Chapter 38 - Dinner Meeting

262K 7.4K 1.4K
                                    

Napapikit ako sandali bago tahakin ang daan papunta sa loob ng eskwelahan. Ang aga aga kasi, may dalawang babaeng panira na kaagad ang bumungad sa akin. Talagang nagsama pa silang dalawa ah? 

I walked confidently and lifted my chin up to show how fierce I am. May mga tao kasing hahanap at hahanap ng butas o dahilan para lang masabing insecured o threatened ka with their prescence. Nang malalagpasan ko na sina Blair at Kirsten, mabilis na gumana na naman ang reflexes. Napatalikod kaagad ako but I think my reapers are way faster. 

Achilles is holding Blair's hand na sa tingin ko ay ipanghihila niya sana sa buhok ko. This social climber sucks. "Don't you dare lay your filthy hand on her." matalim na tingin ang binigay ng iba pang reapers na ngayon ay kalat kalat na. Agad namang nagpumiglas si Blair pero mukhang hindi siya papalampasin kaagad ng tauhan ko at pinihit pa ng kaunti ang kamay niya. Mabilis naman siyang napasigaw sa sakit. Oh well, there's no such saints when it comes to people who came from the underground society. Never touch their master or else you'll die on the spot. 

Humakbang ako papalapit at hinawakan ang kamay ni Achilles bilang pasabi na bitawan niya na ang kamay ni Blair. She held her hand tightly and she keeps on making hand gestures to try her hand's condition while the newly coronated princess is just looking at me coldly. She is really compatible with Spade. The ice prince and the ice princess. 

"Damn you! Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ng---" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin niya. "dating may-ari ng school na ito. Too bad, there's a new owner and what's better is she doesn't have any spoiled kid around here." pagdudugtong ko. Napatameme naman siya and I heard the students' gasps everywhere. This is only a little revenge from what she did to me on my first day. Tila ba naconscious siya sa reaksyon ng mga tao sa paligid niya kaya ginawa ko nang tyansa 'yun para umalis sa eksena. 

Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita si Kirsten. "I think you forgot to bow down to me, Ms. Cromello. I'm your king's fiance. This school's princess so it's necessary for you to show your respect in front of me." pagkarinig ko pa lang sa linya na pinapayuko niya ako sa harap niya, nagpantig na ang mga tenga ko. And who is she to order me to bow down before her? May iilang grupo na kabarkada yata ni Blair na nagsihagikgikan nang marinig ang sinabi ng sampid na ito. 

Muling ako humarap at lumapit sa harapan niya. An eye to eye battle. I want to pierce her eyes through my dagger like glares. The student body sensed the tension around and started gossiping. "You dare to glare at me? Aren't you rude?" she told me with her sophisticated grin. Yeah a she looks like a sophisticated prostitute with her short skirts and white button front tank top. Hindi makakalagpas sa akin ang nangiinsultong nakataas na kilay niya. 

"I'm sorry Ms. Horwaide but I won't bow down to someone who is not even deserving for my respect. You may be Spade's fiance but it doesn't change the fact that you are only a ... what do you call that again, Dash?" alertong napatingin naman sa akin si Dash at sinagot ang tinatanong ko. "Sabit?" I gave out an evil smirk. "Hear that? Isa ka lang sabit dito kaya 'wag na wag mo kong pagmamataasan." Her eyes widen at nagulantang siya sa magkakasunod kong patutsada sa kanya. 

"Letche ka! Mukhang hindi mo yata kilala ang binabangga mo ah!?" that's it. Her cover is blown. Hindi naman talaga niya kayang manatiling composed eh. Ginawa niya lang pala 'yun sa pag-asang masisindak niya ako. 

Dahil napansin ko ng dumadami ang nagkukumpulan sa bawat sulok namin, mabilis akong kumilos at umaktong makikipagbeso beso sa kanya. Pasimple kong pinalo ang likod niya. Mahina lang ang ginawa ko pero sa loob ng isang minuto, makikita natin kung kaya pa niyang maglakad ng taas noo sa campus.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon