CHAPTER 2: THE TRANSFER STUDENT

14.5K 408 53
                                    

CHAPTER 2: THE TRANSFER STUDENT

DARTH

''Oo nga! Tae! Ka badtrip yung...'' naputol yung sinasabi ni Kay ng biglang may humarang at bumunggo sakanya. Papunta kase kami sa classroom, kadalasan kase pag nag uusap kami ng ganto, di namin pinapansin yung mga nakakasalubong namin.

Ika nga nila..

BATAS KAMI.

''HOY! ANAK KA NG CHICKEN WINGS! HINDI KABA MAG PAPASORRY?!'' Tumigil ito sa paglalakad at liningon kami. ''Ako ba yung tinutukoy ninyo??''  itinuro niya yung sarili niya, tsaka ngumiti ng nakakaloko.

''Malamang ikaw lang yung tinatawag namin, huwag ka ngang bobols! Tsaka, Anong tinatawa mo diyan?! May nakakatawa ba??'' maangas na tanong ni Kay.

''Mag sorry ka  pare,  Habang mabait pa kame!!'' sigaw naman sakanya ni Friso.

Samantalang ako naka pamulsa lang, at pinag mamasdan ito. Hindi kase pamilyar ang mukha niya. Tsaka isa pa, hindi naman ako basta bastang nananakit.

Mabait ako, hindi lang halata.

''ANO MAG PAPA-SORRY KABA O ANO?!'' sigaw ulit ni Friso dito. Ngumiti ulit ito at napa himas siya sa panga niya.

Nakatingin lang ako sa kawalan, kaya na nila yan.

''Ano?'' ng ibinaling ko sakanya yung tingin ko nang bigla niyang  idinura yung chewing gum sa mismong mukha  ko. At dahil dun sa ginawa niya, automatic na nag form ng fist yung mga kamay ko.

''There, that's how I say sorry..  HAPPY?!??'' tumalikod na ito at nag lakad, pero papalampasin ko ba ang ginawa sa akin ng bug*k na toh?!

Duraan na nila lahat, huwag lang yung mukha ko! Diamonds yung pinanghihilamos ko, tas bigla niyang duduraan??  my gghhudnhezzz!

''HOY!'' hinabol ko ito, at hinarap. Samantalang sina Kay at Frisso nasa likod niya.

''Sino ka sa inaakala mo para gawin yun sa akin?!? Hindi mo ba alam na mahal pa sa buhay  mo tong mukha  ko?? HAH?!'' tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.. Hindi na ako nakapag pigil at kwinelyuhan ko isinandal sa pader.

Basagan na ng bungo to!

''Mag kano ba halaga ng mukha mo? Huwag kang mag alala.. Kaya kitang bayaran.. Marami akong pera.'' siryoso yung expression ng mukha niya habang sinasabi niya sa akin yun.

Hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa kwelyo niya. ''Hindi mo ba ako kakilala?! Hah!?!'' tinignan niya ako ng napakatalim sa mata,  nag smirk ito. Na para bang hindi siya interesado sa sinasabi ko.

''Wala akong balak na sayangin  yung oras ko para alamin kung sino kayo. Obligasyon ko bang kilalanin kayo?? At sino kayo para katakutan ko?!'' babasagin ko na sana yung mukha ng balbal na 'to subalit pinigilan ako ni Frisso.

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon