Chapter 7: Don't touch her

38.8K 1.6K 348
                                    

Chapter 7: Don't touch her

Sakura's Point of View

"Hindi mo talaga natatandaan, West? Siya iyong stalker mo," napapailing na wika ng pinsan ni Russell. "Yung lagi nagpapadala ng love letter, cookies sa locker mo at sa─"

Tinignan ko nang masama ang lalaking ito kaya itinikom niya ang kanyang bibig. Itinaas niya pa ang kanyang dalawang kamay bilang pagsuko.

Sa totoo lang, napahiya ako sa nalaman ko. Maghabol daw ba ng lalaki?

Ang tanga mo, Sakura! Ganoon ka ba kadesperada? At bakit sa impakto pa?

Inilibot ko ang aking paningin sa lahat na tila hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig.

Nang nagtama ang aming mga mata ni West ay naiinis ako na mabasa ang pagka amuse niya.

"So you're in love with me?" nanunuksong wika niya. "Kaya pala ganoon na lamang ang panggigigil mo sa labi ko."

I smirked. "Libre mangarap, Kanluran!"

Gumuhit sa kanyang labi ang isang ngiti na kinakaba ko. Fuck! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa manyakis na ito? Nakakainis! Kasalanan ito ni Kanluran!

Sa inis ko ay inirapan ko siya at tinalikuran.

"Saan ka pupunta, Sakura?" tanong ni West. "Hindi pa tayo tapos."

"Wala kang pakialam!" inis na bulyaw ko sa kanya at itinaas ko ang middle finger ko sa kanya.

Nakarinig na lamang ako ng malakas na tawa mula sa kanya.

Hindi na ako lumingon pa ulit dahil pakiramdam ko ay magkaka heart attack ako sa kanya.

Nang dumaan ako kay Tara ay hinawakan niya ang braso at bumulong.

"You kissed him?" nanggagalaiting wika niya.

"So?" nakataas na kilay na sabi ko.

Mariin niyang hinawakan ang braso ko. "Ang kapal ng mukha mo! Humanda ka school tomorrow, Sakura," mariing wika niya. "I won't forgive you!"

Pinalis ko ang kanyang kamay sa braso ko. "Huwag na huwag mo akong hawakan!"

Nanlalaki ang kanyang mga mata na tumigin siya sa akin. Akmang sasampalin niya ako pero agad ko nadepensahan iyon. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

"Hinding-hindi na mauulit ang pambubully niyo sa katawan na ito," nanlilisik sa galit na wika ko. "Pare-pareho tayong magkita sa impiyerno!" at marahas ko siyang tinulak na muntik na niyang ikatumba. Kasamaang palad ay nasalo siya ng Kuya niya na titig na titig sa akin.

"Karol! Russell! Let's go! Ayaw ko sayangin ang oras ko sa kanila!" inis na inis na wika ko habang nagmamartsa palabas ng building. "Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa mga stupid na ideas niyo!"

"Sakura..." tawag sa akin ni Karol.

"Tang ina naman Karol─" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pagharap ko ay si West ang bumungad sa akin. "What?!" malakas na bulyaw ko sa mukha niya.

"May kasalanan ka pa sa akin," sabay turo niya sa labi niya.

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Bakit? Nag enjoy ka naman sa halik ko, 'di ba? Magpasalamat ka nga at nahalikan mo ang isang tulad ko."

Napasinghap si Tara sa kanyang narinig.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni West sa braso ko. Bigla akong naintimidate sa paraan na pagkakatitig niya sa akin. "Hindi ko gusto ang pagsagot mo sa akin, Sakura. Walang tao ang gumagawa sa akin nito," mahinang sambit niya pero bawat salita na binibigkas niya ay may diin iyon.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon