Chapter 32: Pahinga

202 15 12
                                    

Gabb's POV

Ilang weeks narin nakaraan nung matapos kami sa last exam namin, may tinatapos lang kami sa school then break na. Lahat ng punishment natapos naman na. Mali pala, di namin nagawa ni coco yung punishment nya. Pano ba naman may epal na sam.

Ilang weeks na nyang kasama si coco, wala na rin syang time for me. Ang alam ko parehas kaming nanliligaw nung sam na yon, pero bat ganto si coco?

Di ako pwedeng mapagod. Di ako mapapagod. I'll wait until forever..

"Lalim ng iniisip mo ah." saad ni brei habang inaabot sa akin ang isang can ng beer. Inabot ko naman ito at umupo sya sa tabi ko, andito kami kela lara. Napagpasyahan ni brei na dito na talaga tumira, nasa rooftop kami nagmumuni muni.

Huminga ako ng malalim at saka uminom ng beer.

"Brei.."

"Oh?" sagot nya sabay tingin din sa baba kung saan makikita ang mga traffic at street lights na syang nag papaningning sa gabi.

"Nag kita na ba ulit kayo ni coco? I mean nakagala na ba kayo?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Hindi pa eh, simula nung matapos yung punishment ko kay lara, madalang ko na syang makita. Bakit? May problema ba?" mahabang eksplenasyon nito.

"Wala." matipid kong sagot sabay tingin sa madilim na langit.

"Di ba nililigawan mo sya? Kesa uminom ka dyan bat di mo na lang sya ayain mag dinner." suggest niya.

"I did.. Kaso pagod sya, kauuwi lang nila ni sam kanina. Date.." malungkot kong paliwanag.

"Unfair." madiing saad nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Gabb tapatin mo nga ako" saad nito.

"Ano?" sagot ko sabay inom at tingin muli sa mga sasakyan sa baba.

"Nanliligaw ka pa ba kay coco? O pinili na nya yung sam na yon." tanong nya.

"Ewan ko, malay ko, wala akong alam." sagot ko, dinamihan ko na para di na sya mangulit.

"Kakausapin ko sya bukas." saad nito, nilapag nya ang beer na hawak nya at akmang papasok na sa loob.

"No." sagot ko sabay harap sa kanya.

"Anong no?" sinara niya ang pinto at humarap sa akin.

"Let her, hayaan mong sya ang kumausap sakin." saad ko.

"Pano kung di ka nya kausapin?" tanong nya.

Nilapag ko ang lata ng beer at binuksan ang pintuan papasok.

"Titigil na ako." sagot ko at saka umalis.

Coco's POV

Kasalukuyan akong naka higa sa kama ko ngayon. Pagod na pagod ako sa gala namin kanina ni sam. Puro tawa na lang ang naalala ko, apakulit nya HAHAHA.

"Sinong nagpapangiti sa coco na yan?" nakangiting bungad sakin ni ate Abby at saka umupo sa dulo ng kama ko.

"Wala ate, napagod lang ako." sagot ko na may ngiti sa labi.

"At sinong pagod ang ngingiti ng ganan?" mapang asar nyang tanong.

"Gumala lang ako kanina te" sagot ko, ayokong malaman nya na araw araw ko nang kasama si sam.

"Hays, napapasaya ka na ng sobra ni gabb ah" sagot nito sobrang saya nya ngayon at saka nagtataka akong tumingin sa kanya. Ayokong mag kagulo pa kaya di ako mag sisinungaling ngayon kay ate abby.

"A-ate di ko k-kasama si gabb eh" nakita ko namang nawala ang ngiti nya at seryosong tumingin sa sahig.

"Sino?" seryosong sagot nito.

Revenges And GamesWhere stories live. Discover now