Chapter 29

11.6K 723 48
                                    

Pinanood ko lang si North na tinuyo ang mukha matapos maghilamos. Kami lang ang nandito sa cr ngayon. She stared at me from the mirror and gave me a soft smile. Ibinalik ko naman iyon sa kanya ng isang ngiti rin.

Naglakad siya palapit sa akin at muling yumakap. Kusa ko na lang inabot ang kanyang noo para kintalan ng magaan na halik iyon matapos humiwalay ng bahagya sa kanya. "Are you okay now?"

"A little bit," medyo paos ang boses na sagot niya.

I held her hand and gave a few kisses on it. "Labas muna tayo?"

Tumango siya bilang sagot. Para siyang bata ngayon, na para bang kahit ano yatang sabihin ko ay papayag ito. It's the first time I saw her this vulnerable. Kahit sino naman siguro ay magiging ganito, baka kahit ako kung may mangyaring hindi maganda sa isa sa mga kapatid ko.

I just feel glad na she's giving me the chance to comfort her at this dark times. Gusto ko lang maging okay siya palagi, kahit wala akong magawa masyado. Basta nandito lang ako.

Binalikan namin yung kambal na tahimik lang na nakaupo, parehas mga mugto rin ang mata. Nakasarado yung room ni South. Napatingin sila sa amin. East, just like her sister, gave a warm smile. She's just like that, a very pleasant soul.

"You're here din pala," sabi niya. "Hindi kita napansin, Girly."

Pinigilan kong huwag mapangiwi sa nickname na ginamit niya at nginitian na lang siya. "Okay lang ba kayo?"

"Okay lang kami," Umakbay pa siya kay West na tahimik lang ding nakamasid sa amin.

"Lalabas lang kami ni Gail, okay lang ba?" North asked. Hindi pa nga siya tapos magsalita ay tumatango na kaagad yung kambal. "You want me to buy something for you two?"

"Pancit canton."

"Ramen."

Natawa si North at ginulo parehas yung buhok ng kambal. "Sige, sandwich na lang."

Ngumuso si East pero hindi naman kumontra. Nagkibit naman ng balikat si West pero tumango rin hindi kalaunan. Ang cute ng dalawang ito. They look really alike but they're so different in some ways.

"Where's Jade pala?" Halos magkasabayan naming tanong ni North.

Umiling si East. "Nandiyan lang iyon si Jadey. Larga na kayo, ingat sa date!"

"It's not a date," Natatawang sabi ni North. Kinurot niya siya pisngi ang kapatid.

"Friendly date?"

"Sure, sure."

Nakakanerbiyos itong si East, parang may laman yung pang-aasar. Hindi pa naman din kasi namin napag-uusapan kailan namin sasabihin sa mga kapatid niya yung about sa amin, I doubt din naman na ito yung perfect time. Ang dami pang kailangan i-prioritize.

"Let's go?" Balewalang inangkla ni North ang braso niya sa akin. Tumango naman ako.

Walang imikan na naglakad kami hanggang makalabas ng ospital. Nang sa tingin ko ay kami na lang dalawa ay muli ko siyang hinawakan sa kamay. She looked at me and chuckled.

"Hindi ka na nahihiya?"

Kahit mainit ang panahon ay naramdaman kong dumoble yata yung init sa mukha ko dahil sa tanong na 'yon. Nahihiya pa rin ako konti, pero lunok-lunok na lang. Girlfriend ko naman na siya, pwede naman na siguro magmatapang ng kaunti.

Also, she's letting me feel like it's okay for me to express. And she's doing the same. We're lovers, after all. Hindi ko mapigilan mapangiti sa thought na 'yon.

Napadpad kami sa malapit na coffeeshop. Lately ay dumarami na rin yung mga coffeeshop sa kahit saang lugar halos. Kung hindi kape and the likes ay milktea naman ang patok at dinadayo. Pagpasok namin sa loob ay pumailanlang yung soft na background song. Hindi ko lang alam kung anong kanta, basta maganda sa pandinig.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon