Chapter 145

874 56 2
                                    


Mas yumuko pa sina Caldwell at Houstin, kasabay na mas bumilis ang takbo ng sinasakyan nilang kabayo. Dahil halos kabisado ni Caldwell ang bawat daan ng kanilang destinasyon, mas napabilis ang kanilang byahe patungo sa Manor ng mga Stodge, natanggap kasi nila ang kautusan na kinakailangan sila ngayon ng mga Eryndor kaya hindi sila nagdalawang-isip na puntahan agad ang bayan ng Corbin. Nabalitaan din nila na pumanaw na ang mismong Emperador ng Thilawiel, ang Emperador Audrick na agad din pinuntahan ng ngayon na namumuno ng bansang iyon, ang Emperador Otis at Emperatris Styriniana. Maski sila ay hindi makapaniwala sa natanggap na balita. Masyadong biglaan. Nang huli nila itong nakita ay malusog pa ito at malakas---kasing lakas ng kanilang Emprador Vencel kaya imposibleng malagutan ito ng hininga nang basta-basta. May parte man sa kanila ang kuryusidad ay mas nirerespeto nila ang pangsarilinan ng mga Cairon, kabilang ang kanilang pinagsisilbihan na si Rini.

Nang matanaw na nila ang manor ay doon na nila binagalan ang takbo ng mga kabayo. Medyo umukit ang pagtataka sa kanilang mukha nang matanaw din nila doon ang mga Pamilyang Impeyral pati ang mga prinsipe at isa pang prinsesa ng Cyan, si Rina. Gayundin ang mga opisyal na inimbitahan ng pamilyang Stodge. Inaasahan na din nila na agad din sila binalingan ng mga ito, tanda na nararamdaman sila ng mga ito sa kanilang pagdating.

Hanggang sa tumigil na ang kabayo nang hindi kalayuan sa mga Pamilyang Imperyal. Bumaba na sila. Agad nilang dinaluhan ang mga taong inaasahan ang kanilang pagdating. Mabilis din sila lumuhod sa harap ng mga ito bilang pagbigay-pugay.

"Batang Duke Bordel, Duke Bennet." pormal na tawag sa kanila ni Vencel nang nasa harap na nila ito.

"Ipinatawag ninyo daw po kami, kamahalan." si Caldwell ang unang nagsalita.

"Tama ang 'yong sinabi. Tama din ang inyong pagdating dahil kayo ang papalit sa pwesto na naiwan ng Prinsesa Styriniana at Prinsipe Otis." seryoso nitong sagot. "Sa inyo muna iniwan ang misyon na dapat ay sa kanila. Tingin ko ay magagawa ninyo ang trabaho na ito."

"Tungkol po ba ito sa mga nagtatangka sa buhay ng Pamilyang Stodge?" si Houstin ang nagtanong, may halong paggalang.

Tumango si Vencel. "Siya nga. Kinakailangan natin siya o sila na mahuli sa lalong madaling panahon. Bago man tayo tutulak ng Thilawiel upang tulungan sila sa kadahilan na nag-umpisa na itong lusubin ng mga demonyo." pagpapaliwanag niya.

Marahan na pumikit sina Caldwell at Houstin. "Masusunod po, kamahalan."

"Magsitayo na kayo at uumpisahan kong ipaliwanag sa inyo ang mga dapat ninyong gawin." sunod nitong pahayag.

Sumunod ang dalawa sa utos ng emperador. Mabilis silang tinalikuran ni Vencel. Ito ang unang pumasok sa Manor. Nagsisunod an din ang isa pang emperador mula sa bansang Jian Yu. Gayundin ang mga prinsipe mula sa limang Imperyo at ang Pamilyang Imperyal. Tahimik na naglakad ang dalawang hanggang sa narating nila ang isang malawak na silid, marahil ay ito ang mismong opisina ng Bisconde. Sa dami nila ngayon ay tiyak na magkakasya silang lahat dito, maliban lang sa emperatris at ang prinsesa ng Cyan na hindi kasama ang mga ito sa pagpupulong na isasagawa ngayon. Ang mga kawal naman ay inutusan na mahigpit na babantayan ang sikretong daan at pinto kung nasaan ang mahiwagang bato na itinatago ng Pamilyang Stodge.

"Kung hindi ako nagkakamali, marunong ka na din sa paggagmit ng mga sandata, tama ba ako, Duke Bennet?" panimula ni Vencel, pag-uumpisa na ng pagpupulong.

"Tama po kayo, Kamahalan." pormal niyang sagot. "Sa katunayan po ay mas komportable po ako sa paghawak ng pana at palaso."

Marahan na tumango si Vencel. "Mabuti, ikaw ang gagawa ng dapat gawin ng Prinsesa Styriniana. Samantalang ang batang Duke Bordel naman ang gagawa ng trabaho ng Prinsipe Otis." saka ibinuklat ang hawak nitong mapa ng Corbin. May itinuro ito sa mapa. "Dito dapat pupweto ang prinsesa, Duke Bennet, habang dito naman ang batang Duke."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon