Chapter 25

2.9K 186 30
                                    

Malori

"Sure na kayo na ngayon ang alis nyo?" Malungkot na tanong sa amin ni Zyra
Sa amin dalawa ni Athena

Nilalabas na kasi ng mga bodyguard ni dad lahat yung gamit namin dadalhin upang isakay sa kotse papunta sa kinatitirikan ng helicopter ni dad

Malayo layo kasi ng unti iyon dito dahil nga bayan to at kailangan pa humanap na maluwag na kalalapagan ng helicopter na sasakyan namin ni athena pa punta sa manila

Ang sumunod na lumapit sa amin ay si Clay pati si Anne sabay kang sinugod ng yakap ng dalawa ng ikinangiti naman ng girlfriend ko na ikina ngiti ko rin

"Mag ingat kayo parehas don ah?" Usal ni Clay bago humiwalay ng yakap kay Athena tumingin sakin Si Clay

"Ingat kayo Malori dun bye"usal ni Anne habang humihikap na pumasok sa loob ng bahay

May balak ulit yatang matulog. Nakapa antukin talaga kahit kailan

Napailing nalang ako

"Ikaw Malori!" Biglaang tawag ni Clay sa pangalan ko

Napa tayo ako ng tuwid ng tawagin nito ang pangalan ko

Pinaningkitan ako nito ng tingin

"Ingatan mo ang kaibigan ko! pag ito umuwi na umiiyak ng dahil sayo" lalo ako pinaningkitan ng tingin nito

" susugurin kita sa Manila tandaan mo yan at kita mo yun?" sabi nito sabay turo sa wood axe na nakatirik sa puno

"Susugurin kita kasama yan"nginisian pa ako nito matapos sabihin ang mga katagang iyon na ikinalunok nalang ng laway ko

"W-wag kang mag alala sisiguraduhin kong magiging masaya sya sa piling ko. Hinding hindi ko sya pababayaan dun"pangako ko dito

Tumango ito sakin at ngumiti "Good!"

At sa buong buhay ko na nakatira dito yun ang kauna unahang nakita kong ngumiti si Clay

"Mamimiss kita Athena.."usal ni Ashley habang naluluha luha pa yung mata nitong nakatingin sa kaibigan

Katabi nito si Clint na kakagising lang

Walang kwentang kaibigan to. Hinihikaban lang ako amp!

Napagawi ang tingin nito sakin tinaasan lang ako ng kilay bago nag angat ng kamay at-- abat--- gagski to ah?!

Pakyuhan ba naman ako?

Upakan ko kaya ito!

Walanghiya tong tao to

"Malori.. wag muna patulan"sabi ni athena ng mapansin yatang lalapitan ko si Clint na ngayon naka ngising nakatingin sakin

Biniletan pako nito bago nilabas nito ang dila nito sabay 'bleh'

Tinignan ko lang ito ng masama

Di man ako makaganti sayo ngayon..pwes sa susunod sisiguraduhin kong gagantihan kita mas doble pa sa inaakala mong bwiset ka!

Nakita kong siniko ito ni Ashley at tinignan ng masama na ikina tigil naman nung isa

Inis na iniwas ko nalang ang tingin ko dito babawi talaga ako sa kanya...

Hinawakan ko bewang ni Athena ng makapag paalam ito sa mga kaibigan nito

Lumapit naman samin ang cute na cute na anak ni ms.Quinn na deretsong yumakap agad sa binti ko

Na ikinangiti ko naman

"Aalis kayo?"tanong nito nag angat ito ng tingin samin ni Athena

Umupo ako

"Yes baby"naka ngiting usal ko

Malungkot na tinignan kami nito ni Athena

"Di na kayo babalik?"

Napa upo rin sa tabi ko si Athena

"Wag ka ng malungkot. Babalik naman kami ni Malori dito dadalaw dalawin namin kayo" naka ngiting sabi ni Athena sa bata

Tumango tango ito habang na ngingilid padin ang luha sa mga mata nya

"Promise?"

Nagkatinginan kami ni Athena at sabay na napangiti

"Promise"sabay na sagot namin

Niyakap naman namin ito parehas

"So.. "usal ko ng makatayo kami ng maayos

"Kailangan na namin umalis" nakangiting paalam ko sa kanila
Sa pag alin

Kahit na ilang buwan palang ako tumira rito

Hindi ko ikakaila na sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang totoong kasiyahan

Sa piling nila at sa piling ni Athena

"Oh sya umalis na kayo baka gabihin kayo sa pag alis" si ms Quinn

Ngumiti ako rito

Tinignan ko relo ko

Alas tres na pala ng hapon.

Kailangan na pala namin talaga umalis

Magkahawak kamay kaming kumaway sa kanila bago pumasok sa kotse

Napansin ko naman si Athena na malungkot na kumakaway sa may bintana

Pero nung tumingin sakin ay ngumiti ito na ikinangiti ko narin

Katulad ni Athena nalulungkot din ako maiwan ang mga tao rito lalo na kung napamahal kana sa lugar na ito

Naalala ko tuloy ang mga batang sina Finn ang limang mag kakapatid

Pumunta ako sa kanila kahapon at katulad nga ng inaasahan ko ay umiyak ang mga batang yon ng malaman nilang aalis ako pero sinabi ko naman na babalik ako at kukunin ko sila at dadalhin sa Manila ako na ang mag aalaga at mag papalaki sa kanila
Na ikinasaya naman ng mga bata

Napatingin ako sa labas ng tumigil na ang sasakyan na sinasakyan namin ni athena

Nakita ko naman ang helicopter na sasakyan namin na ngayon naka ready na

_______

Beatrice

Hindi ko maiwasan na mapatayo sa pagkaka upo ng biglang sabihin ni dad na uuwi ngayon si Malori

"Ngayon dad?!" Tanong ko kay dad bakas ang saya sa boses ko

Dahan dahan naman tumango si dad at tila na wi-weirduhan sa akin

"Oo pero kasama nya ang girlfriend nya " napa tigil ako sa kinatatayuan ko sa narinig

Hmp! Alam ko ako ang Mahal ni Malori!

Babawiin ko ang akin!

Sakin lang si Malori!

Mapatingin ako sa lamesa kung san naka lapag ang cellphone ko

Tumunog iyon

Si Rayleigh tumatawag

Matagal ko na kasi na hindi muna pinapansin si Rayleigh Kaya ganto nalang kung mangulit

Hindi ko maiwasan namapahilot sa sintido ko

"Anak hindi mo ba sasagutin ang cellphone mo muna? Mukhang napaka importante eh." Si dad habang naka kunot ang noong naka tingin sakin

Umiling ako"di naman gano importante to dad" sagot ko bago in-off yung cellphone ko

At umupo sa kinauupuan ko

Dahan dahan tumango si dad bago ipinag patuloy na kumain at ganun din si mom

Napa isip ako

Kung sino man yang girlfriend nya ngayon. Pwes sisiguraduhin ko na babawiin ko ang dapat sakin at iiyak syang luhaan.

____________

Update

Okay na muna to

Sa susunod na chapter nalang sila mag kita kita HAHAHAHAH

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now