Kabanata 32

69.3K 3.6K 2.9K
                                    

Kabanata 32

Binuhat ko si Leven upang ipasok sa kan'yang kwarto. Upon seeing that his father wasn't with me, dinapuan na siya ng antok. Karga-karga ko siya habang iniisip ang mga nangyari noon. How it all led to this day. . .

I didn't want to keep this from Etienne. It was just. . . He never gave me a chance to tell him. All of our contacts were blocked. I did my best to talk to him but he was always. . . Trying his best to avoid me.

I was aware that I'm a prideful person. Pinalaki ako ng mga Reverio na hindi tumitingin sa aking mga paa. I am a Reverio. Even if it's sickening to know that fact — it could not be erased.

Pero handa akong humingi ng tawad at kausapin si Etienne. I don't know why the tables have turned. Parang kahapon lang ay ako itong umaayaw sa kan'ya, ngayon naman ay ako itong habol nang habol para makausap siya.

Naaalala ko tuloy kung paano ko nalaman na buntis ako kay Leven. I was scared of the fact that I almost lost him.

"I want to get drunk," sabi ko kay Euan na abala sa pagtanggal n'ya ng butones ng kan'yang shirt.

"Eh? Papayagan ka ba ng jowa mo?"

"Ex na kami. . ." bulong ko. "Saka malay mo. . . Puntahan n'ya ako. Kasi gano'n 'yon 'di ba? That works sometimes. . ."

Kinuha ko ang isang bote ng alak. We're currently in a Korean samgyupsal shop near a beach. Napalunok ako dahil sa amoy. I'll just try and maybe he'll come. Sinubukan ko puntahan ang mansion nila ngunit. . . Hindi na raw ako p'wede pumasok. Even Tita Ellise isn't answering my calls. That's rare because Tita Ellise is always attentive. Tito Eije is probably disappointed too, kaya hindi ko malapitan.

"It only works on the movies, girl. Hindi lahat ng ex, may pakialam sa 'yo. Edi sana jowa mo pa siya kung may pake pa siya o di kaya kaibigan man lang. Pero sigurado ka ba na ex na? Baka LQ lang 'yan."

"Ayaw na n'ya talaga. . ."

"Weh? Hubad ka nga sa harapan n'ya, try mo lang. Idaan mo sa alindog."

"Ang sagwa mo talaga, Euan!" I grimaced. Hinampas ko siya sa kan'yang braso. Kahit siya ang pinakamaarte sa mga magpipinsan na Soteiro, siya rin ang pinaka-vocal sa mga bagay-bagay.

Euan winced and leaned towards me. "Try mo lang! Malay mo naman, mahimas mo pa."

"Tumigil ka na nga!" nahihiyang iling ko. We're in a public place, hindi ba aware si Euan? Nasa larangan pa naman siya sa showbiz. A known fashion designer that caters not only local brands but as well from overseas.

"I just want us to talk. Ang vague n'ya kasi kausap noon. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang galit. He was the manipulative one! Siya itong may kasalanan tapos siya pa magagalit? I just wanted to clear his intentions. That's all!"

"Baka naman kasi ayaw n'yang ikaw ang gagawa ng paraan para maayos ang gulong nagawa n'ya?" Kumunot ang noo ni Euan. "At, kanino ba?"

"CL," I answered before opening the lid of soju. Gumalaw ang upuan namin dahil sa biglaang paglapit n'ya sa akin.

"Gaga ka pala e!" eksaheradang pinitik ni Euan ang noo ko. "Alam mo naman kung gaano ka-insecure si Etienne kay CL pagdating sa iyo."

"Wala namang nangyari sa amin! Nagusap lang kaming dalawa! 'Yon lang!" depensa ko.

"Weh? Di nga? Sus, sa barangay ka na magpaliwanag," Euan sneered. Lumagok siya ng isang shot mula sa soju. "Kahit nagusap lang kayo, Etienne would feel inferior. You know what happened to him. He will always think that Caer is better than him. I'm not justifying his acts. Pero sana kinausap mo muna si Etienne."

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon