💦 Episode 22💦

24.8K 593 19
                                    


Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto at puro puti ang nakikita ko. Unti-unting bumalik sa isip ko ang nangyari kanina, nawalan ako ng malay sa loob ng restaurant. May narnramdaman akong tao sa gilid ko kaya lumingon agad ako.

“You’re awake” agad niya akong niyakap at napatulala nalang ako. I can’t explain the feeling I’m feeling right now.

Pero agad ding nanigas ang anyo ko nang maalala ang nangyari kanina. Bumalik nalang bigla sa alala ko yung nakita ko sa restaurant na ‘yon. Siya at ang babae niya, or should I say ang fiance niyang si Shine.

Nasaan ba si Trez ba’t ang halimaw na ito ang nakabantay sakin? Tinulak ko siya at napatitig siya sakin habang namumula ang mga mata niya. Gusto ko sana siyang sigawan kung hindi lang may pumasok na doctor.

“Good afternoon, kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo kapa ba or may masakit sayo?” The doctor asked me .

“I-I’m fine doc.”

Ngumiti siya sakin at tumango.

“Oh right, kung ganon ay mabuti, for now sasabihin ko na ito total nandito naman kayong dalawa… you are five weeks pregnant”

“W-What?” Gulat na tanong niya at napatitig siya sakin pero agad akong nag-iwas ng tingin.

“Yes, you looked shocked Mr.Kulton but looks happy. You can come back next week for the first check up. Advice ko lang, huwag pabayaan ang sarili maging stress, avoid doing hard house hold chores and always eat an healthy food para sa ikalulusog ni baby”

“Oh right? Also you can check your bills at kung hindi na talaga masama yung pakiramdam mo ay maaari ka nang madischarge”

Nagpintig ang tenga ko at parang gusto kong humagulhol ng iyak. Niyakap niya ako pero nawalan ako ng lakas para itulak siya.

“Get off me!”

“Baby, did you heard that? May second baby na tayo” and that broke my heart dahil kahit kailan hindi kami magiging buo kahit ano pang panlilinlang na gawin niya sakin! Hindi niya na ako mapapaniwala pa!

“H-Hindi ikaw ang ama nito k-kundi si Trez. Umalis kana!” Natigilan siya at unti-unting dumilim ang mukha niya.

Nagtagis ang bagang niya habang nakatitig sakin. At ang tuwa sa mga mata niya ay bigla nalang napalitan ng galit.

“Really? Ganyan kaba kagalit sakin para sabihin ‘yan, huh? Huh Yssa?! You can’t fool me! That child is mine! At kaya kong patunayan ‘yan pero hindi ko na kailangan pang idaan sa prenatal DNA test kung gayung alam kong anak ko yang dinadala mo!”

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang na halos gusto niyang maiyak sa harap ko. His eye’s turns red while staring at me.

“Anong gusto mo, huh? Hindi ako dapat magalit sayo? Sa lahat ng nagawa mong pambababoy sakin? Lahat ng pananakit mo sakin? Sige m-magpalit tayo ng sitwasyon para m-malaman mo kung paano tubuan ng napakalaking g-galit, ngayon sabihin mo sakin kung paano ko matanggap ang lahat ng ito!”

Umiiyak kong sabi at hindi ko na mapigilang humikbi. Napahilamos siya sa mukha niya at mabilis na nagpahid ng luha. Hinawakan niya agad ako sa kamay at hinalikan ang likod ng palad ko.

“I’m so sorry One. I’m begging you, paulit-ulit ko na itong ginawa hindi ko kayang bitawan kapa. Please, let’s build a family together and I promise to___”

“Tama na! Itigil mo na ang lahat ng kalokohang ito! Hindi mo ako maloloko at ang taong dapat mo hingan ng patawad at pagmakaawaan ay si Shine! Panahon na para ayusin mo lahat ng kamaliang ginawa mo noon! Burahin mo na ako dahil ako ang dahilan ng lahat kung  bakit n-nangyari ‘yon”

Tuloy-tuloy na naglandas ang mga luha ko, napakasakit at ayoko na.

“No, don’t say that… Baby please don’t say that”

Pilit niyang hinahawakan ang kamay ko pero galit ako sa kaniya. Kung hindi niya na inulit pang baboyin ako hindi sana mangyayari ito!

“Damn it! Is this really what you want?”

Tumalikod ako sa kaniya at hindi na ako kumibo pa hanggang sa bumukas ang pinto.

“Umalis ka na Ruz, just let her go. Don’t worry, hindi ko pabayaan ang mag-ina mo”
Narinig ko nalang ang pagkalampag ng upuan na tila binalibag niya at ang malakas na pagbagsak ng pinto.

“You punished him too much, but please kung iiyak ka ng ganyan Yssa just tell me to stop him for letting you go”

Agad akong yumakap sa kaniya at ibinuhos ko lahat ng sakit at luha ko. Parang tinutusok ako ng kutsilyo sa dibdib, galit ako sa kaniya at ngayon ko lang nailabas kaya hindi ko siya kaagad magawang patawarin.

Masakit para sakin lahat ng iyon pero hindi ko akalaing susuko siya nang ganon kabilis. Kasi ano? Ang totoong nagkaayos na sila at ano ang kasunod na mangyayari? Magdurusa na naman ako sa piling niya ganon ba?

Pagod na ako at gusto ko nang umuwi at magkulong sa kwarto. Ngunit kailangan pa naming daanan si Raz kay Rose dahil mas nauna daw silang umuwi sa bagong apartment nito.

“Saglit lang ako huwag kang magpakamatay diyan Yssa” gusto kong matawa sa sinabi niya nang lumabas siya ng sasakyan. May kukunin lang daw siya sa opisina niya.

Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala parin siya, napakabog na naman ang dibdib ko nang muli kong makita si Shine. Gusto kong matawa dahil pagkatapos niyang magmakaawa sakin kanina ay nandito rin siya  para kay Shine. At dito pa talaga sa car park naglandiin ang mga hayop!

Napakasinungaling niya! Halos gusto ko na namang humagulhol ng iyak ng makitang magkayakap silang dalawa. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na naman nakaligtas ang mga luha ko.

Ano ba ang nangyayari sakin? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Dapat nga maging masaya na ako pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. Maya-maya ay sabay din silang umalis at napahimas ako sa dibdib ko.

Agad akong nagpahid ng mga luha nang makitang papalapit na si Trez. Pagdating sa bahay niya ay wala ako sa sarili, nakiusap muna ako kay Rose na sumama siya pauwi dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Ayoko na munang sabihin sa kaniya na buntis na naman ako sa hayop na Tauruz na ‘yon! Sobrang pagod na ako at ayokong marinig ang walang tigil na bunganga niya kung sakaling sasabihin ko kaagad ngayon.

Ayoko nang makita pa ang pagmumukha ng gagong ‘yon! Hindi ako halos nakatulog ngunit hindi pa lumabas ang araw ay nag impaki na ako ng mga gamit namin ni Raz.

Uuwi kami sa probinsya at magpafile na muna ako ng leave para sa death anniversary ni nanay. Sa susunod na araw pa yun pero gusto ko nang lumayo dito.

Agad kong pinaalam kay Trez na aalis kami ni Raz at ihahatid niya nalang daw kami at babalik nalang daw siya sa susunod na araw dahil marami siyang aasikasuhin. At si Rose ay hindi nagpahuli nang sabihin kong uuwi kami ng probinsya.

Mas mabuti ngang lumayo layo na muna ako. Ito ang lugar kung saan nagsimula lahat ng pagsasakit at paghihirap ko. At sa pagbalik ko ay ganon parin ang nangyari, kaya lalayo na muna ako dito.

Bahala na kung ano ang magiging takbo ng utak ko pagdating doon. Baka nga pagnakaapak na ulit ako sa probinsya ay hindi na ako babalik pa rito.. whatever pain I felt I was ready to forget it.

Naiirita ako kapag tinatanong ako ng anak ko kung sasama daw ba ang ama niya sa probinsya, pero wala akong magawa kundi sagutin ang tanong niya. Nalungkot siya nang sabihin kong hindi ito sasama sa amin. Inihilig ko nalang ang ulo niya sakin dahil parang inaantok siya. Panay tingin naman ni Trez sa amin mula sa rare view mirror. Ewan ko lang kung kami ba talaga ni Raz ang tinitigan niya doon.

O baka ang asawa niyang ubod nang kasungitan. Even Rose denied it, the fact that they are married will not change.

Nakatulog ako sa biyahe at pagkagising ko ay malapit na kami sa lugar namin. Nang makarating kami sa bahay kung saan kami nakatira dati ni Rose kasama ang anak ko ay tila bumalik lahat ng alaala ko.

Kung paano kami namuhay nang payak. Kung paano ko ipinapanalangin na sana wala nang manggugulo pa ulit sa buhay namin. But I’m wrong, akala ko hindi na ako babalik pa sa lugar na ‘yon pero kagagaling ko lang doon na punong-puno ng sama ng loob at galit.

Napabuntong hininga ako nang malanghap ang hangin. I missed this place. Just like how I’ve miss my mom. Nilinga ko ang paningin ko sa buong kwarto at para na naman akong sasabog dahil sa tindi nang lungkot at sakit na nararamdaman ko.


SBTBS > jayewel

HANGGANG SAAN AABOT ANG PASENSYA NI RUZ?

PLEASE WRITE DOWN YOUR COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE! THANK YOU ILYA❤️

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon