Chapter Ten

20.9K 336 20
                                    

Masama ang loob ko kanina pa. Pakiramdam ko nasayang 'yong effort ko kaninang umaga. Dapat pala kasi sinabihan ko si Cai na ipagluluto ko siya ng almusal.

Ang labo naman kasi ng taong 'yon. Na-sense niya pa yata na may gagawin ako kaya maaga siyang umalis. Tsk.

'Di kaya excited siyang makita 'yong secretary niyang kurimaw?

Hindi pwede, baka sakalin ko silang parehas sa paa para 'di sila makakain.

"May galit ka ba sa tela, Mamsh?" tanong ni Jil, ang bago kong sister at fashion designer din katulad ko.

Hindi ko na napansin na gigil na gigil na pala ako sa paggupit no'ng tela kaya napansin niya na ako.

Napairap na lang ako sa hangin saka inabot sa kaniya 'yong gunting. "Ikaw na nga magtuloy! Baka 'di ako makapagpigil at ma-torture ko talaga ang tela."

Natawa siya. "Ano ba kasing problema? Kanina ka pa nakabusangot d'yan. Natatakot tuloy sila lumapit sa iyo para magtanong kasi baka saksakin mo sila ng gunting o 'di naman kaya'y tusukin mo ng karayom."

Pumameywang ako. "Eh, kasi naman! 'Yong boyfriend ko pinagluto ko ng almusal tapos malalaman ko pumasok na pala sa trabaho."

May dagdag na sa kwento ko, 'di ko pa naman siya boyfriend pero doon din punta no'n.

Napakaarte.

"Maybe he's not aware that you're going to cook for him," he said. "Puntahan mo na lang ngayon at dalahan ng lunch."

I snapped my fingers because of his suggestion. That's a good idea. Kapag pumunta ako roon para dalhan siya ng pagkain, dagdag points na 'yon tapos mache-check ko pa kung umaaligid 'yong secretary niya.

My smile faded when I realized something. "But I want to bring him a meal that I'm the one who cooked."

Jil rolled his eyes. "Ano ka ba, Mamsh? Maintindihan niya naman siguro kung hindi ikaw 'yong nagluto. Effort pa rin naman kung pupunta ka roon para pagdalhan siya ng pagkain."

"Sabagay," sabi ko. "Sige, alis muna ako. Malapit nang mag-lunch. Ikaw na muna bahala sa kanila. Mag-lunch na kayo maya-maya. 'Di ako makakasabay ngayon. Bebe time."

Hinampas niya ako sa braso. "Sana talaga lahat may bebe."

"Ewan ko sa 'yo, Jil. Mamili ka ng lalaking 'di ka peperahan," seryoso kong sabi saka umalis na.

Ngiting-ngiti ako habang nagda-drive. I wonder if he eats something that came from fast food chains? Pagkain pa rin naman 'yon. 'Yon nga lang, masyadong maarte si Cairus.

Wala na akong choice kundi huminto sa isang drivethru dahil iyon na ang pinakamalapit. Um-order ako ng dalawang meal and drinks, sapat na para sa aming dalawa. Alangan namang makisali pa si Lheen, hindi naman siya kasali sa relasyon namin.

Nang makuha ang order ay mabilis na akong nag-drive papunta sa company nila. Just like the first time, they welcomed me with a warm smile.

They didn't ask why I'm here, Tita Meryll probably said to them who I am. Not that I'm someone important but my parents are one of the stockholders.

Sumakay ako sa elevator at nagtungo sa pinakahuling floor. Tahimik nang makarating ako, nang katukin ko ang office niya ay walang sumasagot.

"He's in a meeting," Lheen said behind my back.

Her heels clicking on the floor isn't satisfying to hear. It irritates me, the main reason is because it's her. Ewan ko, wala naman siyang ginagawa pero naiirita ako.

I faced her and raised my left eyebrow. "Then why are you here? He needs you there."

"I'm going to get something in his office," she replied. "Mamaya pa matatapos ang meeting niya, kung gusto mo maghintay, edi manigas ka riyan."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon