8

15.4K 591 163
                                    


"MAY SASAKYAN ka ba?" tanong ni Ivan sa nagmamadaling tono na pumutol sa assessment ng babae sa kanya. Ano mang sandali ay maaaring sumunod palabas ang grupo nina Boying. And who knew what would happen next. Not that he couldn't handle them.


But he didn't need that kind of trouble in his restaurant. Should that happen, police would swarm around his place for the next couple of days. Bukod pa roon, hindi niya gustong makabangga si Boying at ang grupo nito. Natitiyak niyang ipagtatanggol ito ni Konsehal. Kapag nangyari iyon, simula na ng walang-katapusang gulo.


Hell, but he had enough trouble in the past to last him a triple lifetime. And he almost risked his chance at peaceful life just because of this stupid woman.


"There's my car." Itinuro ng babae ang sasakyan nito kasabay ng paghakbang patungo roon.Sumunod siya rito nang sa sulok ng mga mata niya ay may pamilyar na bulto siyang napuna malapit sa poste ng ilaw. Nang lingunin niya'y wala naman siyang nakita. It must have been a figment of his imagination.


Ibinalik ni Ivan ang pansin sa sasakyang itinuturo ng babae. Napahugot siya ng hininga at hindi napigilan ang pagsipol. "Sonofabitch."


Black Wagon 2003 Hummer H2 Lux. The vehicle was very, very expensive. Its peso equivalent must be close to four million.


Wala pang ganoong uri ng sasakyan sa Pilipinas maliban sa mga assembled imitation. Ganoon man, ang mga assembled imitation ay kopya lang sa mga naunang modelo.


But this all terrain Wagon 2003 Hummer was this year's model and a luxury vehicle as well. Ang halagang ibinayad niyon sa Customs para lang madala sa Pilipinas ay mahal pa marahil sa halaga ng isang bagong kotse.


Ang secondhand Harley Electra niya ay nagmukhang junk sa tabi ng Hummer Lux. The woman didn't come cheap. She was classy and expensive from the roots of her walnut blonde hair to the sole of her expensive Italian leather boots.


Hindi niya kailangang itanong kung sino ito. Her vehicle was a giveaway. "Nayumi's driving a Black Wagon Hummer, Ivan. You surely can't miss that."


Maliban sa pangalan ay ang sasakyan lang nito ang sinabi ni Kurt na mapagkikilanlan dito nang tanungin niya kung paano ito makikilala. Typical of Kurt not to tell him everything. Just as he didn't tell him that the rich spoiled brat was as deadly as she was breathtakingly beautiful; napakalayo na sa may-katabaang dalagitang iniligtas nila mula sa mga kidnapper.


May ilang sandali siyang humugot ng hininga bago tinitigan si Nayumi na dinukot ang susi mula sa bulsa ng jeans nito.


"Bilisan mong magmaneho palayo sa lugar na ito." Muli niya itong hinawakan sa braso at inakay patungo sa Hummer. "Susundan kita patungo sa hotel mo."


Kumunot ang magandang noo nito, gumuhit ang iritasyon sa magandang mukha. Pinamaywangan at hinarap siya. "There's no need for you to—"


"Oh, shit!" malakas na usal ni Ivan. Hinablot niya ang susi sa kamay ni Nayumi at binuksan ang passenger seat at pagkatapos ay hinatak ito at halos ipagtulakan papasok sa Hummer. "Sumakay ka na, pronto!"

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon