Chapter 27

13.4K 766 250
                                    

"Uwi ka na nga, wala ako ipapakain na sa'yo." Pabirong pagpapalayas ko kay Jean.

Ang aga-aga kasi nandito siya sa pamamahay ko, para talagang wala itong bahay at asawang inuuwian. Ako lagi trip dalawin. If not ako, malamang ay tambay ito kina Apple or kay Yuka.

But Apple already has a boyfriend ─ well, soon to be boyfriend ─ so naging limited na rin ang time nito dahil hating-hati na mga ibang bagay at ibang tao. Si Yuka naman ay busy rin sa work.

"Hindi, hindi," Ang intense ng pag-iling niya sa akin. Hinawakan pa ako nito sa braso na para bang ayaw akong pakawalan. "I need chikas!" giit nito, "Seriously? You're dating North na? Alam kong may iba kang bet pero never naman pumasok sa isip ko na si North iyon!"

Napahilamos ako ng mukha sabay ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Nadulas kasi ako kanina habang nagkukuwento. Okay lang naman kung malaman niya, pero as much as possible sana ay yung hindi sa ganitong paraan.

Ni hindi pa nga ako nakakapag-out or even si North sa grupo. All of them knows na ang bend lang sa aming magkakaibigan ay si Jade.

I'm not saying I am not straight... it's just si North lang talaga ang nagustuhan ko ever since. If it's not North, I'm not even sure I'll like anyone else. Pero baka sa lalaki ang ending ko kung sakali.

North also told me that she didn't feel any attraction towards anyone else. She's claiming she's straight and I'm an exception. It's easier to say she is straight than to explain her attraction to me, she said. Ang importante daw ay may understanding na kami sa nararamdaman namin para sa isa't isa.

It doesn't matter what our preference is because we're already together anyway.

"Hindi nga rin ako makapaniwala na mutual kami," Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko. Sino ba naman hindi matutuwa kung ma-reciprocate yung feelings mo?

Kinikilig na ako masyado. North kasi, eh.

"Ay, ang landi!" Halos sapakin na ako ni Jean sa lakas ng pagkakahampas niya sa braso ko kaya gumanti ako pabalik pero mahina lang. Baka mamaya bawal pala siya sa pisikalan dahil sa baby niya. Jusko, kasalanan ko pa kung may mangyaring hindi maganda. "May kaharutan naman din pala sa katawan si North. All this time akala ko talaga naglalakad na halaman 'yon."

Napangiwi ako sa ginamit niyang term. Pero may point din naman siya. Si North kasi kung titingnan, masyadong independent yung aura niya. She looks sweet but domineering, parang hindi mo pwedeng patulan basta.

Kasi ang usual banter, walang maganda na walang boyfriend or girlfriend. Pero kapag kay North, parang malabo ma-imagine na she's into relationships. Ganoon kasi talaga yung vibes niya. Parang kapag may nanligaw ditong lalaki o babae, parang hindi sasapat to pique her interest.

And then there's me ─ I was able to capture her heart.

"Mas malambing pa nga siya sa akin," Wala sa sariling nabanggit ko. Napaiwas naman ako ng tingin nang mapansin ko yung titig ni Jean sa akin. Para kasi siyang nang-iinis, sarap burahin ng face konti. "Tigilan mo nga ako."

"What?" She laughed. "Bongga mo, girl, hindi ko knows lutong spaghetti ka."

"Huh?"

"Baliko, 'te," paglilinaw niya, "Ikaw minsan hindi ko maintindihan kung slow o bingi."

"Grabe ka naman."

"Kaya siguro tagal ninyo bago nagkamabutihan ni North," dagdag pa nito, "Parehas kasi kayong mga assumera na straight si ganito, mataas standard ni ganito, ni isa sa inyo wala man lang nagtangkang pumorma sa isa't isa. Kung kailan mga tanders na kayo."

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon