Chapter 359

265K 14.4K 24.6K
                                    

A/N: hello. Salamat sa paghihintay! 😁

Meet Ares

Jay-jay's POV

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Ci-N na abala sa pagte-text.

"Kausap ko si Daddy. Nagtatanong ako sa kanya tungkol sa posibleng sakit mo," sagot niya nang hindi tumitingin sa'kin.

"Akala ko ba hindi kayo close ng Daddy mo?"

Sandali siyang tumigil sa pagt-text para harapin ako at ngitian. Labas ang gilagid niya sa pagngiti at may kaunting tinga pa sa ngipin. Bahagya akong natawa dahil sa itsura niya pero bumalik lang siya sa ginagawa ng hindi ako sinasagot.

Alam ko ibig niyang sabihin.

Ready siyang makipag-usap sa Daddy niya para lang mahanap o matulungan ako sa problema ko. Napangiti ako sandali dahil sa naisip niyang gawin. Pero...

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Mahahanap ko din kung anong problema ko," sabi ko pero hindi niya ko pinansin.

Kakalabitin ko pa sana siya para makuha ang atensyon niya pero naagaw ng malakas na volume ng phone ang atensyon ko. Mabilis akong napalingon sa mga Ulupong para hanapin 'yon.

Nagmumula 'yon sa cellphone ni Kit at kasalukuyan silang nanonood ni Mayo. Wala naman sana akong balak pansinin sila pero naririnig ko ang narrator ng pinapanood nila.

"...trauma can also cause short term memory lost but in some cases it can also be longer..."

Nanonood sila ng video na may kinalaman sa trauma. Napangiwi ako. Alam kong para rin sa'kin ang pinapanood nila. Mukang kagaya ni Ci naghahanap din sila ng pwedeng itulong sa kalagayan ko.

Pati ba naman sila.

Pero mukang hindi lang sila ang naghahanap ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ko.

"Pre... Basahin mo 'to," utos ni Rory kay Edrix sabay abot ng cellphone.

"Ano ba 'yan?" tanong ni Edrix bago tanggapin 'yon.

"Hindi ko na kayang magbasa, ikaw naman."

Napangiwi si Edrix habang napapakamot sa noo. Kahit ako gano'n ang magiging reaksyon ko. Kung makautos na basahin para siyang may nahanap na maganda o mapakikinabangan, 'yun pala kasi hindi na kaya. Nabigla siguro ang utak niya. Hindi kinaya ang sobra-sobrang impormasyon.

Iba din.

"Selective Amnesia." Basa ni Denzel ng malakas sabay kalabit kay Drew. "Meron ka nito. Lalo na kapag singilan na ng utang."

"Gago ka ba?" Inis na sagot ni Drew.

"Hoy, totoo 'yan!" gatong ni Blaster.

"Bayaran mo na ko," sabi ni Josh.

At nauwi sa singilan ang mga loko sa likod. Nagkagulo na sila at muntik ng mauwi sa suntukan. Napilitan sina Felix at Eman na awatin sila bago pa lumala.

"Kumain na nga kayo! Kaya kayo nagkakaganyan dahil sa gutom!" sigaw ni Felix sa kanila sabay batok kay Drew at Blaster na naghablutan na ng damit.

Mabilis na hinampas ni Eman ang mga kamay nila bago sila itulak palabas. Agad namang sumunod ang ibang Ulupong para bumili na rin ng pagkain. Pero pakiramdam ko naghihintay lang sila ng manlilibre kaya ngayon lang sila magsisilabas.

Halatain kayo dyan.

"Tara Jay! Lunch na!" aya nila sa'kin pero ngumiti lang ako at sinenyasan silang umalis na.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon