Kabanata 3

21.4K 465 53
                                    

KABANATA 3 :: SPLASH

"Anak, aalis ka ba talaga?"

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo.

Ang kulubot na balat ng matandang nagpalaki sa akin ay kababakasan ng lungkot. Kanina pa siya umiiyak at nakikiusap na manatili na lamang ako dahil huhupa din ang galit ni mama pero palagay ko ay mali siya.

Nang iwanan nila akong nakaligmok sa sala ay ipinakandado niya ang aking silid para siguraduhing wala talaga akong madadalang kahit na ano.

Ang damit nga na suot ko ay isang maliit na bestidang bulaklakin ng asawa ni Berto. Pinahiram ako dahil gown at heels pa din ang aking suot.

"Ayos lang ako Nana, sa Maynila po muna ako habang galit pa ang mama."

"Bukas ang bahay namin para sayo, anak. Kumatok ka lamang."

Nginitian ko ng tipid ang matanda ngunit ng kabigin ako para sa isang yakap ay hindi ko mapigilang humagulgol sa kanyang balikat.

Mali ako nung inisip kong walang kapamilyang nagmamahal sa akin dahil simula pagkabata, si Nana ang kakampi ko. Palagi siyang nakahanadang saluhin ako at gumawa ng paraan para hindi ako malungkot.

Wala akong problema na manatili sa kanila dahil sa totoo lamang ay hindi ko alam kung saan pupunta pero masyado iyong maliit para sa pamilya nila. Si Berto at ang asawa nito ay nandoon. Bagaman at walang anak ay may limang bata sa bahay, apo ni Nana Maring sa mga kamag-anak nito.

Sadyang mabait si Nana, kahit nga akong hindi kadugo ay hindi itinuring na iba.

"Tandaan mong may babalikan ka palagi rito sa Baguio ha?"

"Opo Nana, mahal na mahal kita."

"Mahal din kita Vanilla Leticia..."

Sa unang pagkakataon ay napangiti ako nang banggitin iyon.

Vanilla Leticia... Ang pangalan ko. Akin. Hindi kay Mocha. Hindi kay mama. Akin. Ako yun. At matapang si Vanna. Kaya ko ito.

"Nana Maring, sumunod ka sa library," bumaling si mama sa akin gamit ang matang hindi kakikitaan ng amor "Isara mo ang pintuan kung aalis ka na."

Habang papalayo si mama, kasunod si Nana Maring na panay ang lingon sa akin ay pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko.

Ilang minuto pa akong nakatayo sa sala bago nagpasayang umalis tanging bitbit lamang ang aking cellphone at wallet.

"Vanna!"

Napatigil ako sa paghakbang at nilingon si Mocha na umiindayog ang balakang sa bawat halbang papalapit sa akin.

Ang kapatid na noon ay hinahangaan ko dahil sa ganda at talino, ngayon ay nakikita ko bilang isang demonyo.

"Ibabalita ko lang sayo na ako na ang papakasalan ni Atticus dahil sa kahihiyang ginawa mo. Oh well.... Hindi ka naman mahirap palitan, parang mas lamang pa nga ako sayo kahit saang banda tingnan. Ilang mga events lang at makakalimutan nilang lahat na may nag exist na Vanna sa buhay ni Atticus."

Nabuhay na naman ang galit sa aking dibdib pero mas kontrolado ko na sapagkat nandito ako sa pamamahay nila. Siguradong ipapatapon ako palabas ni mama kapag sinaktan ko ang paborito niya.

"Bakit mo ito ginagawa?"

Inisang hakbang niyang distansya namin.

"Simple. Ayoko..." dinuro niya nang madiin ang aking sentido "Sayo."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon