Kabanata 6

20.6K 1K 215
                                    

Kabanata 6

Tuwalya

Simula nang mapatira ng Santa Fe ay nakaugalian ko na rin ang gumising ng maaga at gumawa ng gawaing bahay. Hindi ako inuutusan o inoobliga ni auntie pero bilang kaming dalawa lang naman ang magkasama ay nagkukusa na ako.

Isa pa ay nagugustuhan ko naman ang mga ginagawa ko sa araw-araw, lalo na ang paghahalaman. Palitan rin kami sa tindahan dahil siya ang bahala sa pagluluto at paglalamba. Ako naman sa pagsasampay.

“Isha, ikaw na muna ang bahala sandali sa tindahan dahil kikitain ko ‘yung nag aalok sa akin na magtinda ng bigas. Tapos ka na ba riyan sa pag aayos ng halaman?”

Tumunghay ako matapos alisin ang ilang tuyong dahon sa spider plant. Nilingon ko si auntie at tumango.

“Opo, auntie. Puwede na po kayo lumakad. Tapos na rin naman po ako dito.”

“Sige. Sandali lang naman ako. Sayang kasi kung hindi ko papatusin. Dagdag kita rin ‘yon para sa atin.”

Isang tango lang ang isinagot ko bago ibinalik ang atensyon sa mga halaman. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na ang pagpasok niya sa loob ng bahay habang ako ay naiwang abala sa ginagawa.

Mabuti na lang at wala namang bumibili kaya hindi ko kailangan mahinto sa ginagawa. Nga lang, maputik na naman ang mga kamay ko kahit na kakatapos ko lang maligo.

“Dapat pala ito muna ang ginawa ko bago ako naligo. Mali ka naman, Isha.” naiiling na sabi ko sa sarili.

“Alis na ako, Isha!” sigaw ni auntie.

“Ingat po, auntie.”

Ilang minuto pa akong nagtagal sa bakuran bago ako huminto. Nagkalat na ang basang lupa sa mga kamay ko. Maging sa laylayan ng suot ng t-shirt ay mayroon na rin.

“Maliligo na lang ulit ako,” desisyon ko bago pinasadahan pababa ang sarili. “Pero paano ang tindahan?”

Sa huli, naisip kong isara na lang muna ito habang naliligo dahil wala rin naman gaanong bumibili.

Matapos ‘yon gawin ay pumasok na ako sa main doon. Awtomatikong dumapo ang mga mata ko sa bahay nila Nero.

May ilang araw na rin simula nang huli kaming magkita nang malapitan. Iyon pa ‘yung gabi na bumili ang anak ni Mang Jerry sa akin ng alak. Pagkatapos no’n, bihira ko na lang siya nakikita. Parang abala rin lagi sa pagsasaka.

Aaminin ko na madalas akong tumingin sa gawi ng bahay nila sa tuwing ako ang bantay ng tindahan. Kung makikita ko man siya ay sandali lang. Hindi rin naman siya tumitingin sa gawi ko. Literal na ako lang ang nakakakita sa kaniya.

“Isayaw mo ako... sa gitna ng ulan, mahal ko...” mahinang kanta ko habang nakapikit at ang nilalamukos ang buhok mula sa bumubulang shampoo.

Nagmulat ako ng mga mata at tumungo para buksan ang gripo nang mapansin na wala ng tubig ang timba.

Kumurap kurap ang mga mata ko nang makitang walang lumalabas na tubig mula dito.

“Hala!” mahinang usal ko, nagsisimula nang mataranta.

Binuksan-sara ko ang gripo pero wala talagang tubig na lumalabas. Wala na rin laman ang mga timba at puno pa ng shampoo at sabon ang buonh katawan ko!

“Huy, bakit wala kang tubig? Hindi pa ako tapos maligo!” ungot ko habang tinatapik tapik ang gripo.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nanatili itong tuyo. Nagbabagsakan na ang mga bula mula sa aking ulo pababa sa katawan ko.

“Nariyan na kaya si auntie?” wala sa sariling tanong ko at kinuha ang puting tuwalya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon