Chapter One-Hundred Eight: The Quest

2.1K 207 211
                                    

-chapter one-hundred-eight-

FINN

"Gavin? Saan pupunta?"

Nakatitig lang ako sa likod ng ulo niya. Bigla na lang kasi niya akong hinatak mula doon sa may cottage kanina. Hindi man lang ako nakapagpaalam kina Eura.

"I just saw something amazing, Finn!" he exclaimed, glancing at me with a bright smile. "Paniguradong magugustuhan mo siya!"

Kumunot ang noo ko. This reminds me of a seven-year old Gavin who was excited to show off his new toy car that was washed by the waves a few days later. Ilang araw din kaming tumambay sa tabing-dagat no'n para lang lamayan ang laruan na nawala.

I wonder what Gavin saw in the past city and how strong he is for having the same, bright smile.

"Tingnan mo." manghang sabi niya bago tumabi.

And I couldn't blame Gavin for falling in love with the place. Nasa may itaas na kami ng hill malapit sa mas malaking bahay-kubo. Sa harap nito ay isang fountain na may sculpture ng anghel at mula sa kamay niya ay lumalabas ang tubig. Water lilies and flowers floated in the stream of water. Malapit ito sa cliff kung saan may malaking sakura tree at bawat bulong ng hangin ay isinasayaw ang mga bulaklak nito. Beyond the cliff is the sparkling ocean that was further accentuated by the high sun.

"Nakita ko lang 'to kanina habang nagiikot-ikot." paliwanag niya at umupo sa bench na nasa ilalim ng kahoy. Tinapik niya ito saka lumingon sa'kin.

I accepted his invite and sat down. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinatanaw ang dagat. Dahil lumaki na rin ako na katabi ito, mas nami-miss ko tuloy ang bahay at ang dating buhay. Ano kaya ang nangyayari kay Tita ngayon? Are they still worried about us? Or have they proclaimed us dead? Ilang linggo na ba kaming nawala o naabutan na nga ba kami ng buwan?

"Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Tita at Tito ang nangyari kina Ree. Sa tingin mo, mapapatawad kaya nila tayo? Hindi man lang natin naprotektahan 'yong dalawa." inihilamos niya ang palad sa mukha. "Nakakatakot pa naman si Tita Rea. Baka bigla niyang bawiin ang supply ng soda sa bahay!"

I'm worried about that too... A parent's loss should never be underestimated. Nalaman ko na 'yon nang mangyari ang kay Kuya Gab.

"Do you think... they will forgive us?" mahinang tanong ko.

Matagal bago siya nakasagot. But this time, he was already staring at me with a soft smile. Like everytime he stays with me during my parent's death anniversary, sharing the silence with me and later on asking me what I want to eat.

"Matatagalan man, pero mangyayari din 'yon. O uuwi ang prinsesa ng Villamor at papagalitan sila ng personal."

"Mas maganda. Kasi uuwi si Ree."

"Pero spirit niya na 'yon, Finn! Multo na!"

"Uuwi pa rin..."

Gavin paled. "Kung bababa si Ree, bababa din si Baste. Ayoko siyang maging multo ko, 'no! Baka pahirapan niya lang ako."

"'Pag ikaw multo, papahirapan mo din si Baste."

"Walang laglagan, Finley! Hindi kaya kita nilaglag!"

I turned to him, this time surprised. "Didn't do anything wrong para ilaglag mo ako!"

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon