Chapter Four

24.3K 407 28
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan dahil pinasundo ako ni Cairus kay Jai kagabi.

Kung gusto niya akong makauwi nang ligtas at buong-buo, bakit hindi siya ang sumundo?

Natawa ako. Ang choosy ko pa. Nagmalasakit na nga 'yong tao, inistorbo niya na nga si Jai para sa akin tapos nagrereklamo pa ako. Ako pa 'tong demanding.

Tsk. Sa itsura ni Jai, hindi naman siya mukhang driver, mukha niya pa akong katulong.

"Penny for your thoughts?"

Speaking of the devil, here he is.

"None of your business," I replied.

He chuckled and sat in front of me. Nasa garden nila ako. Ang aliwalas kasi rito at ang gaan sa pakiramdam kapag nandito ka at napapalibutan ng mga halaman.

Kaysa naman ma-bore ako sa kwarto ko na kinulang sa design dahil wala namang gumagamit no'n kung hindi lang ako dumating, dito na lang ako sa baba at maghihintay ng paru-paro na dadapo sa mga bulaklak saka ko hahampasin.

Kapag na-bore ako nang sobra, bubunutin ko na lang mga halaman nila.

"If Cai was the one who asked you, for sure you already told him all of the things you're thinking," he said. He rested his chin on his palm while looking at me.

Such a good view but he's still not my type.

"Of course. Siya lang naman gusto kong kausapin tungkol sa akin."

"As if he's interested."

I immediately hit his arm. "Bastos ng bunganga mo."

He stuck his tongue out.

I don't understand why there are people who are afraid of him. He's not that intimidating-if he's not serious.

Kung titingnan mo silang tatlong magkakapatid, si Jairus ang may pinaka-light na aura... pero hindi mo gugustuhin na kalabanin siya dahil wala siyang kinatatakutan.

Natatandaan ko, 'yong teacher na binagsak siya dahil lang sa attitude niya sa klase kahit pa matalino siya, napilitan lumipat ng ibang eskwelahan dahil hindi siya patatahimikin ni Jai hangga't nakikita siya nito.

"Wala ka bang boyfriend?" tanong niya matapos tumawa.

Sumandal ako sa upuan saka uminom ng juice bago sumagot. "Wala. Kuya mo lang gusto kong maging boyfriend."

"Tsk. Tatandang binata 'yon," aniya. "He's turning 28 yet not once he had a girlfriend."

"Because he's waiting for me."

"Maybe yes, maybe no."

"Serious question," I uttered.

"Hmm?"

"May pag-asa kaya ako?"

Umayos siya ng upo at sumandal din sa upuan niya kagaya ko. Nagkibit siya ng balikat. "Kuya Cai is too hard to read. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa utak niya," sagot niya pero hindi naman talaga nasagot no'n ang tanong ko. "Looking at you, maganda ka naman, mabait paminsan-minsan, matalino, determinado pero balewala pa rin lahat 'yan kung hindi ka naman gusto ng kuya ko."

"Ang tanong ko, kung may pag-asa ba ako?"

"Hindi ko alam," natatawa niyang sagot. "But I hope he will like you, too. I want him to be happy and I know you can give him that. I'm here to support you, sister-in-law."

That made me smile, I am not expecting that he would say it. Sana nga... sana mahalin din ako ni Cai.

We fell silent after that, minutes after, he already excused himself. When I got bored waiting for a butterfly, I went inside and eat lunch together with Jai... again.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon