Chapter 37

1.1K 54 54
                                    

Chapter 37

Luvia was throwing tantrums even before I went to school. Iniwan muna namin siya ni Eden kay Tita Maggie kasama si Wacky para mabantayan sa bahay nila. Parang pinipiga ang puso ko nang makita siyang humahagulgol habang hinahanap ang ama.

I told her that we would call Raghnall later but that wasn't enough for her to calm down. Ayaw pa payakap at magba-bye sa akin noong una pero nang lumabas na ako ng gate sa bahay nina Tita Maggie, hinabol at hinanap din ako.

"Uwi Mama kay Wuwu, ha... uwi pa rin po Mama kay Wuwu," ani Lulu sa leeg ko habang humihikbi.

Ang baby ko...

"Opo, baby." Hinagod ko ang likod niya. "Tahan na. Uuwi si Mama kay Lulu. Oh, kiss na po..."

Umalis siya sa pagkakasubsob sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi. Humagikgik ako nang naramdaman ang mabasang halik niya pati na ang luha sa kaniyang pisngi. I kissed back her cheek and brushed the hair off her face.

"Bye bye po, Mama. Wabwab ko po ikaw..."

"Wabwab ka rin ni Mama," sambit ko at muling hinalikan siya sa pisngi.

"Wabwab po. Wabwab..." paulit-ulit niyang sinabi habang ang mga labi ay nasa pisngi ko.

Bumuntonghininga ako nang iwan na siya kay Tita Maggie. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa pamilya ni Eden dahil tanggap at welcome palagi ang anak ko sa kanila. Noong unang mga buwan na ipinagbubuntis ko si Lulu, si Tita Maggie ang isa sa mga magbigay sa akin ng guide, aside from my OB-GYNE.

I was able to produce enough supply of milk for Lulu when I gave birth to her. I had small breasts before, but they grew larger while I was pregnant. Although my doctor said smaller breasts don't affect a woman's ability to breastfeed. May ilang tao lang talaga na kahit ano pa ang size ng dibdib, hindi kayang mag-produce ng milk.

"Paano na 'yan? Nakita ni Ate Izzy si Lulu, e, hindi alam ng pamilya ni Ral na may Lulu kayo," simula ni Eden nang nakapasok ako sa sasakyan namin.

Mamaya pa talaga ang klase niya pero dahil isa lang naman ang sasakyan na meron kami sa bahay, siya na ang nag-adjust sa aming dalawa. Sumabay na siya sa akin para tipid na sa pamasahe. Siya nga lang ang nagda-drive.

"I don't know. Hindi ko pa nakausap si Ral kaya hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kay Ate Izzy after the call. Mag-uusap na lang kami mamaya kapag nagkita sa school."

Sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay. "Ang kalmado mo bigla, ah? Parang kanina, kinakabahan ka pa dahil baka malaman na nga ng pamilya ni Ral ang tungkol kay Lulu."

"Mukha lang akong kalmado pero kinakabahan din ako. But I got to trust Raghnall first before I worry and overthink too much."

She snickered while shaking her head. "Hindi nga tinaguan ng anak ang tatay, tinago naman sa pamilya ng tatay."

"Eden," I called in a warning tone.

"I know, I know! Sinasabi ko lang."

I have three classes for today. Maagang natapos ang unang klase ko kaya kinuha kong pagkakataon iyon para pumunta sa Engineering department building. Hiwalay iyon sa main building kung nasaan ang department ko. Hinanap ko pa talaga 'yong s-in-end niyang sched dahil hindi ko kabisado.

Wala namang uniform sa course na kinuha ko kaya naka-pants at button down blouse lang ako. Kaya naman pag-apak ko pa lang sa building nina Ral, naglingunan agad sa akin ang mga estudyante roon na para bang isa akong alien na dumayo sa Earth. Lahat kasi sila roon ay naka-uniform kahit 'yong mula rin sa ibang course na dumalaw lang din siguro.

Unang beses ko pa lang tumapak dito dahil palaging si Raghnall ang pumupunta sa building namin kung hindi kami sa library o Dagohoy magkikita. Nakalagay sa sched niya ang room nila ngayong oras kaya hindi naman ako nahirapang hanapin iyon.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon