9

1.1K 41 15
                                    

9


''Hello, Yenyen?! Ito? Naririnig mo na ba ako?!'' sigaw ni Tatay habang kausap ko sa cellphone.

Naglakad ako pa kaliwa sa pag-aakala na mahina ang signal. 'Yon pala, maingay ang background ni Tatay at nage-echo! Para bang may nagsasalita sa mic at ang daming nag-uusap. Hindi ko tuloy alam kung masusundo niya ako o hindi. Para kasing hindi siya namamasada at nasa kalsada, e.

Nakatayo na ako sa waiting area ng city hall at hinihintay na lamang siya. Uwian na kasi at wala ng trabaho sa opisina, nag-uwian na rin sina Ma'am Sheryl kaya't nandito ako, naghihintay na masundo.

''Ayos na, Tatay! Nasaan ka po ba? Nandito na ako sa waiting area!'' sigaw ko rin para mas marinig ako.

''Naku, 'nak! Mag jeep ka na lang muna, ha? May meeting kasi kami sa TODA! Hindi kita masusundo ngayon!'' saglit siyang tumahimik saka muling nagsalita muli. ''Nandito si Mayor, e!''

Napa-awang ang labi ko sa simpleng pag banggit sa salitang 'yon. I don't know if I should be irritated or be glad with the mere mention of his name. His light hearted remark to me last Wednesday was still fresh and I still couldn't get over the fact that he said that in front of Konsehala. Buti na lang, hindi 'yon masyadong big deal sa kanya kaya pinalampas na lang!

''Po? Magtatagal ka ba riyan, 'Tay?!'' sigaw ko. Maingay ulit.

''Hindi naman! Nagtanong-tanong lang kung ayos daw ba ang pamamasada ng TODA at kung hindi ba abala sa amin ang renewal ng prangkisa!'' aniya. ''Oh siya, 'nak, mag-iingat ha? Itago mo 'yang cellphone mo. Babanggitin kita kay Mayor! Sabihin ko riyan ka nagta-trabaho sa city hall!'' Hagikhik niya.

Gustohin ko mang tumutol ay agad na pinatay ni Tatay ang tawag! Napapikit ako at nabahala. Ayokong banggitin ni Tatay 'yon! Hindi naman kailangan at bukod do'n, hindi naman ako ro'n nagta-trabaho! Saka ayokong may alam siya sa buhay ko, 'no! Gustong-gusto ko na nga siyang iwasan, e! Nako! Kapag sinabi pa ni Tatay na anak niya 'ko, baka sabihin pa ni Mayor Hassen na tinawag ko siyang pangit at... mag kaibigan kami, tulad ng sabi niya. E', hindi naman alam nina Tatay na nagka-usap na kami ni Mayor Hassen.

Umuwi na lang ako tulad ng sabi niya. Nag jeep ako. Ang hirap sumakay dahil uwian na ng lahat ng mga nasa opisina. Buti na lang, agad akong nakasakay at nakarating sa bahay.

"Ate! Pasalubong?!"

Hinubad ko ang sapatos ko saka nilagpasan si Kwinie. Umupo ako sa maliit naming sofa saka sumandal. Pagod ako sa araw na 'to dahil sumama ako kina Konsehala para bisitahin ang SCA ng isang barangay malapit sa palengke. Nag consult kasi kami roon ng mga gamot na kailangan nila, at kung ano bang karaniwang sakit ang mayroon sila.

Nakakapagod pero hindi ko ikakailang masarap sa pakiramdam ang trabaho ko. Kung 'yon ang trabaho araw-araw, ayos lang. Kahit pagod, basta nagse-serbisyo, masaya ako.

"Asan si Nanay?" tanong ko kay Kwinie.

"Nasa palengke pa, e. Luto ka naman! Pag-uwi ko kanina isang piraso na lang ng galunggong ang nasa mesa, e! Gutom na 'ko!"

"Arte mo. Wala kang kamay?" Sinipatan ko siya habang nakasandal pa rin ako sa sofa.

Nag puppy eyes siya saka lumapit at niyakap ang braso ko. "Sige na, please! May galunggong pa sa ref. Prito mo na lang Ate, please!"

Suminghal ako at punayag na. Syempre, ano pa nga ba ang magagawa ko?

Umakyat muna kami sa kwarto namin ni Kwinie para magbihis. Hindi naman gano'n kalakihan, double deck 'yon kaya kahit papaano, may sariling space pa rin. Ako sa baba, siya sa taas. Hassle lang talagang magkaroon ng kasama sa kwarto lalo na para sa akin.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now