Chapter 67

155K 9.5K 7.8K
                                    

COULD I REALLY LET HIM GO?

Nakasandal ako sa sofa habang tulala nang mag-beep ang phone ko. Tamad na tiningnan ko iyon pero nawala ang katamaran ko nang makita kung tungkol saan ang notification.

Ang paghinga ko ay sandaling tumigil habang ang puso ko ay bigla na lang nag-sirko. Ang daming pakiramdam ang bumuhos sa akin. Napakurap-kurap pa ako dahil baka nagkakamali lang, pero malinaw ang friend request na nasa screen:

Jordan Moises Herrera added you as a friend!

Nakakainis na kusa na lang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Agad ko iyong binura pero nagmukha lang akong tanga.

In-accept ko ang friend request niya kasi wala lang naman iyon. Saka wala akong balak i-stalk siya o kahit tingnan man lang ang newsfeed niya. Hindi rin naman siya active masyado sa social media. Wala lang talaga.

Papatayin ko na ang wifi nang sunod-sunod na nag-beep na naman ang notification. Kunot-noong tiningnan ko kung ano na naman ba iyon.

Jordan Moises Herrera reacted to your photo ( heart react ) 3 seconds ago... Jordan Moises Herrera reacted to your photo ( heart react ) 2 seconds ago... Jordan Moises Herrera reacted to your photo ( heart react ) 1 second ago...

Iyong unang profile photo ko na mirror shot habang naka-two piece, iyong cover photo ko na background ng dagat, at iyong bagong palit ko na profile photo na si Baby Caley, pinusuan niya iyon lahat!

Nag-popped up ang chat heads dahil nag-pm pala siya.

Jordan: Thanks for the accept *smiling emoticon*

Inginudngod ko na lang ang aking mukha sa unan para masikil ang tili. Ngayon na lang, ngayon na lang ulit ako nakaranas masiraan ng bait na ganito.

Ang itim ng ilalim ng aking mga mata pagising kinabukasan. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa pagkalutang.

Tiningnan ko ang aking phone. May message na good morning si Jordan. Mukhang masarap ang tuloy niya samantalang ako ay napuyat. Sana maligaya siya!

Bumangon na ako at naligo. Pupunta ako sa café ngayon. Nakabihis na ako nang maka-received ng text message mula sa mama ni Isaiah. May ka-meet up daw si Tita Anya sa Tanza ngayon na buyer ng lupa na kinukumisyon ng ginang. Walang bantay kay Kulitis.

Weekend naman at nandiyan si Isaiah, ang problema nga lang ay lasing ang lalaki. Lasing na nga na umuwi, nag-inom pa ulit nang gabi dahil bigla raw dumating ang pinsang hilaw.

Nagpaalam na ako kina mommy na aalis. Sa Pasong Kawayan II ako nagpahatid sa Grab. Sa labas ng compound ng mga del Valle ay natanaw ko na agad ang isang pangmalakasang midnight black Lambo.

Tama nga ang balita, nandito sa Cavite ang pinsang hilaw ni Isaiah na ex-bebe ng BFF kong si Sussie.

Pumasok ako sa gate. Nakasalubong ko sa daan ang kinilalang mama ni Arkanghel. May kausap ito sa phone.

Lulugo-lugo ang ginang. "Pasensiya ka na. Bigla na lang dumating dito kagabi si Arkanghel. Pinigilan ko naman na mag-inom kaya lang nalingat lang ako, nakaalis na sila ng pinsan niya. Bumili na pala ng alak..."

Nahulaan ko na agad na ang tunay na mommy ni Arkanghel ang kausap nito.

"Pasensiya ka na talaga. Hayaan mo, aasikasuhin ko habang nandito. Pag nahimasmasan, saka ko na pauwiin diyan. Oo, walang anuman. Salamat at pasensiya na ulit."

Nilampasan ko na ito. Pumunta na ako sa bahay nina Isaiah. Bukas ang pinto kaya dire-diretso pasok ako. Nasa sala ang magpinsang hilaw. Nilapitan ko si Isaiah na nasa sofa. Tinadyakan ko sa tagiliran pero hindi pa rin gumising.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon