ikaw! Walanghiya ka! Ako pa ang napili mong gago ka?! Itong gwapong to?! Huhudasin mo?! Neknek mo!"

"Tama na, tama na"

"Ano ba? Wag mo kong pigilan! Gago yan! Dapat ay tinuturuan yan ng leksyon! Sandali!..aw..." Halos humiwalay ang aking panga. Naalog pati ang utak ko sa pagkakatama ng kanyang kamao sa aking mukha. Pakiramdam ko pa nga ay tumalsik ang utak ko sa pagkakatalsik ng mukha ko. "Boss?..okay ka lang?...sorry boss..di ko sinasadya. Ikaw naman kasi e! Bakit mo ba ko pinipigilan?" Ipinakita ko ang aking I.D sa kanya. "HA?! Del Gar?! Naku bossing! Sensya na po!" Nailing na lamang ako sa sandaling yon. Mas maingay pa sya sa mga kasambahay na namin. Nakipagpustahan pa ako sa aking sarili na matatanggal rin sya makaisang buwan lamang.

Iniwan ko sya. Kahit wala akong sinabing sumunod sya ay sumunod sya sa akin dala ang isa nyang bag na pang athletic. Signature pa yon pero luma na.
"Anong sports mo?"

"Ah..taekwondo po, nag-aarnis din po bossing, nagtratraining din po kong magboxing. At naglalaro din po ko ng basketball bossing!"

"Ha?.." panlalaki ang kanyang mga laro?..wala naman nang nakakapagtaka sa buhok nya na lamang.

"Ah.." sinabayan nya ko sa paglakad. Nakatawa syang tinignan ako na para bang may nakakatawa sa pagmumukha ko. "Bossing may first aid kit ako dito. Lagyan na natin yan. Yon! May yelo sa tindahan na yon! Bibili ako!"

"Wag na" mabilis ko syang pinigilan at kung may anong unfamiliar feeling nalang akong naramdaman nang mahawakan ko sya sa kanyang braso. "Nagmamadali ako. May klase pa ako kaya dapat madala na kita sa bahay"

"Ah e..Bossing..magpapasa yan..ahm..papanget ka. Baka bumukol pa yan at mamaga kapag di naagapan"

"Haist."

That was good to remember. From the start ay napapangiti na nya ko kahit medyo nakakairita ang kaingayan nya na natural na siguro sa mga babae...babae?. Hahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

happened afterWhere stories live. Discover now