CHAPTER 14

54.7K 1.8K 1.7K
                                    


Kinaumagahan ay maaga akong gumising para sana maghandang pumasok sa eskwelahan kaso naalala ko biyernes pala ngayon, wala akong morning class kaya nag-linis nalang ako sa buong dorm.

Nagtutupi ako sa mga damit ko nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Maureen. Mabilis ko yung binasa para alamin.

Madam boss 💕
Abi?

Me:
ma'am?

Madam boss 💕
are you busy?

Me:
hindi naman po,
mamayang hapon pa klase ko.

Madam boss 💕
Can you come over? I'm not feeling well :(
Day off kasi ng mga Maids ngayon, i'm alone.

Napatayo ako bigla.

Me:
I'll be there. Saglit lang po, magbibihis lang ako.

Hindi ko na hinintay ang reply ni Maureen dahil mabilis kong tinungo ang banyo para maligo.

Di nagtagal ay nakabihis na ako at nagmamadaling umalis ng dorm. Buti nalang at di masyadong ma-traffic yung daan kaya madali ko lang narating ang bahay niya. Agad akong pinagbuksan ng gate ni manong Guard pagkakita nito sa akin.

Me:
Ma'am, nandito na 'ko.

Madam boss 💕
May spare key nakatago dyan sa ilalim ng flower pot,
kunin mo para mabuksan mo yung pinto.

Nakita ko din naman agad yung flowerpot na tinutukoy niya kaya kinuha ko mula doon ang susi at saka ito ginamit para mabuksan ang main door ng kanyang bahay.

Pagpasok ko, umakyat agad ako sa hagdan at tinungo ang kwarto niya. I knocked on her room twice before I heard her answering 'come in'

Pinihit ko ang sendura ng pinto at dahan-dahang yung itinulak pabukas. I immediately saw Maureen laying down on her huge bed. Naka-balot ang buong katawan niya sa puting kumot habang napapalibotan ng mga unan, I got worried. Nilapitan ko siya at umupo sa gilid niya. Sinalat ko ang noo niya para alamin ang kanyang temperatura at naramdaman kong medyo mainit siya.

"Ma'am, uminom ka na ba ng gamot?" nagaalalang tanong ko.

Maureen opened her eyes and slightly shook her head. "Not yet, hindi pa kasi ako kumakain. Day off kasi ng mga trabahante dito sa bahay at masyadong mabigat yung ulo ko para magluto sa kusina, that's why i called you."

Napatingin ako sa orasan, lagpas alas nueve na. "Anong gusto mong iluluto ko?"

"Anything." sagot niya lang.

"Sopas gusto mo? Mas maganda yun para ma-relieve agad yung lagnat mo."

Maureen just nodded before closing her eyes again.

Tumayo na ako at bumaba papuntang kusina. Buti nalang at kumpleto ang mga rekados sa ref at pantry kaya di ako masyadong nahihirapang magluto.

I was in the middle of cooking when someone barged into the house. Dumadagundong ang pamilyar na boses nito sa sala.

"Maui?" it was boss Vaughn. Narinig ko ang papalapit nitong yabag sa kusina. "Maui where are you, why didn't--" natigilan ito nang makita ako. "Gail." she looked surprised.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon