Chapter 28

338K 16K 12.8K
                                    


But I never expected it to be this hard.

"Hindi ka p'wedeng umalis," madiing sabi ni Tita. "Hindi mo ba nakikitang marami pang trabaho rito?! Ano? Iaasa mo sa ibang katulong porke't alam nilang kasintahan mo ang anak ko?"

"H-Hindi naman po sa gano'n—"

She glared at me. "Tatlong linggo ka pa lang dito tapos gusto mo na agad maglakwatsa?"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kong pagpapaliwanag sa kanya. Nagsabi na ako kay Kobe tungkol dito kahapon at pinayagan niya ako. Binigyan niya pa ako ng pera panggastos. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong paalisin ni Tita.

Still, I tried to talk to her out of it.

"G-Graduation po kasi ng mga kaibigan ko, Tita..." nanginig ang boses ko. I couldn't miss that opportunity. Miss ko na ang mga kaibigan ko at gustong-gusto ko silang makitang mag-martsa. Ate Kat went home for that, too. Hindi puwedeng hindi ako pumunta.

Tita Penelope chuckled sarcastically. Doon ay unti-unting namatay ang pag-asa sa puso ko.

"You have friends?" she asked, amused by my reason. "You want me to believe that?"

Hindi ako nakasagot. Nasa paligid lang ang mga katulong at pansin ko ang pagbubulungan nila habang nakatingin sa amin ni Tita. Maybe they were wondering why I wasn't telling Kobe anything. Sa ilang linggong nagdaan ay isang beses lang akong kumain, at kapag kumpleto ang pamilya ay nagdadahilan ako para hindi makasabay sa kanila. Araw-araw, pagkaalis ni Kobe, mop na agad ang hawak ko. No questions asked.

I was doing everything to please her... itong graduation lang nina Mill at Mari ang hiling ko.

Muli siyang tumawa. "Okay, you can go after you finish cleaning the entire place."

Umiling ako at napayuko. "Hindi po ako aabot, Tita. N-Ngayon po kasi 'yong ceremony..."

"Makes me wonder... how are you planning to go there?"

Dinaga ang dibdib ko sa tanong niya. Hindi ko alam, pero lahat ng sinasabi niya sa akin ay puno ng poot at panunumbat. Palamunin nila ako kaya alam kong wala akong karapatang magreklamo. Isa pa ay ina siya ni Kobe. Hindi matutuwa ang lalaki kapag nalaman niyang hindi maganda ang relasyon namin.

"Susunduin po ako ni Kuya Enzo," mahinang sagot ko.

"Goodness!" she hissed. "At hahayaan mo si Kobe na mag-drive mag-isa pauwi?! Hindi mo ba kayang mag-commute?!"

I felt my knees shake a bit. "H-Hindi na po ako pinapayagan ni Kobe mag-commute simula no'ng nabalita kami, T-Tita."

"Pero pupunta ka sa graduation kung saan makikita ka ng lahat? Tanga ka ba?" inis na inis na saad niya.

Nag-angat ako tingin sa kanya at sumalubong sa akin ang nanlilisik niyang mata. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago bumalik ang tingin sa mukha ko. Her eyes were full of hatred and her lips were in a grim line.

"How come I didn't notice it?" natatawang sabi niya sa sarili. "Girls like you, who seem so innocent, always have a scheme up their sleeves." She grinned. "Like someone I know."

I gulped. Hindi ko alam ang gusto niyang iparating, pero ang paraan niya ng pagsasabi noon ay punong-puno ng pandidiri.

"P-Please, Tita. Ang tagal ko na pong hindi nakikita ang mga kaibigan ko at nangako po ako sa kanila na pupunta ako," pagmamakaawa ko. "W-Wala rin po silang pamilya... kami-kami na lang po ang magkakasama sa mga ganitong celebration. P-Payagan n'yo na po ako."

Tears pooled in my eyes. Gustong-gusto kong pumunta kahit alam kong marumi ang pangalan ko sa mga tao. Mari and Mill spent their lives protecting me. Hindi ko maatim na wala ako sa espesyal na araw nila. I want to tell them how proud I am to see them graduate, despite our cruel pasts. I just want to be there with them... dahil noong ako ang nangangailangan ng kaibigan, hindi nila ako iniwan.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon