KABANATA 57

2.5K 230 67
                                    

Senda's P.O.V.

"Ang lakas mo siguro kay Lucio 'no?" sabi ko kay Luis, habang nagliliwaliw kami sa palibot ng kanyang bakuran, "paano mo nakumbinsi ang isang malupit at masamang hari na bigyan ka ng ganitong karangyang nasasakupan sa loob mismo ng kanyang kaharian?"

Bigla siyang huminto sa paglalakad kung kaya napahinto na rin ako.  Tiningnan ako nito nang makahulugan na tila may nais itong sabihin na hindi nito masabi.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Kilala mo ba ang hari ng Elysio--" tanong nito sa akin, "sa personal?"

"H-hindi pero--"

"Paano mo nalamang malupit at masama siya?"

"Sabi kasi nila--"

"Sabi nino?"

"N-nilang lahat...l-lahat halos ng kakilala kong kilala siya."

Umiling-iling ito at ngumiti ng pilit bago nito muling inihakbang ang mga paa.  Sumunod naman ako upang masabayan ito.

"Mahilig ka pala sa tsismis, Senda."  Malumanay na wika nito habang nakatingin sa malayo.

"Uy hindi ah."

"Hindi ba?" ngumisi itong saglit sa akin, "eh bakit naniniwala ka agad sa sinasabi ng iba? Nanghuhusga ka base lamang sa sinasabi nila kahit hindi mo naman pala kilala ang taong tinatawag nilang malupit at masama. Anong kalupitan at kasamaan ba ang alam mong ginawa mismo ni Lucio na ikaw mismo ang nakasaksi."

"W-wala pa naman pero--"

"Wala. Pero?"

Ako naman ang huminto sa paglalakad upang huminga ng malalim. "Pinagkakatiwaalaan ko naman ang mga taong nagsabi sa akin."

"Tulad nino?"

"Si Patruska."

"Ang babaeng gustong maglako sa iyong pagkababae?"

Napaismid ako, "o sige 'wag na lang siya, 'yung mga kapatid kong babae."

"'Yung mga anak ng immortal na kaaway ni Lucio?"

Napakamot ako, "tsk. Kahit na, hindi naman mga sinungaling ang mga kapatid kong babae noh."

"Paano ka nakakasiguro, hindi naman kayo parating magkasama?"

"O sige, wag na rin sila. 'Yun na lang hipag ko. Si Ate Marietta."

Sandaling natigilan si Luis bago ito humalakhak nang malakas, "si Marietta? Pinagkakatiwalaan mo si Marietta?"

Hindi na ako makasagot. Ubos na rin kasi ang bala ko.

"Senda...Senda..." umiiling-iling na bulong nito.

"Bakit ikaw? Hindi ka ba nalulupitan sa amo mo?"

"Depende."

"Depende? Depende naman saan?"

"Depende kung kanino."

"Depende pa?" muli kaming naglakad.

"Malupit siya sa kaaway at mga traydor, siyempre. Alangan namang halikan niya ang mga kaaway at traydor sa kanya 'di ba?"

"Hindi lang 'yun 'no, kundi sa mga babae rin!"

Muli itong huminto at kunot-noo ako nitong tiningnan. "Ano?!"

"Bakit? Hindi ba kalupitan na nahalikan lang siya sa labi ay parurusahan na niya ang mga ito ng pagkakakulong sa balong walang hanggan?"

Lalong nagusamot ang mukha nito, "ha?! Eh saan mo naman nakuha ang impormasyon na 'yan?!" na tila ba wala nang mamali pa sa sinabi ko.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon