Chapter 33

13.3K 846 227
                                    

Nagising ako bigla dahil sa panaginip ko. Napakagat ako sa ibabang labi at naihilamos ang kamay sa mukha.

Jusko, ngayon lang ulit ako nanaginip ng ganoon kainit. It's so vivid kaya para akong sira na nahihiya na ewan. I dreamed about North and we're...doing it.

"Holy shit," Naiungol ko na lang.

Nakakaasar ka minsan, self. Para kang kulang sa aruga.

Nanigas ako nang mapagtanto kong may katabi ako. No'n ko lang naramdaman yung hininga nitong kasama ko sa bandang lalamunan ko pati ang brasong nasa baywang ko. Kahit ang mga binti nito ay kulang na lang pumulupot sa akin sa pagkakayapos. Si Jean ba 'to? Si Yuka?

Parang...hindi?

Halos panawan ako ng ulirat dahil nang ibaba ko ang kumot ay mukha ni North ang bumungad sa akin. Her eyes was closed, squeezing herself closer to me.

Ilang beses akong kumurap. "Nananaginip pa yata ako."

I felt my heart racing nang gumalaw ang balikat nito, hanggang sa tuluyang natawa. "You're not dreaming, silly."

Her brown eyes bore into me, as if trying to read me. There's an amused expression pasted on her face, like she's seeing me for the first time and she's curious to check.

Pasimple kong kinurot ang sarili ko pero nakaramdam ako ng sakit. And I can feel the coldness of the room. No'n ko napansin na nakahawi na yung kurtina sa glass window ng kwarto.

"Anong...oras na?" I asked.

"It's barely 9am." she answered short.

Kinusot ko ang mata dahil baka may muta ako o ano, nakakahiya naman dito sa girlfriend ko na ang ganda-ganda ng ayos.

She's wearing a high waisted jeans and a checkered polo which was unbuttoned all the way through, showing her white top underneath. She's so pretty. Samantalang ako bagong gising na nga, hindi ko pa sure kung mukha na ba akong tao.

"I was here since 7:30, went to your room and found you sleeping. Naki-nap lang ako because you look soft and comfy." Halos mag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. "Nagising lang ako when you stirred a bit. How's your sleep?"

"O-okay lang." No'n ko naalala yung dahilan sa biglaang pagkagising. Napaiwas ako ng tingin. I propped myself up para makabangon na sana but North held me without warning and now I found myself hovering above her.

"You're beet red."

Wala akong mabigay na excuse. Una, siya kasi ito. Lagi naman akong namumula dahil sa kanya. We're so close, I can't help but melt in front of her. She's eyeing me like she's not seeing anything else.

Hindi ako makapagsalita nang basta na lang itong yumapos kaya halos madaganan ko siya. Naramdaman ko rin naman na parang na-relax ako. I felt her playing with my hair, the other hand on my middle back, caressing me.

"Hindi ka ba nabibigatan?" ang natanong ko na lang.

"You're light as a feather."

"Ows?" I pursed my lips. Tina-try ko kasing huwag ibigay yung bigat ko ng tuluyan sa kanya. Natawa siya at basta na lang ako kinagat sa balikat ng may kadiinan. "Aray naman."

"Not sorry," pang-aasar nitong sagot. "I quite like biting you."

Maaga yata akong papanaw sa sinasabi ni North. I can feel my stomach churning, kinikilig ako na ewan. Who would know that she can be this teasing? Hindi kinakaya ng energy ko.

Bumangon ako nang bahagya para tingnan siya. Hindi mapalis ang ngiti sa labi ni North, she really looks happy to be here. "Kumain ka na ba? Sina Jean?"

"They're probably in the dining area. If you're hungry, sasabayan na lang din kita kumain."

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon