💦 Episode 26💦

23.7K 554 20
                                    


Nag-aayos ako ng mga bulaklak nang bigla nalang may yumakap mula sa likod ko, napangiti ako nang hinalikan niya ako sa pisngi nang lumingon ako sa kaniya.

“You look so beautiful today wife” nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya at inaamin kong kinikilig ako sa tinawag niya sakin kahit pa na hindi pa kami kasal.

“You look handsome too hubby”

Napangiti siya sakin at mas lalong hinigpitan ang pagyakap niya sakin.

“I like that. Ang sarap pakinggan kapag galing sayo, hubby?” Napatawa ako sa sinabi niya. Wala na yatang makakapantay sa sayang nadarama ko mula nang magkaayos kaming dalawa, dalawang araw na ang nakalipas.

“How’s your feeling? Hindi kaba nasusuka ngayon?”

“Hindi naman, okay naman ang pakiramdam ko”

Napatango siya sakin at inamoy ang leeg ko na siyang nagpaigtad sakin, nakikiliti ako sa ginagawa niya.

“Tauruz naman eh!” Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

“Where’s the hubby, huh? Bakit Tauruz lang? Nagtatampo na ako”

“Edi magtampo ka! Bahala ka diyan!”

“Tsk! You’re so mean wife. Hindi mo ako susuyuin kung ganun?”

Napalingon ako sa kaniya at nakatitig lamang siya sakin.

“Ikaw ang may gustong magtampo desisyon mo ‘yan! “ napakunot noo siya sakin at gusto ko na talagang matawa sa reaction niya.

“What the? Really?”

“Oo! Lalake ka kaya dapat alam mong kayo ang laging mali!”
Mas lalong nangunot yung noo niya sakin dahil sa sinabi ko.

“What do  you mean? Girls are always right?”
Tinaasan ko siya ng kilay at nakipagtitigan narin ako sa kaniya.

“Yes! Sino ba may nagawang kasalanan sa atin? Diba ikaw?”

“Tsk! You’re too personal. I thought you already forgave me?”

“Yes I did, pero hindi ko lang makalimutan!”
Matagal kaming nagkatitigan, ang sinabi ko kanina ay biro ko lang ‘yon pero nag-iba nalang ang mood ko at nainis ako bigla at mukhang magiging totohanan na. Nakita kong napalunok siya at hinapit ako papalapit sa kaniya.

“Okay fine, fine, you win. You’re right ako lagi ang mali baby, huwag ka ng magalit ha? I love you wife”
Para namang natunaw ang inis ko at napasandal nalang ako sa dibdib niya.

“I love you too hubby.” Nagkangitian kaming dalawa nang hinalikan niya ako sa labi.

“I love you more, so hindi pa ba tayo aalis?”

“Hindi pa nakarating si Trez, malapit na raw siya” napasimangot siya at napatingin sakin.

“Isa pa ‘yon, sarap basagin ang mukha!”
Napatawa ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

“Makipagbati ka na doon, hindi kita isasama kapag inaway mo siya”
Napakunot noo ulit siya sakin at natatawa ako sa mukha niya.

“Really, huh? Kakampihan mo pa yun? As if I didn’t know that he really wanted to snatch you from me!”

“Hoy huwag mo nga kaming pag-isipan ng ganyan, tinulungan niya lang ako kasi salbahe ka! Umayos ka Tauruz huwag mo akong pag-isipan ng ganyan! Alis nga huwag mo akong mayakap-yakap diyan! Huwag ka na rin tumabi sakin matulog”

Naiinis kong sabi sa kaniya, I can’t control this emotions at feeling ko sasabog ako kapag hindi pinatulan ang mood swings ko. Bigla naman nanlumo ang mukha niya at tila nagmamakaawa na yung mga titig niya sakin.

“Wife naman, okay fine I will talk to him. I just can’t stop thinking about it. I thought you were really lovers so I almost died of jealousy, akala ko kasi totohanin niyang aagawin ka niya sakin. Don’t get mad at me kakausapin ko na siya”

Napairap ako sa kaniya at pinipigilan ang patulan siya dahil mukha na siyang maamong tigre kung makatitig sakin. Tila hindi siya naging halimaw noon!

“Sure ka?”

“Yes of course. I will do anything for you”
Napatango ako sa kaniya at ngumiti narin ako nang nginitian niya ako at hinalikan sa noo. Ngayon na kami pupunta nang cemetery for the death anniversary of my mother.

“O, si Trez na yata ‘yan pagbuksan mo”
Nakita ko kung paano umasim ang mukha niya pero nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya ay agad din itong nagbago at napakamot pa siya sa ulo niya.

Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya ng bahay, napakataas talaga ng pride niya, sa kanilang dalawa ni Trez siya ang ubod ng salbahe. Napakasuplado niya, baka nga namana niya ‘yon sa ina nila. Speaking of  their mother alam kong malaking hadlang siya sa amin ni Ruz, pero bahala siya sa buhay kung ayaw niya talaga sakin hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kaniya.

Akala naman kasi niya patay na patay ako sa anak niya! Yes I love him, but it doesn’t mean na magpapakatanga talaga ako sa kaniya. Gosh, ano ba itong iniisip ko. Naglakad nalang ako at sinundan siya, pinagbuksan niya nga si Trez. Nagkatitigan silang dalawa at ngumiti si Trez na parang nang-uuyam. Sinundan niya ito ng masamang tingin nang maglakad si Trez papunta sakin.

“Hey! How are you baby?” nakangiti niyang sabi, akmang yayakapin niya sana ako nang bigla nalang may humila sa kaniya at kwenilyuhan siya.

“Tauruz! Stop it!” Saway ko sa kaniya, I saw how he clenched his jaw at pikon na pikon ang mukha niya nang napatawa si Trez habang hawak niya ang kuwelyo nito.

“Come on Ruz! We are twins, kaya pwede akong makishare sayo___”

“Tauruz huwag! Trez ano ba!” Pigil ko sa kanila kasi parang aambagan niya na naman ito ng suntok .Naiinis ako dahil alam kong inaasar niya yung kakambal niya na mabilis namang napipikon. Muli siyang napatawa at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko.

“Let me go brother, just kidding okay? Ang arte mo kasi noon buti nalang hindi ko nakalimutan na kasal na ako dahil kung hindi baka___”

“Go on! Say it babasagin ko ‘yang pagmumukha mo Trez!”

“Tauruz ano ba tumigil kana nga” hinila ko siya dahil hindi maawat si Trez kakatawa at siya naman ay dumidilim na ang mukha niya kakatingin dito.

“Hay nako! I can’t believe that you forgave him Yssa, nako dehado ka diyan nambababae ‘yan. Sa una lang naman ‘yan malambing pero kapag matagal na kayo ay lolokohin ka lang___ ah!”
Nagulat ako nang mapahiyaw siya sa sakit nang bigla nalang siya binalibag ni Tauruz sa braso.

“Tauruz, bitawan mo siya!”

“Aray ko! Totoo naman ah?” Muli ko siyang pinigilan nang susugurin niya na naman ito at mabilis na umalis si Trez papasok ng bahay.

“That bastard!”

“Nambababae pala ha? Hoy Tauruz kung magsasawa karin lang naman pwede ngayon palang sabihin mo na sakin para hindi ka na mahirapan! Pwede ka ng lumayas agad!”

“Tsk! One, naniniwala ka naman sa gagong ‘yon? He’s just insulting me at hindi ko ‘yon magagawa sayo”
Inis ko siyang tiningala at nakayuko siya at nakatitig sakin.

“Sa ngayon hindi mo magagawa pero kapag natagalan ano?”

Napahilamos siya sa mukha niya at bigla nalang ako nainis dahil hindi malabong darating sa puntong hahabol habulin siya ng mga babae pagkatapos ano? Papatulan niya rin? Akala naman niya siguro ay hindi ko alam ang mga galawan ng mga babaerong tulad niya!

“Wife naman, huwag kang maniwala doon. Yes I admit it. I usually change women just like how I change clothes but it’s different right now. Come on I love you so much wife, we have a son and magkakaroon na ulit tayo ng panibagong baby gagawin ko pa ‘yon?”
Napairap ako sa kaniya nang hawakan niya ako sa kamay.

“Gawin mo ‘yan Tauruz hindi sa salita lang! Kapag nambabae ka puputulin ko ‘yang pagkalalake mo para makaganti ako sayo!”
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at bigla nalang niya akong niyakap.

“Yes wife, you have my permission. I never thought you were so strict and snobby, huh? But it’s okay. Even though, I still love you my only baby One”

Hmp! Baka naman ngayon lang siya ganito para lang hindi ko siya palalayasin. Sumasakit tuloy ang dibdib ko kapag naiisip kong baka nga darating ang araw na magsasawa siya sakin atsaka bigla nalang kaming iwan ng mga anak niya.


SBTBS > jayewel

ENJOY READING AND DON'T FORGET TO VOTE MGA DUDAY!

AND PLEASE ADD NYO RIN AKO SA FB ACCOUNT KO "jaye weL" thank you..

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon