MVEN-50

44 16 3
                                    

"Dave can I talk to you please,"

Biglang tumayo si Dave mula sa tabi ko nang tawagin siya ni Lexess na kakapasok lang ng room ko. Although maririnig ko parin ang pag-uusapan nila dito sa kama ko but I'll try not to listen kasi ayaw ko na makarinig pa ng kung ano tungkol sa kondisyon ko.

I'm here at the hospital for almost two weeks already, and I can see how Dave took care of me. He's so patient. He's calm. He knows how to make me comfortable. Everyday he would remind me na 'asawa ko andito lang ako, hindi kita iiwan, hindi kita pababayaan, mahal na mahal kita.'

Every night he would lay down beside me, palagi akong nakasandal sa dibdib niya and he oftenly sing me a song o di kaya ay magkukwento siya sakin ng kung anong nangyari sa buong araw niya hanggang sa makatulog ako. Nagigising nalang ako kapag maririnig ko na siyang umiiyak while silently praying to God na dugtungan pa ang buhay ko.

It hurts me so much, hearing your man begging for your life. Hearing your man who's silently crying every night, knowing that he's also in pain. It hurts so much.

"What is it Lex?" Tanong ni Dave.

"Uhmm...Belle need to undergo chemotherapy."

Chemotherapy. The only treatment that can help me to survive from this condition. A therapy wherein there's no assurance, it depends on how your body respond to it.

Nakita kong napayuko si Dave habang nakapamewang ang isang kamay at ang isa naman ay napamasahe sa kaniyang sintido.

"Dave, you're her husband and you're also a surgeon. Just by looking through her eyes you can detect her body's condition on how will she respond to chemotherapy."

Napatingin ako sa ibang direksyon ng marinig ko ang sinabi ni Lexess. He's right, Dave knows my body condition, that my body is so weak but he's still trying to fight for me.

"Dave, we both don't want this thing to happen to Belle, because we both know that this isn't the best for her, but Dave I just want to tell you that as early as you can you should accept the fact that her body is weak."

"Shut up Lex, I don't need your advice!"

Mahina man ang pagkakasabi ni Dave pero puno ang boses niya ng galit na hindi lubos matanggap ang katotohanan na sa hindi malamang araw ay maaari ko siyang iwan.

"Dave, this is what Belle want you to do, you should prepare yourself for the possibilities that might happen during the said therapy. We're doctors we know where this is going, but as doctors we're also trying our best to still let her experience the life that she deserve."

Huli ko na ng namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya agad ko iyong pinunasan at ngumiti ng tipid.

"I'm dying."

As I said that word tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko dahil kahit ako ay hindi din matanggap na maiiwan ko ang pamilya ko, mga kaibigan ko, at lalong lalo na ang lalaking pinakamamahal ko.

Death. This is the thing that all of us are afraid of. But they said people come and go, all of us only have one destination, it's death. Mapapaaga lang siguro ang akin.

"Dave, we should start to accept the fact that her body is so weak, she might go to the place where she truly belongs, wherein no pain and sadness. Pero tulad ng sinabi ko, we will do our best to let her stay, but it depends on you if you'll agree to let her undergo chemotherapy."

"I agree, but I still need to ask her." Sagot ni Dave.

"Okay Dave. I'll be back later, and we should start the therapy as soon as possible" saad ni Lexess bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

Narinig kong pumasok si Dave sa banyo at doon ko na narinig ang pagtunog ng gripo, siguro ay naghilamos siya para hindi ko mahalata ang mga luha niya. I also wipe all my tears away para di niya din malaman na umiyak ako.

We're both hinding our pain, but he's not good on hiding it, nakikita ko parin kasi na nasasaktan siya eh.

"Anong pinag-usapan niyo ni Lex?"

I acted normally. Tinanong ko siya pagkaupo niya sa tabi ko, kakatapos lang punasan ang pisngi niya.

"Uhmmm...asawa ko, I would like to ask you something." Randam ko ang pag-aalinlangan sa boses niya kung dapat ba niyang itanong kung hindi.

"Ano 'yun asawa ko?" Tanong ko sa kaniya na para bang di ko alam.

"Lex, told me that you have to undergo chemotherapy, because that's the only cure that they can offer. Kung ayaw mo just tell me, pupunta tayo ng Canada, mas modern doon, they might discover a cure for this."

A sudden tear fell from my eye again after I heard what he just said. Pupuntang Canada para lang mapagamot ako. He's willing to do everything for me. He still have hope that I can survive from this. Hanggang ngayon di niya parin kayang matanggap na mawawala na ako.

Ito ang pinakatatakutan ko. I'm afraid to leave him knowing that he can't accept it. I don't want to leave him like this, kasi natatakot ako na baka hindi niya makayanan at sumuko na rin. Kaya hanggat kaya pa susubukan ko ulit na sumugal. Kakayanin ko din ang lahat basta para sa kaniya.

"Magpapachemo ako Dave, kakayanin ko 'to. Kakayanin natin 'to." Disididong saad ko.

Wala na siyang iba pang nagawa kundi ang yakapin ako ng mahigpit. "I'll be with you along the process my love" pabulong na saad niya.

Dumating ang gabi kung kailan oras na para magpahinga ako. Alam mo 'yong pakiramdam na natatakot kang ipikit ang mga mata mo kasi baka hindi mo na ito maimulat kinabukasan? Yung takot andito na sa akin pero kahit papaano ay ginagawa kong lumaban para sa taong lumalaban din para sa akin.

Humiga si Dave sa tabi ko at ipinasandal noya ulit ako sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko para mas madali akong makapagahinga.

"Asawa ko, uuwi ka mamaya?" Tanong ko sa kaniya ng maalala ang sinabi niya kagabi.

"Oo asawa ko. Kukuha lang ako ng mga damit ko at babalik din ako agad. Huwag kang mag-alala aalis ako dito kapag andito na sina mama, pero may operasyon din ako mamayang madaling araw" saad niya.

"Auh ganoon ba. Magpahinga ka na lang din muna asawa ko, maaga ka pa pala bukas eh" ani ko.

"Yes ma'am" pabirong saad niya.

Maikli akong natawa sa sinabi niya. "Paggising ko ba bukas andito ka sa tabi ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Asawa ko, kung wala man ako pagmulat ng iyong mga mata kinabukasan, puntahan mo lang ako sa kabilang kwarto, andodoon ako."

Bigla akong nagtaka sa sinabi niya. "What do you mean?" Tanong ko sa kaniya dahil puro rooms for patients lang naman ang nandidito eh.

"Wala. Ang ibig kong sabihin mahal na mahal kita..." He then kissed my forehead.

"Ito ang tatandaan mo, kung ano man ang mangyari kinabukasan, mawalan man ako ng memorya, mahal parin kita. Mamahalin parin kita."

Puno ng pagtataka ang nararamdaman ko dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"We promised each other that 'till death do as part kaya hanggang kamatayan mamahalin parin kita."

Napatingin ako sa kaniya na puno ng pagtataka. He then held my chin bago niya hinalikan ang noo ko, then the tip of my nose, down to my lips.

"Last kiss for today" saad niya.

Muli niya akong kinantahan ng paborito naming kanta para mas lalo akong maantok.

"Last song for today," muli niyang saad pagkatapos niyang kumanta.

And for the last time he then kiss my forehead before I felt his tears streaming down from his face.

"Tandaan mo, sa kahit anong lugar hihintayin kita."


'Ako din mahal'

_____________________________________________________________________________________________________________

:)

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon