LABING TATLO

32.5K 446 105
                                    


SO 'YON, BAGO AKO MAGING BUSY, BIBIGYAN KO MUNA KAYO NG ISANG PANGMALAKASANG UPDATE. HEHE. SALAMAT SA SUPORTA NIYONG LAHAT. ALL OF YOU DESERVED AN UPDATE. MWA

Chapter 13


Minutes had past when Aiko arrived with Lily, my secretary. Nagkita raw sila sa labas kaya halos magkasabay silang pumasok. I called Lily to come by for some documents I need sign. Hindi na kasi ako papasok dahil masakit pa rin ang ulo ko.

“Aiko, sit here.” Tinuro ko ang upuan sa tabi ko, opposite side nang inuupuan ni Aki.

He nodded and follow my order. “Bakit ang aga ni Aki dito?” tanong pa niya bago umupo.

“I slept here, hindi ko ba nabanggit sa'yo kanina?” Aki answered with his challenging look.

Nakatingin lang si Aiko sa kapatid pagkatapos niyang umupo sa tabi ko. Pinanuod ko lang sila habang inaabot sa akin ni Lily ang mga papel na pipirmahan ko.

“Hihintayin ko na po ba, Miss Talia? O, babalikan ko na lang po?” mahinang tanong ni Lily sa tabi ko.

Hindi ko siyang tiningnan. “Balikan mo na lang, mukhang hindi ako makakapagpirma ngayon...” I answered slowly while guarding the two before they'll make a mess.

Kahit hindi nila sabihin, kitang-kita ko namang nagkakainitan na ang dalawa. Nagtititigan sila hanggang sa may matunaw siguro sa kanila.

Nilingon ko si Lily. “You may go now,” utos ko sa kan'ya pagkalapag niya ng lahat ng mga papel sa mesa.

Tumango lang siya at nagpaalam. Sumulyap pa siya sa dalawa bago tuluyang umalis. Hinintay ko rin siyang makaalis muna bago ko binalik ang atensyon sa magkapatid.

“Hindi kayo titigil?” I hissed.

Ilang segundo muna ang lumipas bago sila sabay na humarap sa akin.

“Natnat.”

“Eve.”

“What?!” iritableng sagot ko matapos nila akong sabay na tawagin.

Hindi ko alam na hindi pala masaya sa paningin na pinag-aagawan ka ng dalawang lalaki. Bukod sa alam kong maganda ako, ay magkapatid sila. They shouldn't fight because of one girl.

“Masarap ba?” sabay nilang sabi bago muling nagkatinginan.

My forehead furrowed. “Ano? Umayos nga kayong dalawa, bago ko kayo pauwiin pareho.”

“Masarap ba si Aki?”

“Masarap ba si Aiko?”

Sabay ulit nilang sabi nang hindi inaalis ang tingin sa isa't isa. Mas lalo akong naguluhan sa pinagsasabi nila kaya tumayo na ako at padabog na hinampas ang mesa.

“Hindi ba talaga kayo titigil? Ako ang masarap, okay na?” Naiinis na talaga ako. Sumasakit na nga ang ulo ko mas lalo pa nilang pinasasakit.

Sabay silang tumingin sa akin na tila nagulat sa ginawa ko. Mataman ko lang silang tiningnan bago muling umupo.

“Kain na tayo,” utos ko bago itinuon ang atensyon sa plato ko. Pakiramdam ko kasi nakatingin lang sa akin ang dalawa at pinapanood ako.

Bahala sila, maglaway sila sa'kin.

Kumain lang ako at hindi na inintindi ang dalawa. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. Tsk.

Pagkatapos kong kumain nagpirma naman ako ng mga papel na dinala ni Lily. Kumakain pa rin ang dalawa na hindi pa rin nawawala ang alitan sa pagitan nila. Nakakarinig na lang ako ng dabog at pagpaparinig nila sa isa't isa na hindi ko na lang pinapansin.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon