💦 Episode 28💦

20.6K 599 7
                                    


Ewan ko ba ba’t tuwang-tuwa ako kapag naiinis siya sakin. Pero kapag ako naman ang inaasar niya ay gusto ko na siyang awayin kaagad.

“Now what? Sino ang pikon sa atin ngayon, huh?”

“Talaga? Umuwi ka sa inyo ngayon mismo ha? Ayaw kitang makasama!”

“Tsk. Just kidding baby One. Fine, fine titigil na, come here do you want this? Say uh” napairap ako sa kanya nang sinubuan noya ako ng graham cake, nag-ala picnic kasi kami dito dahil ito naman ang kadalasang ginagawa ng mga bumibisitang pamilya dito.

“Mama, look ang layo na ng mga balloons” napatango ako sa kaniya atsaka pinunasan ang pawis niya sa mukha at likod.

“Ang bilis mo naman tumakbo, iniwan mo si Uncle huh?” singit ni Trez atsaka umupo sa tabi ni Rose na nakaupo sa gilid ng puno.

“Doon ka nga! Maraming bakante kahit gumulong kapa sa damuhan!”

“Oa mo, mainit doon dito hindi. Don’t worry hindi ako pumapatol sa tomboy may asawa na ako” sabay ngisi niya na siyang kinainis ng mukhang ni Rose.

Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa kakulitan ni Trez. Ewan ko lang kung hanggang saan aabot ‘yang bangayan nilang dalawa. Baka magugulat nalang ako buntis na si Rose.

Para-paraan namang yumakap si Tauruz sakin habang nakaupo siya sa likod ko, medyo malaki ang destansya nila sa amin dahil nandoon sila malapit sa isang puno.

“Anak, ako na magbubukas akin na”

“Thanks mama. I love you po”

“I love you too Taraz” napakasweet niya talaga kaya hinila ko siya at niyakap din. Bigla nalang naglabas ng phone si Ruz and he took a picture for us. Maya-maya ay umalis din si Raz at pumunta sa uncle Trez niya at auntie Rose na walang tigil kakabangayan sa isa’t-isa.

“In a flash, your friend will suddenly get pregnant because of their dog and cat fight”

Napalingon ako sa kaniya at napatingala.

“Nag-aaway na nga mabubuntis pa? You know what hubby, Trez and you are different. Hindi naman siguro nangrirape ‘yang si Trez kahit magkagalit sila. Unlike you”

Napatitig siya sakin at napakunot ang noo.

“You! Kanina ka pa, nanggigigil na ako sayo wife, it’s like I want to undress you and make love with you right now!”

Napabungisngis ako nang hinigpitan niya ang pagyakap niya sakin atsaka hinalikan yung likod ng leeg ko.

“Stop it! Mahiya ka nga nakatingin sila dito, atsaka ang anak mo Tauruz may mga tao din doon oh!”

“I don’t care! Come here, I want to taste your lips wife, inggitin natin sila”

Napahalakhak ako sa sinabi niya parang sira lang eh.

“Just kidding, I love you” bulong niya sakin at nakikiliti ako sa ginagawa niya and at the same time, kinikilig ako at hindi matutumbasan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

This naughty guy makes me feel happy.

“I said I love you wife”

“I love you too hubby.”
Nagtagal pa kami ng ilang sandali at nagpasyang umalis na dahil pupunta daw kami ng mall after.

Napatawa ako kay Tauruz nang inaya niya akong mamili ng mga baby stuffed. Masyado pang maaga, seven weeks palang ang tiyan ko pero mas okay narin ‘yon.
Iniwan muna namin si Raz kina Rose at Trez para matigil na ang pag-aaway nilang dalawa. Naglalaro sila sa quantum nang umalis kami.

Dumeretso kami sa babies section, napangiti ako nang makita ko si Tauruz na tinititigan ang mga nakahilirang baby crib.

“Wife, where do you think here is beautiful? Eto diba?”

“Huwag na muna ‘yan, atsaka hindi pa natin alam kung ano ang gender. Look oh, hello kitty yung design”

“Why? Eh sa gusto ko babae eh. Kung hindi pilitin natin” hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi niya dahil ang sagwa niya magtagalog. Ewan ko ba kung ba’t napakaslang niya magsalita, at napangisi din siya habang inaakbayan ako.

“Umayos kanga, doon nalang tayo sa mga new born clothes I’m sure maraming unisex doon”

Naghanap kami ng mga damit at ibang equipment for babies, yung maliliit lang para hindi kami mahirapan. Atsaka pwede naman kami mamili ulit sa susunod.

“Is that all wife? “ nagtatakang tanong niya sakin.

“Sa susunod na yung iba, masyado ka namang excited eh”

“Tsk! It is better to complete everything than to be late, am I right?”

“Ewan ko sayo! Pwede naman tayo mag-order online mahirapan tayo kapag dinagdagan mo pa ‘yan”

Napatango siya sakin atsaka hinawakan ako sa kamay.

“You don’t have to worry, kukuha naman tayo ng assistant dito para maghatid sa sasakyan”

“Oo, pero bumalik na muna tayo doon kay Raz”

“Oh right, uuwi na ba tayo agad?”

“Oo, pero may dadaanan pa ako sa bookstore saglit lang”

Napatango siya sakin habang naglalakad kami pabalik.

“What will you buy there?”

“Color pencils at ibang mga gamit ni Raz para sa projects niya”

“Okay, let me do it for our son wife” napangiti ako sa kaniya nang pinisil niya ang kamay ko.

Pumasok kami sa bookstore nang makarating kami, ako na ang naghanap ng color pencils at siya naman sa iba pang kakailanganin.

Napalingon ako pero hindi ko na siya nakita, naglakad ako habang hinahanap siya ngunit saktong pagliko ko ay may nakabangga sakin kaya nahulog ang bitbit kong box na naglalaman ng color pencils.

Hindi na ako yumuko nang pinulot niya ito.

“Here___Yssa?” napatingin ako sa kaniya. It was Sandro, anong ginagawa niya dito?

“Thank you” ngumiti siya sakin nang inabot ko sa kaniya ang box.

“What are you doing here? Are you alone? Kaya pala hindi na kita nakita sa school nagleave ka raw?”

“Oo, anyway una na ako”

“Wait!” Sabay pigil niya sa braso ko, napalingon ako sa kaniya at nakatitig lamang siya sakin.

Nagulat nalang ako nang bigla nalang may tumulak sa kaniya. It was Tauruz and he’s glaring at him while keeping me away from Sandro.

“Don’t touched her will you?”

“Oh bro, such a rude naman. I just want to give this to her” sabay abot niya ng panyo kong nahulog din pala kanina sa sahig hindi ko lang yata napansin.

“Makatulak ka sakin parang hindi tayo magkaibigan.” Parang walang malisya na sabi niya. Tiningnan lang siya ni Tauruz ng masama.

“Really, huh? A friend? Anyways, what are you doing here? Are you following her?”

Hindi siya nakasagot at basta nalang napatawa.

“Of course not, it’s a coincidence grabe ka naman mag-isip” natigilan lang siya nang tumunog ang phone niya, napatingin siya samin at nag-excuse atsaka naglakad papalayo.

“Tsk! Let’s go, don’t mind that bastard!” nakakunot noo niyang sabi at hinila niya na ako papuntang counter.

Pagkatapos naming mabayaran lahat ay lumabas na kami at muli kaming naglakad at parang nanindig ang balahibo ko nang muli kong nakita si Sandro na nakatitig sa amin. Or should I say sa akin at nakapuwesto siya sa hindi kalayuan. Nilingon ko siya ulit ngunit nawala nalang siya bigla.

Baka namamalik mata lang ako. Hinigit ako ni Ruz papuntang elevator pero ayoko.

“Why?” Biglang tanong niya sakin.

“Mag escalator nalang tayo, tingnan mo ang daming tao”

“It’s gone soon. Let’s wait first wife”

“Ayoko, hali kana mag escalator na tayo” hinila ko siya at wala siyang magawa kundi sumunod sakin.

Habang nakasakay kami sa escalator ay nagtataka ako bakit parang may kaguluhan sa baba. May iilang mga tao na nagtataka rin, pero nagulat nalang ako nang makita ko si Trez na tumatakbo habang hinahabol ang isang lalaki na may bitbit na bata.

“H-Hubby si Trez ‘yon diba?” pero ganon nalang ang kabang naramdaman ko nang maalala ang suot ni Raz na damit. No! Si Raz ‘yon.

“Diyos ko! Tauruz si Taraz!”

“Damn!” Agad akong nataranta nang dumaan siya bigla sa handrail ng escalator at tila ginawa niya itong swing dahil maraming tao ang nasa unahan namin.

Ang lakas ng pagtahip ng dibdib ko nang mabilis siyang nakalanding sa baba at hinabol din ang lalaki na siyang tumangay sa anak namin. Diyos ko! Huwag naman ganito!

“P-Please excuse me! Please!”

Muntik na akong madapa kakatakbo ng escalator at parang nahihilo pa ako. Sinundan ko kung saan sila tumakbo at may nakita akong mga security guards na tumatakbo rin papunta sa dinaanan nila kanina. Umiiyak na ako at nangangatog ang mga tuhod ko.

“Yssa! God, nasaan na si R-Raz? Yssa!” Napalingon ako at nakita ko si Rose na punong-puno ng kaba ang mukha ngunit mas matindi ang kabang nararamdaman ko ngayon.

“Hali ka na, baka nandoon sila”

“A-Ano ba nangyari Rose?” umiiyak kong tanong habang nagmamadali kami sa paglakad at takbo.

“I’m really sorry, nasa labas kasi ako nakabantay and biglang may tumawag kay Trez and then sakto naman nang bigla ko nalang nakita na may tumangay sa kaniya, I’m really sorry”

Pero ganoon nalang ang pagmamadali ko nang makita sila, naabutan nila yung tumangay sa anak ko. Sinuntok ni Tauruz ang lalaki atsaka ito binalibag.

Nagsidatingan din ang nga security guards at pinosasan siya. Agad kong niyakap ang anak kong umiiyak na. Napahikbi ako dahil hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa kaniya, hindi ko kakayanin.

“Damn you! What do you want, huh?” Inawat na siya ng mga guards dahil kwenilyuhan niya ito .

“S-Sir! Sir inutusan lang po ako!”

“Then who?! Tell me!”

“Sir, sa presinto nalang natin ito isettle, nandiyan na ang mga pulis sa labas”

Diyos ko! Sino naman ang walang puso ang gagawa nito? Bakit nila kukunin ang anak ko?

SBTBS > jayewel

PLEASE FOLLOW MY FB PAGE FOR MORE REELS TO WATCH: JAYEWEL'S NOVEL
THANKS IN ADVANCE!

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon