Chapter 24

13.3K 948 617
                                    

Pagod na napaupo ako sa kama.

Hinayaan ko muna yung mga gamit kong nagkalat sa kwarto. Kakauwi ko lang galing trabaho. It was another long haul flight. Tagal ko ring nawala at ang tagal ko nang hindi nakikita si North.

I miss her and I'm still currently missing her.

She knew about my recent schedule, hindi na kami nakapagkita bago ako umalis dahil may class siya that time. My career was both a blessing and a curse most of the time, but I feel like staying even if it means I'll still have plenty of days to see her when I'm not working.

Inilabas ko ang cellphone para i-text siyang nakauwi na ako. Baka mamaya pa iyon mag-reply. Sabado ngayon at wala siyang klase, maaga pa pati so baka inaasikaso niya lang ang mga kapatid niya.

Hindi pa namin napag-uusapan yung about sa family niya. After no'ng pag-stay ko sa kanila no'n ay umalis din naman kaagad kami, we went out to eat halo-halo ─ na deal naming hindi pa rin pala niya nakakalimutan.

We we're just talking about random topics that time kaya hindi ko malaman kung paano ipapasok yung mga tanong ko, parang dyahe rin kasi kung ganoon ang gagawin ko. Isa pa, parang wala naman planong magkuwento si North regarding sa mga kapatid niyang no'n ko lang nakilala at sa new info na sa kanila nakatira si Jade.

Their closeness is making me jealous. Kahit mali. North may have feelings for me, but I don't truly have her heart yet.

I don't have her yet, and I know to myself dating her in the future won't probably be that easy. She's North Hansen, eh.

She's a world full of secrets.

I want to go into that world. She's given her invitation but maybe I'm still just at the entrance. Medyo nakaka-sad pero ganoon naman talaga. Tsaka willing naman akong mas kilalanin pa si North.

Wala akong maisip na dahilan para mabawasan o mawala man lang yung nararamdaman ko sa kanya. Yung part naman ng sarili na pinapakita niya sa amin, siya pa rin naman iyon.

My phone started vibrating at napabangon ako bigla nang makitang tumatawag yung babaeng kanina pa umiikot sa isip ko. Mabilis ko iyong sinagot.

"Hello?" I can't help but smile just by the thought that she's taking the time to call me.

Kahit naman nagkaaminan na kami ay parang ganoon pa rin, it's like we're still that normal friends who never confessed and never expressed our feelings. Nahihiya naman kasi akong maya't maya siyang kausapin, hindi naman na kami teenager. May sari-sarili kaming buhay.

Wala pa nga kaming label. Saka na ako mag-f-feeling kung meron na.

"Hey, Sebastian," Napalunok ako. Anak ng tokwa, bakit ang sexy no'n pakinggan? Pinaresan niya pa iyon ng isang mabining tawa, as if the sudden endearment felt ticklish. "Mind letting me in? Nasa labas ako ng gate mo."

Muntik pa ako malaglag sa kama nang aligagang napatayo ako. Hindi ko alam ang uunahin ko ─ kung aayusin ko ba muna yung mga gamit o lalabasin siya.

Shit. Bakit ba lagi na ang akong binibigla ng mga bagay-bagay? Bawal mag-ready? Ni hindi pa ako nakakapagpalit ng damit!

"W-wait lang."

Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya. Pinatay ko yung tawag saka nagmamadaling lumabas hanggang makapuntang gate.

Kunot ang noo niya nang mapagbuksan ko siya. Humakbang siya palapit sa akin at inayos ang nagulo kong buhok, hindi pa nakuntento pati ang lukot kong buttoned polo shirt ay pinantay niya.

Hindi tuloy ako mapakali lalo dahil nat-tense ako kapag nadidikit yung balat niya sa akin. Kahit hindi ganoon kainit ang panahon, pakiramdam ko nasa pugon ako. At itong pamilyar na mabilis na heartbeat ko ay hindi rin nakatulong.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon