Kabanata 1

33.2K 592 202
                                    

KABANATA 1 :: DRUNK

Marahan akong lumakad papasok sa bulwagang napapalamutian ng huwad na kagandahan. Karangyaang pilit itinatago ang baho at mga kapintasan, nakakasuka.

"Vanna, iha! Ikaw na ba iyan? Naku ang laki mo na pala!"

Mula sa taas noong paglalakad ay lumapit ako sa kanilang lamesa at inihanda ang ngiting ilang linggo kong pinagsanayan para sa okasyong ito.

"Aunt Kara," balak ko pa sanang dugtungan pero ngumiti na lamang din ako nang mapagtantong ang ngiti nya ay gaya nang sa akin- peke.

Gusto ko mang irapan ang bawat kamag anak at kakilala na nasa bulwagan ay hindi ko ginawa. Nagkukunwari lamang silang may pakealam sa kasiyahan ngunit ang totoo ay narito sila upang humanap ng mga kasosyo sa negosyo, ibida ang kanilang mga ari-arian at ipagmayabang sa lahat ang natatangi nilang mga unico iho at iha.

Kawang gawa? Sinong maniniwala sa pagtulong nilang ipinangangalandakan sa mundo? Kabaliwan!

"Kumakain ka nyan?" sinulyapan niya ang beef echiladas na kinakain ko kanina na hanggang ngayon ay bitbit ko pa at muling ibinalik ang ngiti matapos ang ilang saglit na pagtaas ng kilay. "Masyadong malangis, Vanna. Di ka ba natatakot na tumaba?"

Nakakasuka ang isiping mismong kamag-anak ang ganitong mag isip.

"Wag kang magbiro, Auntie. Tumaba? Kumakain ako limang beses isang araw pero kahit isang kilo walang nadagdag sa timbang ko. Wala yan sa pagkain, nasa may katawan yan."

Napatanga siya ngunit hindi na ako nakapagbunyi dahil sumingit naman ang isa pang pinsan ni mama.

"Vanna, nasaan ang fiance mo? Balita ko maganda ang resulta nung fashion summit nila ni Mocha."

"Ano pa bang aasahan mo, simula pa naman noon lahat ng gawin ni Mocha ay hindi pumapalpak."

"Gumraduate iyon ng Suma Cum Laude sa Amerika, hindi katulad nitong..."

Napatiim bagang ako nang magsibalingan sa akin ang atensyon ng mga nasa lamesa.

Halos hindi ko na nasundan kung sino ba ang mga nagsasalita dahil nabibingi ako sa kakabanggit nila sa panglan ng aking nakattandang kapatid.

"Vanna, iha ano nga ulit ang tinapos mo?"

Tumikhim ako at umayos nang pagkakatayo.

"Multimedia Arts po."

Bahagyang ngumiwi si tita Valeria na siyang nagtanong samantalang ang iba naman ay halata ang disgustong bumalatay sa mga mukha.

"Bakit hindi ka nang business administration kagaya ni Mocha? Ayaw mo bang tumulong sa family business?"

"Tito, kaya na po iyon ni Mocha. Isa pa, hindi ako kasing galing nya. Excuse me po."

Nagkunwari pa akong nakangisi bago tuloy-tuloy na naglakad patungo sa mesa ng mga alak kahit ang totoo ay gusto ko silang saksakin nang tinidor na nasa aking plato.

Nakakabanas makipag-usap sa kanilang lahat.

Nang may waiter na dumaan ay ibinigay ko ang platong hindi ko alam kung bakit ko dala-dala. Halos hindi pa ako nakakakain dahil hindi ko mahanap si Atticus maging ang mga magulang ko. Magta-tatlumpong minuto na yata akong naglilibot sa buong function hall.

Dinampot ko agad ang isang kopita na may kulay gintong likido at diretsong ininom iyon. Sa unang paglapat ay parang napapaso ang aking lalamunan ngunit kalaunan ay nasanay ako sa init na hatid niyon kaya hindi ko ibinaba hanggang hindi nauubos ang laman.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon