Chapter Seven

20.9K 355 62
                                    

I can't focus on what I am currently doing. Gumuguhit ako ng gowns ngayon pero hindi ko mapiga ang utak ko, dehydrated din yata kaya kailangan ko ng tubig.

Gusto ko rin ng sariwang hangin pero masyadong mainit ngayon kahit bukas ang bintana ko.

Sa huli, napagpasiyahan ko na lang bumaba. hindi ko alam kung mag-isa lang ba ako rito dahil palaging tahimik.

Nagulat ako nang matanaw ko sa baba si Cai, kahit nakatalikod siya sa gawi ko ay kilala ko na siya likod pa lang. Katulad ng dati, tutok na tutok at abala siya sa laptop niya.

Kulang na nga lang gawin niyang girlfriend 'yon, e.

Sinadya kong ingayan ang pagbaba ko dahilan para mapatingin siya sa akin. Akala ko babawalan niya ako pero binalik niya lang din ang tingin niya sa screen ng laptop niya.

Isnabero.

Tumuloy na lang ako sa kusina at uminom ng tubig, kumuha pa ako ng isang baso saka sinalinan at dinala kay Cai.

"Have you eaten?" I asked.

He just shook his head. I shrugged and sat on the sofa in front of him. I crossed my legs. Tumaas nang kaunti ang slip dress na suot ko ngunit hindi na ako nag-abala na ibaba pa.

Hindi ko inaakit si Cai... hindi talaga.

Pinatong ko ang sketch book ko sa hita ko saka ko tinuloy ang ginagawa ko kanina. Himala na may nasimulan na ako ngayon, dahil yata sa taong nasa harap ko.

Naramdaman kong sumulyap siya sa akin pero hindi ko pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko at nang mangawit ako, nilapag ko muna ang ginagawa ko sa gilid at tinanggal sa pagkakasalikop ang mga hita.

Tinaas ko ang mga braso ko at nag-inat. Muli na naman siyang tumingin sa akin at biglang bumaba ang paningin niya.

He then sighed and looked away.

"Shut your legs! I don't want to see your red panty."

My eyes went wide open when I realized what he said. Agad kong sinara ang mga hita ko.

"It's not a panty. It's a ling-"

"Damn." He stood up and turned his back. "Don't say it."

Nagsimula siyang maglakad at pumunta na lang sa kusina. Sumulpot bigla ang kapatid niyang si Zai na pinanonood ang Kuya niya.

"You make everything hard..." he trailed off and looked at me. "For him," he then said.

Nagsalubong ang kilay ko at natawa nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin, magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.

"What I mean is... you're distracting him. He can't focus on his work," he said.

"I'm not distracting him, Zai. I'm just doing my work here. It's not my fault if he keeps on looking at me," I said through a smile. "Well... who wouldn't, right? If I'm the girl in front of you, you will surely drool."

He winced. "If I am the guy, I will cover your mouth," he said and followed his brother.

Ngumuso ako, kahit kailan talaga ay ang sungit ng taong 'yon. Tinuloy ko na lang ginagawa ko saka tinapos.

Nang ma-bore ako ay naisipan kong tawagan si Raya, balak ko kasing kaibiganin kasi plastik ako. Ay, mali. Friendly ako.

Matatapos na ang ring, doon niya pa lang sinagot.

"Hello," aniya mula sa kabilang linya.

'Yon pa lang sinasabi niya pero parang nakakatakot na dahil sa boses niya. Hindi 'yon gaanong boses pambabae.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon