Chapter 24

349K 18.8K 12.8K
                                    


My eyes were burning when I stopped crying. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa paligid dahil alam kong nasa akin pa rin ang atensyon ng lahat. They were livid. Humawak ako sa ubos nang cup noodles at halos malukot ko iyon sa labis na emosyon na gustong kumawala sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay sa oras na tumayo ako ay matutumba lang ako.

"Karsen!"

Boses nina Mill at Mari ang narinig ko. I looked at them with obvious tears in my eyes, and Mill immediately knew I wasn't okay. Nakita ko ang pagdaplis ng tingin niya sa cup noodles. Anger passed through her eyes... and for a second, I was scared... nervous.

I ate your favorite, Mill.

Dinaluhan ako ni Mari pero ang mga mata ko ay naiwan kay Mill. Her brows were furrowed, which created a crease on her forehead.

"M-Mill..."

She stared at me. Rage was still apparent in her eyes. I thought it was directed at me... I thought it was because I stole her food.

But what happened next sent warmth to my heart. Galit na tumingin siya sa mga estudyanteng nanonood sa akin.

"Tangina, ano'ng tinitingin-tingin n'yo?!" sigaw niya.

Tears pooled in my eyes. Ramdam ko ang haplos ni Mari sa likuran ko na para bang kinakalma ako.

"Uuwi na tayo..." si Mari.

"Kabit!" pabalik na sigaw ng isang estudyante.

Napaigtad ako nang baligtarin ni Mill ang isang plastic na mesa. Even Mari flinched. Nawala ang bulungan ng mga estudyante dahil sa ginawa niya.

"Isang imik mo pa, ikaw ang babaligtarin kong hayop ka."

Tumawa ang kasagutan niya. "Kaibigan kayo pero itino-tolerate n'yo?"

Napayuko ako kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Karsen, these people don't know the truth.

Napatayo si Mari at agad na hinawakan ang palapulsuhan ni Mill nang akmang susugurin niya ang babae. I covered my face with my hands and cried even more. Parang lahat ng sakit na dinala at tiniis ko ng mga nagdaang araw ay iniiyak ko. I forgot that I had my friends on whom I could rely. I forgot that they would do everything just to make sure I was okay.

"'Wag mong iyakan ang mga punyetang 'yan, Dawn Karsen!" galit na sigaw pa rin ni Mill.

"Millicent..." suway ni Mari. "Alisin muna natin si Karsen dito."

"Nanggagago, eh!" pahabol niya pa bago ako daluhan.

Nakayuko lang ako habang nakahawak sa kanilang dalawa. I could hear murmurs and whispers as we walked out of the canteen. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko dahil sa statement ng Soul Production. Siguradong sila rin ang naglabas ng mga larawan dahil nangyari naman ang mga iyon habang nagtatrabaho ako sa kanila.

"Shit..." bulong ni Mari.

Napaangat ako ng tingin at halos mapapikit ako nang makita ang dami ng taong naghihintay sa labas ng gate ng school. Some were holding their cameras... and some were Jennifer's fans.

"Ayun yata 'yong Karsen!" sigaw ng isang babae.

Nagkagulo ang lahat. Ang guards ng school namin ay hinaharangan ang mga tao na tuluyang makapasok kahit na para silang mga tigre na nakawala sa hawla.

"Karsen, one statement, please!" sigaw ng mga reporters.

Hindi nag-aksaya ng oras sina Mill at Mari. Agad nila akong hinigit palayo roon kahit na pare-pareho naming hindi alam kung saan kami pupunta. Puno ng tao ang gates at walang posibleng paraan para makalabas kami.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon