Prologue

3.2K 65 4
                                    

TRIGGER WARNING: PHYSICAL AND VERBAL ABUSE. READ AT YOUR OWN RISK!

Life is too unpredictable. Everything isn't irrefutable—even love. What things could be certain?

My whole life, I've been seeking love and validation from the people around me.

They said it should come from the family first but mine failed to give it. I did everything for them to love me yet pain is what they returned.

Twenty years of existence and I lived only for sorrow.

I want to escape but how?

Baka nga kamatayan ang sagot upang tuluyang makalaya mula sa kalungkutan.

Sa bawat araw na dumaraan ay lalo lamang nadaragdagan ang sakit na nararamdaman ko. Parang lason na kumakalat sa buo kong sistema. Hindi ko alam kung paano aalisin o kung maaalis ko pa nga ba.

Sa pagsapit ng gabi ay dinadalaw ako ng pag-iisip tungkol sa mga bagay na walang linaw at hindi ko alam kung paano masasagot.

Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong kumakapit at nagpapatuloy sa buhay na hindi ko alam kung meron pa nga bang patutunguhan.

I always think about what could be my purpose in life. I am alive yet feel dead inside. My sorrows are a permanent dweller in my system and I can't do anything for them to leave.

Running away is the answer in my mind but how would I run if they tied my feet so I could not flee? I hold the only single string to continue and I'm just waiting for someone to cut it so I can finally be free.

"Ahmya!"

Ang malakas na sigaw ni papa ang nagdulot sa akin nang labis na takot nang makapasok ako sa loob ng bahay. Ginabi na ako kasama ang manliligaw kong si Kyler, galing kami sa birthday ng isa naming kaibigan.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay sumalubong na sa akin ang malakas na sampal ni papa. Para akong nabingi sa lakas no'n.

Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan na nagngingitngit sa galit. Sa likuran niya ay sina mama at si Lyka na parang natutuwa pa sa nakikita.

"Bakit ngayon ka lang nakauwi, ha? Alam mo ba kung anong oras na? Puro bulakbol na lang ang iniisip mo!" sigaw niya. "Tumatanda kang inutil, Ahmya!"

"Papa, nagpaalam naman po ako sa inyo kaninang umaga na baka gabihin ako ng uwi kasi pupunta ako sa birthday ng kaibigan ko . . ." mahina kong sabi. Pilit na pinipigilan umiyak.

"Nagpaalam ka nga at pinayagan kita pero hindi ko naman sinabing abusuhin mo!"

Ang boses niya ay parang kulog, nakakatakot.

"Alas siete pa lang naman po ng gabi," pangangatwiran ko.

"Alas siete pa lang?" Sarkastiko siyang tumawa. "Sana naisip mo 'yong mga obligasyon mo rito sa bahay hindi 'yong puro sarili mo na lang iniisip mo!" galit na galit niyang sigaw sa akin.

Napatahimik ako. Puro na nga lang obligasyon ko sa pamamahay na 'to ang iniisip ko at nakakalimutan ko na ang sarili ko. Minsan lang naman ako magsaya pero parang pakiramdam ko ay bawal.

Bawal ako maging masaya.

"Bobo ka na nga, inutil ka pa! Wala kang kwenta! Walang pakinabang!" dagdag niya.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko dahilan para marinig ko ang tawa ni mama. Hindi 'yon tawa na natutuwa kundi sarkastiko.

"Kahit umiyak ka pa riyan ng dugo, hindi ka nakakaawa, Ahmya Davina. H'wag kang magpaawa sa amin dahil hindi ka inaapi sa pamamahay na 'to. Dinidisiplina ka lang kasi tumatanda kang paurong," sabi niya.

Sunod-sunod ang paghikbi na kumawala sa bibig ko. "Palagi n'yo na lang akong ginaganito. Araw-araw ganito . . . magulang ko kayo pero bakit parang ang hirap naman kuhanin ng loob n'yo? Ginagawa ko naman lahat pero bakit parang kulang pa rin? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko . . . " mahina kong sabi. "Gusto ko rin namang maramdaman na mahal n'yo ako. Mahirap bang ibigay 'yon?" Pinunasan ko ang mga luha ko. "Parang lahat na lang ng gawin ko ay mali para sa inyo."

"Ayon na nga, e! Puro mali nga ginagawa mo kaya palagi ka ring napapagalitan," si papa. "Tigilan mo 'yang pag-iyak mo. Naiirita ako!"

"S-sorry na po. Hindi ko na uulitin," paghingi ko ng tawad.

"Ang problema kasi sa 'yo, puro na lang si Kyler ang nasa isip mo! Ang landi-landi mo! Imbis na mag-aral ka nang mabuti ay iyan ka at nagbo-boyfriend. Manliligaw mo pa lang ba talaga 'yon o boyfriend mo na? Bulakbol ka nang bulakbol. Puro pasarap sa buhay pero wala namang alam gawin!" sigaw niya. "Hindi talaga ako natutuwa sa ginawa mo, Ahmya!"

Hinawakan niya ako nang marahas sa braso saka hinila palabas ng bahay. Wala akong magawa kundi umiyak na lang nang umiyak. Napasalampak ako sa lupa nang tuluyan niya akong itulak nang malakas.

"Hindi ka makakapasok ng bahay hangga't hindi ka nagtatanda sa ginawa mo!"

"P-papa, gabi na po . . ." umiiyak kong sabi, nagmamakaawa na h'wag nila akong pagsarahan ng bahay. "Ayoko p-po rito sa labas."

Hindi niya ako pinansin. Iniwan na nila ako rito. Rinig ko pa ang malakas nilang pagsara ng pinto. Awang-awa ako sa sarili ko dahil wala man lang akong p'wedeng silungan.

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa kumulog at kumidlat. Napatakip na lang ako sa tainga sa sobrang takot ko. Maya-maya lang ay bumuhos ang malakas na ulan at agad akong nanginig sa lamig.

Nanghihina akong tumayo at pilit inaninag ang nilalakaran dahil nanlalabo ang paningin ko. Yakap ang sarili na sumilong ako saka kinatok nang malakas ang pinto.

"M-mama! Papa! Umuulan na po! Papasukin n'yo na ako!" sigaw ko habang patuloy na kinakalabog ang pinto namin. "Papa! Parang awa n'yo na po! Basa na ako! M-mama!"

Bumukas ang bintana at sumilip doon si mama. "Diyan ka lang! Hindi ka p'wedeng pumasok! Iyan ang napapala ng taong matigas ang ulo. Bahala kang lamigin d'yan. Dapat lang 'yan sa 'yo dahil hindi ka naman marunong makinig sa amin."

Naghalo na ang luha at tubig ulan sa mukha ko. Naninikip na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay sa pangit nilang trato sa akin. Mula bata, pakiramdam ko kailanman ay hindi talaga ako naging parte ng pamilya.

"Mama, sorry na po . . ." sabi ko saka pinakawalan ang isang impit na hikbi. "Maawa na kayo sa akin, ma. Gusto ko ng pumasok. P-ppasukin n'yo na ako!"

Sumilip din si papa sa bintana saka ako dinuro. "Kasalanan mo 'yan! Bahala kang mamatay riyan sa ulan!" Saka niya sinara muli ang bintana.

Napapikit ako nang mariin. Napahawak sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman saka unti-unti na namang sumalampak sa lupa. Hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak pero wala akong magawa.

I am named Davina which means beloved yet I am not loved.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon