CHAPTER 21: HEAVEN KNOWS

117 6 2
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



























AUTHOR POVS

FEW YEARS LATER..

After Nathan's death, Nag focus na lamang si Elizabeth sa pagpipinta. Lalo sya naging sikat na pintor ng inilabas nya ang dalawang pininta nya na mukha ni Nathan habang nagpa-piano ito. Sa ilang taon na pamumuhay ni Elizabeth ni isang lalaki walang nagpabihag ng puso nya. Nag stay lamang sya na walang kasintahan at nakatira sa bahay nila ni Nathan.

Samantala sila Jk at Suzy ay nagpakasal na bago manganak si Suzy sa unang anak nila ni Jk. Naging sikat ang libro ni Suzy na ang pamagat ay 'If I Stay' na hango sa istorya nila Elizabeth at Nathan. Subalit hindi sinabi ni Suzy na totoong pangyayari ang kanyang gawa upang manatiling pantasya lamang ito sa mga tao.

Sa kabila ng pangyayari nagkakaroon pa rin ng koneksyon ang pamilya ni Elizabeth at ni Nathan.

-

ELIZABETH POVS

"Hanggang kailan ka sa New York?"

Tinanong ako ni Suzy habang nag aayos ako ng damit ko sa maleta.

Bukas ang alis ko papunta sa New York para sa trabaho ko.

"Mga.. 2 weeks ako nandun. Baka nga madagdagan pa kaya.. sasabihan kita kung kailan ako babalik." Sagot ko sa kanya.

"Okay!"

Iniwan nya muna ako saglit para may kunin sya sa living room. Nasa kwarto ko kasi sya ehh tinutulungan ako sa mga dadalhin ko.

"Hayy.. nasaan ba yung notebook ko.."

Nandun sa notebook na yun ang mga drawing ko ehh. Baka nasa aparador ko.

Binuksan ko ang malaking aparador ko at sa loob nun mayroon pang maliit na kabinet. Binuksan ko yun at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na envelope.

Kinuha ko yun at nagtaka dahil ang nakasulat sa likod ay ang pangalan ko..

"Hey, Eliza! Tita is here.."

Pagtingin ko sa likod ko bumungad si Suzy at Tita.

Niyakap ko sya agad ng mahigpit.

"Bakit hindi nyo po sinabi pupunta kayo dito ahhaha!" Aniya ko sa kanya. Sana man lang kasi nasundo ko sya.

"I want to surprise you ahahha! Ow.. I know that envelope. Isa yan sa mga gamit ni Nathan." She said and pointed sa envelope na hawak ko.

Ahh.. pero ngayon ko lang nakita ito.

Ang ibang gamit kasi ni Nathan nandito sa pinagawang bahay nya para sa aming dalawa.

"You should open it."

Tinignan ko ang envelope at binuksan.

May papel sa loob..

Pero..

Hindi sya isang sulat..

Napangiti ako at napaiyak ng makita ang drawing ni Nathan sa akin.

Nag sketch sya habang nasa dagat ako nun. Kaya pala.. may ginagawa sya habang nakaupo lang.

May nakasulat pa sa ibabaw ng sketch nya.

I LOVE YOU FOREVER

And then..

Mayroon pa sa loob ng envelope. Lalo ako napaiyak sa nakita ko.

Isa syang singsing..

"Ow.. Nathan.. suppose to be.. asking you.. to marry him.. pagkatapos sana ng party nung sa Art Gallery." Tita said.

Hindi ko alam na ang sasabihin ko..

Basta niyakap ko si Tita ng mahigpit.

"He loves you so much.." she said and tapped my back while me crying so hard matapos makita ang singsing para sa akin.

-

AFTER MANY YEARS..

Elizabeth died peacefully..



SOMEWHERE IN HEAVEN



ELIZABETH POVS

Napapatingin ako sa paligid.. dahil pamilyar sa akin ang lugar.

Saglit..

Bahay namin yun ni Nathan? Yung bahay na pinagawa nya?

Naglakad ako papunta sa bahay pero napahinto rin ng bigla bumukas ang pinto ng bahay.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nagkita na muli kami..

"Hi, honey.."

Tumulo ang luha ko agad ng makita sya..

"Am I in heaven?"

And he smile.. ang pinaka magandang ngiti na gusto ko makita.

"Let's go home.. love."

Napangiti ako sa sinabi nya.

Inilahad nya ang kamay nya sa akin. Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ng mahigpit.

"Sinuot mo ang singsing?" Sambit nya habang nakatingin sa singsing. Sinuot ko na ito simula ng makita ko sa envelope.

"Dahil Oo ang sagot ko sayo.." sagot ko sa kanya.

At pareho kami ngumiti sa isa't isa.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa bahay namin.

Our love remains forever..


"A person that truly loves you will never let you go, no matter how hard the situation is."




IF I STAY

ENDS..

Thank you so much for reading!

IF I STAY (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now