10

1.2K 41 30
                                    

10


''Do you know why birds fly?''

Muli akong napapikit sa iritasyon nang muli na naman siyang nagsalita. Sinabihan ko na siyang huwag munang magsalita dahil may sinusulat lang ako sa notepad para hindi ko makalimutan pero wala pang isang minuto, dinadaldal niya na naman ako!

''It's because they have feath-''

Padabog kong binagsak ang ballpen sa mesa at mariin siyang tinignan. '''Di ba ang sabi ko, huwag kang maingay?'' Tumaas ang kilay ko. ''Paano ko masusulat 'to kung dumadaldal ka riyan?''

He licked his lips only to give me a grin. ''Can't you multitask?''

''Can't you shut up?'' Umirap ako. ''Kung hindi totoong kulay ng araw, rason kung bakit lumilipad ang ibon ang tinatanong mo! Siraulo ka ba?!''

Malakas siyang humalakhak na mas lalo kong kinairita. ''Why? I'm just curious! I wanna know!''

Umikot ang mga mata ko at inismiran siya. Nasa loob kami ng opisina at totoo nga ang sabi niya na pagkakasyahin namin ang natitirang minuto bago ang uwian. He texted me at exactly 4:25PM, limang minutong mas maaga kumpara sa sinabi niyang oras na free na siya.

Unknown number:

Are you still around the premises? I'm here. You may now visit.

Iyon ang text niya habang patapos na ako sa pag-ayos ng mga inaayos ko kanina bago ako umakyat sa opisina niya. His usage of right punctuations and capitalizations made me smirk. He knows how to type right, huh?

Hindi na ako nagsayang ng oras pa at talagang umakyat na ako sa opisina niya para ipa-check ang revised code. Kaya ito ako ngayon, nagt-take ng notes. Nandito kami sa mesa kung saan kami kumain last time, sa tapat ng bintana. Pinapili niya kung sa office desk o dito ba, kaya dito ang pinili ko para hindi masyadong formal.

Iyon nga lang, masyado yata kaming... dikit? Halos magkatabi na kami, e!

''Huwag mo na 'kong kausapin. Matatapos na 'ko,'' I dismissed him to continue writing.

The sun is already setting as the clouds dim, too. Alam ko nang malapit nang mag-uwian tuwing ganito na ang nakikita ko sa opisina namin sa baba. Dahil doon, binilisan ko nang magsulat. Ayokong paghintayin si Tatay sa baba at baka sumakit na naman ang tuhod no'n. Naku, ang hirap pa naman kasi hindi siya nakakapasada.

''Would you like me t-''

''Isa!''

I glared at him when he talked again. Hindi ako makapag concentrate sa sinusulat ko! Paano ako makakauwi sa tamang oras nito?!

''Galit?'' He acted like he zipped his mouth, looking amused. ''I was about to say my reminders for our next meeting.''

I glared at him longer as I realized that I need to hear what he's got to say. Oo nga pala, siguradong may next meeting na naman kami dahil may revision ulit. Sana lang ay huli na 'yon dahil nakakapagod din na umakyat at baba mula sa opisina ni Konsi papunta sa opisina niya.

''Ano ba 'yon?'' halos bulong ko. Umirap ako at bumalik sa pagsusulat.

''The revised version is already good. Just a little correction then you may pass it for reading in the Sanggunian,'' he said. ''You did great in explaining the revisions, Guevarra.''

Hindi ko pinansin ang compliment niya. ''Iyon lang? So... Itong budget plan lang talaga ang pagtutunan ng pansin? Sa tingin ko naman ay saka na dapat kausapin ang iba't ibang department kapag naipasa na. It would just be a waste of time kapag ngayon na kami nakipag-coordinate, e', isasalang pa lang naman sa Sanggunian.''

The Red Light KissWhere stories live. Discover now