Chapter 3

3.2K 130 29
                                    

CHAPTER 3

KAAGAD niyang sinipat ang dibdib ni Dastin matapos niyang gupitin ang suot nitong damit. Kasalukuyan silang nasa loob ng malaking tent.

Mabilis ang naging kilos ng kapitan at ng mga kasamahan nito kanina at nag prepare ng maayos na lugar dahil kailangan niyang gawin ang emergency surgery sa binata.

Mabuti na lang at dala niya palagi ang mga gamit niya para sa mga ganitong emergency. As a doctor, she should always prepare for this. Nakasanayan na niya ito. Ilang beses na rin siyang nagkaroon ng emergency noon sa tuwing nasa labas siya ng ospital.

She made sure that no one could get inside the tent. Sinigurado rin niya sa mga kasama na secured at malinis sa loob at maging ang mga gagamitin niya.

"How's his blood pressure?" she asked as she stared at Dastin.

Wala pa rin itong malay hanggang ngayon.

"It's stable, Doc," sagot nito.

Tumango siya at akmang magsasalita nang makita niyang kumilos ang binata at unti-unting nagmulat ng mga mata. Mahina itong napadaing at tumingin sa kaniya. Bahagyang kumunot ang noo nito at muling napangiwi. Akmang kikilos ito nang pigilan niya ito.

"Don't move," seryosong utos niya.

Tiningnan niya ang IV fluid na nilagay niya sa binata kanina. Tiningnan niya ang isang kasama at inutusan itong turukan ng anesthesia ang binata.

"I'm gonna pull out the broken glass from your chest, okay?" aniya sa binata.

Dahan-dahan itong tumango at dahan-dahan ay hinawakan siya sa siko.

"Sorry for the inconvenience," he muttered.

Hindi siya umimik at tinutukan ang dibdib nito. Ang lima sa mga kasamahan niya ang nag-a-assist sa kaniya, inaabot ang mga kakailanganin niya at panay ang punas ng pawis sa noo niya. Tutok na tutok siya sa ginagawa.

Dastin is conscious and he's been staring at her the whole time. Kahit hindi niya ito tinitingnan, alam niyang nakatitig ang binata sa kaniya. Thankfully, hindi ganoon kalalim ang pagbaon ng basag na salamin sa dibdib ng binata. Kaagad niya iyong tinapos at tinahi.

"Prepare for blood transfusion," utos niya sa isang kasama habang tutok ang mga mata sa pagtahi sa sugat ni Dastin.

"Doc, wala po tayong dalang—"

"I'll donate my blood to him, don't worry," putol niya sa sasabihin nito.

She knew Dastin's blood type and it happened that they have the same type of blood so she prepared herself for it. She had no medical issues and she's very healthy so she's allowed to give him some of her blood.

Nang matapos siya sa pagtahi ng sugat ng binata ay doon niya ito tiningnan. Nahuli niya itong nakatitig pa rin sa kaniya. Ni wala man yata itong balak alisin ang tingin sa kaniya.

Awtomatikong umangat ang kamay ng binata at pinunasan ang pawis sa noo niya.

"You're so cool, Trixie, are you aware of that?" he gently asked.

His eyes were full of amusement while looking at her. Punong-puno ng paghanga sa mga mata nito.

"And you lying down here isn't cool, Mr Ford," she said sarcastically.

Mahina itong natawa pero kaagad ding napadaing. Napailing siya.

"Kailangan mong masalinan ng dugo dahil maraming nawalang dugo sa'yo. Be grateful that you're still alive now," aniya at tumayo.

"Of course, I have to be alive. Wala pa tayong anak kaya hindi pa ako puwedeng mawala sa mundong ito. I haven't made you moan and scream yet so I have to be alive at all cost," dire-diretsong sabi ng binata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Desire (Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now