Chapter 16. Alxien

19.9K 536 1
                                    

Hannister POV

Hindi ako mapakali nang matapos ang laban nina Xien. Ang Fearles Five Gang ang nanalo ngunit lahat sila ay may tama at malalason ng Pozon Gang. Sumama ako sa mansion ng mga Jang dahil nag-aalala ako para sa kanilang lahat. Tinurukan sila ng antidote pero wala daw itong kasiguraduhan kung tatalab ito.

Nakatulog ako sa dating kwartong ginamit ko noon. Ayoko sanang pumasok sa school pagkaumaga ngunit wala akong nagawa ng si Xien na ang nasabi hindi dapat ako mag-absent. Walang silbi din naman sa akin nag classes ko ngayon araw dahil iniisip ko ang kalagayan ng Fearless Five Gang. Kung tuuusin ay wala naman akong pakialam sa kanila ngunit hindi maatim sa konsenya ko na mamamatay ang mga gangster na yun. Napalapit sila sa akin kahit papano.

Gabi na nang makarating ako sa mansion. Hinanap ko agad si Xien ngunit hinatid lang ako ni Mr. Ang sa second floor at binigyan ng instruction kung saan ang kwarto ni Boyfie.

“Saan na yun?!” Naiinis kong tanong sa aking sarili. Ilang minuto na akong pasikot-sikot sa mga kwarto dito ngunit maling kwarto palaging napagbubuksan ko.

Ang huling kwartong napasukan ko ay pinahanga ako. White and violet ang theme, halata na pangbabae. Hindi it okay Alessa dahil ang pagkakatanda ko, pink ang theme nun at may may laruan na Barbie at Bratz sa paligid.

“Kanino kaya ito?” Tanong ko uli sa aking sarili habang sinusuri ang kabuuhan ng magandang bedroom.

Hindi ko alam kung bakit lumapit ako sa queen size bedroom. Umupo ako at lumundag-lundag pa. Ang lambot! Napangisi ako dahil parang bata ako kung umaasta dito.

Wala sa sariling binuksan ko ang drawer sa tabi ng kama at kinuha ang nasa loob. Isang box iyon na gold and silver ang design sa paligid. I opened it slowly and found pictures of a woman. Nakangiti ito at kahawig nina Xien at Alessa.

“Ang Mama nila” Sabi ko uli sa aking sarili. Napangit ako. Ang ganda pala ng Mama nila. Malaanghel ang mukha at parang dalaga lang siya sa larawan. Kuha sa iba’t-ibang lugar ang larawan na sa tingin ko ay nasa ibang bansa.

Ibabalik ko na sana ang mga litrato sa box nang hindi sinasadyang mahulog ko ang mga ito. Agad ko itong pinulot nang makita kong may nakasulat sa likod ng mga larawan.

“Alxien” Basa ko sa pangalang nakasulat.

“What the hell are you doing here?!” Nagulat ako sa nagsalita sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya at patay! Si Xien pala. Seryoso ang mukha nito.

Agad niyang kinuha ang mga litarto at nilagay sa box. Yumuko ako dahil guilty sa pagiging pakialamera ko.

“Umalis ka na” Mahinahon niyang sabi at binalik sa drawer ang box. Akala ko iiwan niya ako dito pero dumiretso siya sa balcony.

Sinundan ko siya at naglakas loob na magsalita.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon