Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 4

179K 2.5K 100
                                    

"Sigurado ka? Baka nagkamali ka lang ng dinig?"

Umiling na lang siya at tinuro ang mahabang hallway. "I'll go ahead."

Natulala na ako habang pinapanood siyang maglakad palayo. What was that? Anong masamang hangin ang umihip sa Daddy ko? Pumasok ako agad sa opisina niya at naabutan siyang nakatanaw sa labas habang nakaupo sa gilid ng lamesa niya at nakahalukipkip.

"Daddy."

Lumingon siya agad sa akin at ngumiti. "Hey." Umupo ako sa katapat na silya ng lamesa niya habang nakatingin sa envelope na nakapatong doon. That must be the...

"You forced Renzo to marry me?"

"Forced? I did not force him. It's my condition; he can take it or leave it."

"Bakit kailangang gano'n ang kapalit?"

"I'm doing you a favor. Dapat maging masaya ka."

"I don't think this is right."

Bumuntonghininga siya at naupo. "Walang pumipilit sa kanya. It's still his choice."

"Pero kailangan niya ng tulong mo."

"I don't give my help for free."

Napatitig ako sa kanya. This is not my father. Who are you?

"Saka, ayaw mo bang ikasal siya sa 'yo?"

Natigilan ako lalo at hindi makapaniwala sa tanong niya. "What exactly did he ask of you?"

"Money. Tinangay ng accountant ni Matilda ang pera nila at nabaon sila sa utang nang hindi nalalaman ni Renzo. He only got to know everything after his mom's death. Naghahabol na ang mga kliyente nila and the bank took their house so he's left with nothing but two million Pesos in his account."

My heart sank. "And yet you can't help him?"

"My help, my rules. And I'm not doing this just for the marriage. Renzo's ideas are quite unique and creative. Malaking pakinabang siya sa OC."

"Then that's it! He can work for us in exchange of your help! Hindi na kailangan ng kasal. Sapat na yung magtrabaho siya para sa OC."

"Hindi sapat, Wendy."

"What exactly is on your mind?!"

Nafu-frustrate na ako. Hindi ko maintindihan ang rason niya. This whole sitation is confusing me. Hindi ko alam kung ano ang pinanghuhugutan niya sa kondisyon niyang kasal.

"Fine! If you can't help him then, ako ang tutulong sa kanya."

"Bakit, may 50 million ka ba?"

Shit. Napairap ako at pinilit na habaan pa ang pasensya. "Ano ba talagang gusto mo, Dad? Bakit ang babaw? It's just 50 million, barya lang 'yan. Bakit niyo ginagawang big deal ito?"

"I'm doing this for you, to secure your future."

"Fu-future? What future?"

"Gusto mo 'yong tao, hindi ba? Ngayong ibinibigay sa 'yo, umaangal ka."

"I don't want to marry him!"

"You can't fool me. I know enough."

Napasandal ako sa kinauupuan ko. "You know nothing, Dad. Nothing."

"Sapat na ang alam ko."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, yeah?"

"You cried every goddamn night after that boy dumped and you started slitting your wrist when you realized that he will never come back."

Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon