Chapter 33

1.2K 65 48
                                    

Chapter 33

You don't have to know everything; you just need to know something. That's what I've got to realize from the past years of being an academic achiever. 

Natapos na ang Grade 11 at pareho kaming nakakuha ng high honor ni Eden. Walang nakakuha sa section namin ng highest honors kahit isa.

Niregaluhan ko siya ng gitara dahil naalala ko noong nagpunta kami sa mall, hinigit niya ako sa store ng mga instrument. She wanted to buy a guitar and practice but when I told her to buy it, she said it would only be a liability.

Is talent now a liability? I don't think so. It's always an asset because you own it. I believe in that so I bought a guitar for her. Kaya naman kapag tapos na kaming gumawa ng orders, hinahayaan ko siyang mag-practice. Sinusubukan ko rin minsan at hindi naman pala ganoon kahirap ang mga basic chords. Masakit lang talaga sa daliri pero masasanay naman siguro.

"Asia, tara dito. Live tayo!"

"Huh?"

Ngumiti siya nang malawak. Nakaupo siya sa kama niya rito sa kuwarto namin habang 'yong foldable naming mesa ay nasa harapan niya kung saan nakapatong ang kaniyang laptop. Katas ng graham balls, leche flan, at biscoff ice cream 'yan.

"May sinabi sa akin si Ral na may new update sa Heart app. Puwede raw tayong mag-live din dito tulad ng sa Facebook!"

"Oh, tapos? Ano'ng makukuha ko sa live?"

"Pera!"

Napahakbang ako palapit. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"Kita mo, basta pera..."

"Paano kikita ng pera diyan?"

"Hmm... magla-live ka lang. Bahala ka kung ano'ng gusto mong gawin sa live mo. Need ng viewers kasi sila 'yong magbibigay sa 'yo ng heart, sun, o rainbow na siyang puwedeng i-convert into cash." 

Mabilis akong umupo sa tabi niya at humarap sa screen ng laptop. Tinulak niya naman ako sa braso paalis sa kama kaya nagtataka akong pinagmasdan siya.

"Magbihis ka nga muna! Wala ka ngang bra, oh. Kita utongs mo!"

"Bulgar naman ng bibig mo, Eden!" saway ko.

"Gano'n talaga. Vulgarity is the new policy."

Inirapan ko siya at tumayo na lang para magsuot ng itim na shirt. Tuwing papasok o may lakad lang naman ako nagba-bra o sports bra. Kapag sa bahay, mas kumportable nang wala. Hindi naman nakakailang dahil sanay na rin kami ni Eden sa isa't isa.

Pabalik na sana ako sa tabi niya na nagtatali pa ng buhok nang sumabog ang sunod-sunod at malakas na katok sa pinto. 

Nagkatinginan kami ni Eden. "Mas malapit ka sa pinto. Ikaw magbukas!" inunahan niya na ako.

"Ikaw nag-iwan ng bukas ng gate, ano?"

"Luh, 'di ako, ah. Makabintang ka..."

"Ikaw lang ang lumabas sa ating dalawa para bumili ng bigas kanina."

"Buksan mo na lang kaya ang pinto? Ingay, e."

Lumabas na ako ng kuwarto para pagbuksan ang kumakatok na akala mo ay hinahabol ng zombie at kailangan ng mapagtataguan. Hindi makapaghintay? 

Nakakunot ang noo ko sa iritasyon nang buksan ang pinto pero napaatras ako agad nang bumungad sa akin si Ybarra na nangingitim at namamaga ang kaliwang mata. May gasgas din ang pisngi niya at may band-aid sa tulay ng ilong.

His eyes were still the same wicked ones. Umangat ang sulok ng labi niya pero wala akong mabakas na kapilyuhan doon.

"It's nice seeing you again, Zafe."

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon